Episode 7: Lovers' Quarrel

13.4K 146 4
                                    

AUTHOR'S POV:

May part sa Sine Mo To this week entitled "Cinderela Ella Ella" kung saan may mga sinabi si Billy and also some dialogues from MMK
to justify some part of this episode.

+++++++++++++++++++++

Vice: Masaya ako at may isusuot ka ng gown..(matamlay na pagkakasabi ni Vice)

Billy: Masaya ka nga. Kuntento ka sa istoryang toh...

++++++++++++++++++++++

If you guys still remember yung last part ng Episode 5, may tinawagan si Vice. I will reveal who that person is.  Tara! Basa na! Hehehe

VICE'S DR

"Vice, by next week ibabalik na ang Vicerylle sa Sine Mo 'To as per Direk's request", paglalahad ni Ms. Ruth Padriga ang Head Writer ng IST.

"Hindi ba pwedeng story na di magfofocus sa aming dalawa ni Karylle?",tanong ni Vice.

"Napapansin ng management for the past 2 weeks na medyo bumaba ang ratings ng show. Primarily because of your followers' disappointment sa absence ng loveteam nyo ni Karylle sa SMT. I tried to convince Direk na your fans demanded too much at medyo nasasakal ka na and worse napipilitan ka na lang sa mga scene, it's too obvious on national TV. Pinagbigyan na kita Vice sa request mo when you called me up that early morning. I revised all my stories for 2 weeks. That Gimme Gimme Gimik and Tito Bhoy Band di yun ang original script ko but since request mo & I got your point for requesting it kaya I did you a favor. But this time it's the management's decision na ibalik ang Vicerylle. Whether youlike it or not we have to follow orders" mahabang paliwanag ni Ms. Ruth.

Muli sanang sasagot si Vice nang maramdaman nyang hindi lang silang dalawa ni Ms. Ruth ang naroroon.

"KARYLLE?????? Kanina ka pa ba diyan?" kinakabahang tanong ni Vice.

Bakas sa mukha ni Karylle ang pagkabigla at sama ng loob sa mga narinig.

"Pinapatawag ka na ni Direk. Malapit nang mag on air." sabay talikod nito.

Hinabol sya ni Vice.

"Karylle...wait!  Let me explain..." halatang nag-aalala sya sa tumatakbo sa isip ng dalaga.

"I'VE HEARD ENOUGH VICE! THERE'S NOTHING TO EXPLAIN!" nasa boses na nito ang galit.

Mabuti na lang at mabilis na lumipas ang mga oras. Nakayanan ni K na gawin nang maayos ang kanyang trabaho sa kabila ng sama ng loob kay Vice. Gayon din naman ang isa. Kahit may inaalala ay nagawa pa rin nitong magpatawa. Pilit na iniwasan ni K na magkatabi sila ni Vice on & off cam. Mula nang mag-umpisa hanggang matapos ang show ay tanging si Billy lang ang katabi nito. Agad syang nagpaalam sa kanilang direktor na mauuna nang umuwi at di na makakasalo sa nakagawian nilang late lunch sa DR.

Alam na ni Vice ang gagawin ng dalaga kaya naman ay dumiretso sya sa DR nito at kanyang kakausapin.

"What are you doing here?" walang emosyong tanong ni K.

"Tungkol samga narinig mo kanina, I can explain. Ganito kasi yan K..." naputol na sabi ni Vice dahil sa pagsabat ni K.

"Na napipilitan ka na lang sa loveteam natin???? Na overdemanding na mga fans natin para sa'yo, tama ba??? I get it Vice! Simple lang naman di ba? Ayaw mo na akong katrabaho. Why didn't you tell me para naman ako na ang kusang lumayo sa'yo. Hindi ka sana naaalibadbaran sa pagmumukha ko! Pinagmukha mo kong tanga!" sabay hablot ng bag at nag walk out.

Vicerylle We Could Be In LoveWhere stories live. Discover now