"Amiko!"

Natigil naman ang pagpapatansya ko ng muli akong tawagin ni Rupert.

"Okay ka lang? Bakit hindi ka gumagalaw kanina?" toink. Isa yata yan sa weakness ko. Ang maging bato sa harap mo. >////<

Naglakad na kami palabas ng school. Pero nagulat ng bigla niyang kunin ang bag ko. Akala ko, itatakbo na niya eh, hindi naman pala, baliw talaga ako. Paano naman na gagawin yun ni Rupert ano siya snatcher? ^____^V sorry.

Pero the fact na kinuha niya ang gamit ko.

"ako na ang magdadala ng gamit mo." Sabi nito sa akin sabay ngiti.

Wait a sec? Hindi ba ito isang DATE? As in D-A-T-E??? o____o

MYYYY GEEESSHH!!!

>____<

Ilang pang minuto, nakarating na kami sa isang ice cream parlor dito malapit sa park sa school namin.

"Tara!" pinauna niya akong pumasok sa loob. Wow! Ang gentlemen naman niya, unlike kay Francis na walang ka gentle-gentle sa ugali.

One time, niyaya niya akong kumain sa isang fast food chain tapos binangga pa niya ako papasok sa pinto. Ang bagal ko daw kasi. ~_____~ I hate him! Hmp!

"Good Afternoon Sir!" bati ng babae kay Rupert na halatang nagpapacute.

"Good Afternoon din, ahm table for two" saad ni Rupert.

"Huh? Dalawa po sir?" tanong ng babae na receptionist yata.

"Yep, im with..." hinanap naman ako ni Rupert pero...nandito na ako sa tapat ng counter at namimili na ng icecream at ang mas maganda pa dito. HELLO KITTY INSPIRED ang mga flavor ng ice cream. Mukha naman akong ewan na nagnining-ning ang mga mata. Ngayon ko lang napagtanto na kulay pink pala ang buong loob ng parlor. Huwaw!!! Feel ko nasa heaven's gate na ako. *_____*

"hehehe im with her" he pointed me. Nag-smile lang naman ang babae at hinatid si Rupert sa table namin. Pero pinuntahan niya muna ako sa counter.

"Amiko, what's your order?"he asked. >____< pwede bang lahat ng lang yan? Hahaha. Pero naalala ko, may pera ba ako? Hindi ko pa kasi nakukuha ang pera ko sa bangko for this month. Kinuha ko ang wallet ko sa bag ko and I check my money, kaso, isang nalulungkot na 20 pesos na lang ang naiwan. TT^TT poor Amiko.

Nagulat ako ng bigla may nag-tap ng balikat ko. At nilingon ko 'to at nakita ko ang smiling face ni Rupert.

"Don't worry, this is my treat" medyo nahiya naman ako. Kaya napayuko na lang ako.

"Ahm,. Miss? Miss?" sabi ni Rupert, medyo na-curious ako bakit nakailan na siyang tawag sa counter pero walang sumasagot. "Miss?"

"WAHHHHHHHH" nagulat kaming dalawa sa bigla sigaw ng babae.

"S-Sir-, a-ano p-pong o-order niyo?" saad ng babae na sa pakiramdam ko eh nanginginig ang boses.

"Hey? Miss, are you sick?" Rupert asked.

"No Sir, natatakot lang po ako sa kasama niyo, kasama niyo po ba talaga siya?"

"YEAH!" ^_____^ masayang sabi ni Rupert. "Don't worry, she's nice."

Narinig ko naman ang bulungan ng mga ibang babae sa counter kaya naman tumingin ako dito at nagsilayuan sila.

Kinuha nung babae yung order namin kahit na takot siya sa akin. =_____= eh kung katayin kaya talaga kita. JOKE. ^___^v

Pumunta na kami sa table namin. Naupo na kami at nag-antay ng order namin. Mga ilang minutes lang nandyan naman na ang ice cream namin.

+____+ parang nagliliwanag ang mata ko sa nakikita ko, ang kulat ng ice cream. At ang design nito.

"Ahm, Amiko."

"huh?" tumingala ako at nakita ko ang seryosong mukha ni Rupert. Bakit naman kaya?

"ahm, heheh, wala, kain na tayo."

"oo sige" I just nodded at kumain na kami. Hindi ako kumportable noong una kasi ang daming tumitingin sa akin. Para bang may itim na aurang nakapalibot sa akin. Pero,

"Amiko, don't mind them. Okay? You're nice, and you are the only one who really know yourself" and said that and smiled at me. Yumuko lang ako at kinain na ang ice cream ko.

Yeah, he's absolutely right. I am the only one who really know myself kaya wag na lang silang intindihin pa, the important is, may hello kitty strawberry ice cream ako, at may bonus pang Rupert Fortalejo. ~____^

Maya-maya pa, hindi na nagsasalita si Rupert. At noong tignan ko siya, nakatulala ito sa labas ng parlor na parang nakakita ng ewan na kung ano. At paglingon ko sa labas nakita namin mula sa mirror wall si Ayeshang nakatayo.

Tumayo si Rupert at tumakbo palabas. Lumabas din ako para sundan siya kaso paglabas ko, nakasalubong ko sa Francis.

"Amiko?" nagtataka at mukhang gulat na sabi ni Francis.

Hindi ko siya pinansin at tumungo ako agad kay Rupert. Pero pagdating ko sa pwesto nila Rupert at Ayesha, tumakbo si Ayesha palayo. Sinundan naman ito ni Rupert pero bago siya umalis sinabi ni munang...

"Sorry Amiko, may gagawin pa ako. Sorry, maiwan na muna kita"

At tuluyan na niyang hinabol si Ayesha, eneng meren den? (?______?)

Nang maka-alis na si Rupert at Ayesha.

"Amiko!"

Nakalimutan kong nandito pala si Francis. Pero hindi ko siya pinansin at tumakbo na pauwi.

Sadako's First LoveWhere stories live. Discover now