Episode 7: Lovers' Quarrel

Start from the beginning
                                    

Muli sanang hahabulin ni Vice nang mapansin nya ang paparating.....

"Shall we go?", baling nito kay Karylle. "Hi Vice!" nakangiting bati nito sa kanya.

Tango lang ang ginanti nya rito.

"Let's go.." mabilis na tugon ni Karylle sa dumating.

Naiwan si Vice habang hinahabol na lang ng tingin ang dalawang papaalis.

"Nagkabalikan na pala sila." tanging sambit nya. Magkahalong galit at selos ang nararamdaman nya sa sarili nung mga oras na yon. Galit sya sa sarili nya dahil guilty sya sa lahat ng sinabi ni K at selos naman dahil di nya inaasahang makikita nya si Yael at mukhang nagkaayos na ang mga ito.

.

.

.

Wala sa mood na umuwi ng bahay si Vice. Napagpasyahan nyang magpahinga na lang at wag nang sumama sa Beki Nights bonding ng kanyang barkada. Pagod na nga ang katawan gayon din ang utak nya kakaisip kung anong dapat nyang gawin para magkaayos sila ni Karylle,

Upang malibang, binuksan nya ang flat screen TV. Sakto at Star Patrol ng TV Patrol Weekend ang naabutan nya.

http://ABSCBNNews.com : WATCH: Rufa Mae, Karylle in sexy pictorial http://www.abs-cbnnews.com/video/entertainment/09/19/13/watch-rufa-mae-karylle-sexy-pictorial … via @ABSCBNNews

"Bagyo sa lakas ng dating ang sexy pictorials ng hottest hunks. Level-up din sa pagiging mapanukso sina Rufa Mae Quinto, Karylle at iba pang celebrities. Nagpa-Patrol Mario Dumaual. 

Sunud-sunod ang mapangahas na mga sexy pictorial ng mga celebrities. Mapanukso naman ang dating ni Karylle sa kanyang backless shoot para ipakita ang kanyang kakinisan...."

Napalunok si Vice nang mapanood si Karylle. Di maikakaila na talgang maganda ang katawan nito sa nasabing pictorial.

"Ayan ka naman Jose Marie! Bawal kang magnasa kay Karylle! Hindi pwede!" pagalit nya sa sarili.

Commercial break.

Napapailing na lang si Vice nang kung ano ang ipinalabas sa commercial. Cadbury Smooth & Creamy TV ad featuring Vhong. Billy & Karylle.

"When it rain, it pours...Parang nananadya ata ayoko na ngang isipin lalo ko pang naaalala... Ang lakas ko talaga sa'yo Lord!" sabay tingala at ikot ng mata.

Inaabangan ni Vice ang semi finals ng The Voice of the Philippines. Ngunit bago ito ay MMK muna ang mapapanood. "TIRINTAS" episode nina Nash Aguas at Alex de Ocampo kung saan ang istorya nito ay patungkol sa isang binatilyo na nagpanggap na bakla para lang mapalapit sa gusto nyang babae.

May nagsasabi sa isip nya na tapusin ang palabas. Isa sa mga eksena nito ang nakakuha ng kanyang atensyon.

"Sana pala hindi na ako naduwag noon..

sana pala noong una pa lang sinabi ko na yung totoong ako...

eh di sana nagkaroon pa tayo ng panahong magkasama...s

ana napakita ko yung totoong ako, yung totoong feelings ko"

Labis ang epekto nito sa kanya. Kaya dali-dali nyang pinatay ang TV at dinampot ang car keys.

.

.

.

Vicerylle We Could Be In LoveWhere stories live. Discover now