Posible ba na maging kami ng Crush ko ?
Oo ..siguro..ewan? Sagot sakin ng magaling kong bestfriend.
Pero alam mo naman ang salitang huwag ng umasa kasi baka masaktan.
Sige ! Ipamukha mo sakin na wala akong pag-asa baka gusto mong masaktan!
Okay!Sabi mo eh...wala kang pag-asa kasi may girlfriend siya.Compare sayo mas maganda siya lamang lang ng kunti dalawang ligo lang bhe.
Wala talaga ding pag-asa ang isang 'to.Puro kabaliwan at kalokohan lang ang alam sa buhay palibhasa manhid.
Hui..sinong manhid? Ikaw nga 'tong patuloy na umaasa eh.
NakaMove on na ako noh!
Fine.
^^ Magulo ba? Basahin niyo na lang 'to. !! Dahil magulo ang panimula mas gugulo pa ito sa susunod na kabanata... :-)
Ako si Joyce,nagmahal sa maling tao.Kahit na alam kong may mahal na siyang iba eh patuloy pa din akong umasa.
Sinubukan kong makalimot,at oo sana? Malapit na eh pero bigla na lang bumalik ang lahat ng nararamdaman ko sa kanya nagbalik din ang sakit sa puso ko na wala na talagang pag-asa kami.
Mahal na mahal niya ang babaeng nagpatibok sa puso niya since high school pa lang.
Lihim kong nagustuhan siya at dahil sa mga EPAL kong kaibigan eh lalong lumala ang pagkagusto ko sa kanya.
Di lang gusto. Sa tingin ko na nga mahal ko na siya pero mali ito.Ayukong makasira ng relasyon.
Naging stalker kami ng kaibigan ko before silang mag graduate ng high school.Third year pa lang kami nun at sila naman ay graduating na.
Inalam ko lahat sa kanya. Birthday niya,Address basta lahat tungkol sa kanya. Kinapalan na nga namin ng mukha para lang mapasagutan ang isang autograph sa kanya inabot yun ng halos isang buwan.
Pagkatapos nun lalo na kong nasaktan dahil nung araw na yun eh dun sila naging legal ng girlfriend niya sa parents ng taong pinaka mamahal niya.
Dun na ko nag isip na wala talagang pag-asa na maging kami. Nang nawala na siya sa paningin ko di ko na siya masyadong inaalala.
Pero ngayon what a small world? Sa dami ng eskwelan ng pilipinas eh dito pa kami nagtagpo.
Ano na kayang mangyayari sakin? Aasa pa rin ba ako? Kasi mismong tadhana na ang nagsabi at nagtagpo sa amin.
Masasaktan pa rin kaya ako? Kasabay ng pagkikita namin eh going to strong relationship pa din sila ng girlfriend niya.
Bahala na.Basta ako nagmahal lang at higit sa lahat nasaktan.
***************************************
A/N:
Edit na po ito.Nadelete ko na po yung una kong napublish na story pero ito pa din yun.
Jejemon po kasi yung nauna kaya nag edit ulit ako.Sa mga nakabasa na nung una please continue reading this, simulan niyo ulit sa beginning kasi madami din po akong dinagdag na scene.
Sorry na agad sa susunod na pag a update ko.Siguradong madaming grammatical errors at typos na mangyayari.
Simula pa lang pinaaalalahanan ko na kayo na di ako perpektong tao magkakamali at magkakamali po ako.Im not really good in English kaya pagpasensiyahan niyo na po.
Ang storyang ito ay para lang sa mga interesado lamang.Hindi ako namimilit na basahin niyo ito pero sana please! Wala bad comments or feedback.
Isa pa!
Wala akong pinapahintulatan na icopy ang istoryang ito.Sariling kaalaman namin ang inilagay para mabuo ang Feelengerang Stalker.
Ang magtangkang gawin yan humanda kayo.Hahanapin at tutuntunin namin kayo.
By the way! Please support our story,and yes OUR! Dalawa po kaming gumagawa nito kasi base on experience ng bida ang ibang mga scene dito.
Kamsahamnida Readers....hope you like it ^_^
YOU ARE READING
Feelengerang Stalker
RandomPosible ba na maging kami ng Crush ko ? Oo ..siguro..ewan? Sagot sakin ng magaling kong bestfriend. Pero alam mo naman ang salitang huwag ng umasa kasi baka masaktan. Sige ! Ipamukha mo sakin na wala akong pag-asa baka gusto mong masaktan! Okay!Sabi...
