Trip Mo Part 15

88 3 2
                                    

Warning: typo errors.

PS:
Special mention for my one &only friend in erji for almost a decade chill_eds. Likewise, to my anakins cxyrine and to makulit slash cute curls ni Leann. To all silent readers, make some noise madlang people.

***

"Sparkle!!"

Ok. Nganga na naman me. Hindi na dahil sa view kundi dahil sa lalaking unang bumati sa kin.

"Q-qoulas???!"

Nagulat ako nang mabungaran ang grupo ng basketball team namin. Andun sina Qoulas, Mikee, Blast, Pal at ang kaaahon lang sa pool na si Kristoff. Kumikinang ang mga maskel ng mga lalaki sa harap namin. Naka swimming trunks ang mga ito. Ang sasarap tingnan.

Naramdaman ko pa ang halos paninisay ng pinsan kong si Jheny sa likod ko ng masilayan ang mga naglalakihang katawan ng mga lalaki.

"These are buddies, I bet you already know each other since iisa lang kayo ng school. Anyway guys, this my girlfriend Parker, her bestfriend Nichie and her cousin, Jheny." Sabi ni Devin saka isa isa ring pinakilala ang mga lalaki.

Dalawang lalaki ang hindi pamilyar sakin. Pinakilala rin ito ni Devin, kasamahan daw niya ito sa SDU basketball team, sina Ryuji at si Jeff.

Isa isang nakipagkamay sa amin ang mga lalaki. Ang hugis infinity nitong pool ay may katapat naman isang mini bar na pwedeng tambayan ng mga naliligo doon. Makikita din sa paligid ang mga dwarfs na puno ng niyog, mga palamuting halaman at mga bench chairs na pwedeng higaan ng mga bisita upang magpainit sa sinag ng araw.

Nang magkatinginan kami ni Kristoff sa mata at ngumiti ito sa kin ay naramdaman ko ang pamumiula ng aing pisngi.

Syet! Hindi kami tunay na mag boyfriend, Kristoff. Promise, ikaw lang ang nasa puso ko.

Gusto kong mag explain pero para san pa? Tsk. Kainis, bakit sila pa ang magbabarkada?

"Hi K...rrris..toff!" Nauutal kong bati dito.

Naramdaman ko ang paghawak ni Devin sa kamay ko. Syet. Kailangan pa talagang humawak? Pinagpipisil pisil pa niya ang likuran ng kamay ko. Napatingin ako rito ng masama at saka muling ningitian ang mga kabarkada nito. Lihim kong kinurot sa tagiliran si Devin na nagpaigtad sa kanya.

"Bat di mo sinabi sila lang pala ang friends mo!" Mariin pero pabulong sabi rito. Hawak hawak pa rin nito ang kamay ko. I tried to squizz his hand hard pero hindi man lang ito natinag.

"Why? I didnt see anything wrong with that?" Sabi lang nito.

Matagal na siguro silang magkakaibigan at medyo imposibleng hindi alam ng mga kaibigan nito ang tungkol sa kin. To think na ang basketball team namin ay alam na alam ang pagkakahumaling ko kay Kristoff, eh si Devin kaya alam rin nya kaya since theyre close?

"Wag mo nga akong englisin at naasar ako sayo. Hindi kami mag oovernight, pagkatapos ng araw na to uuwi na lang kami sa bahay." Sabi ko dito.

Nawala ang ningning sa mga mata nito at napapatango lang.

"If thats what you want."

Sobrang excited pa naman ako sa lugar na ito pero na bad trip ako. Magiging uncomfortable ang mga magaganap na pangyayari kung magkakasama kaming tatlo. Ako, si Devin at si Kristoff.

Oo na. Ako lang ang hindi magiging comportable habang sila, ang saya saya.

Hinatid kami ni Devin sa kwartong uukupahan namin. Sinabi ko na ritong hindi kami magpapalipas ng gabi rito pero na amaze pa rin ako sa ganda ng kwarto. Walang walang ito sa kwarto ko. Ang laki at ang bongga. Para kaming nasa isang hotel room. Carpeted ang buong sahig. At ang laki laki ng kama, kasya ata limang tao roon.

Trip MoWhere stories live. Discover now