Nagulat ako nang makitang sobrang daming damit dun. Ang girly potaaaa. Namili siya dun at nakita kong kinuha niya yung isang pink na dress na nakahanger. "Oh isuot moto! Hehe bagay sayo yan promiseeee!"

Tatanggi sana ako pero pinagdilatan niyako ng mata. Nakakatakot siya kaya wala nakong nagawa kundi pumayag. Naghubad nako sa harap niya. Parehas naman kaming babae eh. Shirtless nako ngayon pero nakabra parin naman. Tinanggal ko yung wallet ko at pinatong yung sa study table niya. Hinubad ko na yung pantalon ko. Kinuha ko sa kanya yung dress at saka yun tinanggal sa hanger. Sinuot ko na yun.

Umayos ako ng tayo at humarap sa kanya. Nakita kong nakatulala siya kaya naman pu alakpak ako ng isang beses.

"Ahy diyosa!" Natawa naman ako sa reaksyon niya.

"Oo alam ko diyosa ako. Oh ano?" Sabi ko habnag tumatawa pero tumigil din agad ako.

"Ang gandaaaaa. Sandali palitan natin yang sapatos mo. Hihi" pumunta siya dun sa may gilid ng kama niya at kinuha yung isang dark pink na high heels. Ang taas naman. Mga 5inchs. Siguro. Hangkyuuut kasi may malaking ribbon sa gilid.

Hinubad ko yung sapatos na suot ko saka ko sinuot yung heels. Inilugay ko din yung buhok ko. Pumunta muna ako sa CR nila at saka ako naghugas ng kamay na may konting dugo pa, at naghilamos ako ng muka. Nakita kong may towel dun kaya pinunasan ko yung braso, kamay at muka ko.

Lumabas ako at nakita ko si Ayumi na naghihintay sakin. "Tinext ko na si President. Ako na yung maglilibot sayo sa school hehe." Sabi niya nang nakangiti. Tumango naman ako.

Lumabas na kami ng pintuan. Nakita kong walang tao sa hallway. "San yung mga estudyante?" Tanong ko habang nililibot yung paningin. Ang ganda dito. May maliit na ilawan sa bawat gilid ng pinto na nakadikit sa dingding.

"Ahh. May klase sila. Excused kaming apat nila Nicco eh. May bago kasing students at kayong tatlo yun nila Allen. Members kaming tatlo ng SC at si ate Izzie yung president. Si MM naman yung right hand niya." Ahh. Kaya pala. Tumango nalang ako ng dahan dahan.

Nagsimula na kaming maglakad at rinour na niya ko. Nang dumaan kami sa isang building na puro classrooms. May mga estudyanteng nakatambay sa labas ng room at wala pang teacher sa loob. Nakauniform sila. Long sleeve na white, gray na coat, tapos black na palda na maikli. Mahabang black socks, tapos black leather shoes. Sa lalaki naman Gray na long sleeves, black slacks tapos black leather shoes. Pinagtitinginan naman kami ni Bianca. Oh. Let me rephrase that. Pinagtitinginan AKO ng mga estudyante at naririnig ko pa yung mga bulungan nila.

"Sino siya?"

"Ang ganda niya!"

"Tignan niyo para silang model ni Bianca"

"Ang sexy niya"

"Ano kayang ability niya?"

At marami pang iba. I mentally smiled. Nakakatuwa makarinig ng comliments. Haha xD

**

Nandito na ulit kami sa SC Room at nakaupo sa kung saan kami maka pwesto kanina.

"Sooo.. naayos ko na yung mga kwarto niyo. Si Andie makikishare nalang sa dorm ni Nicco. Si Allen kay MM. Tas si Haruna, sa dorm ko nalang ikaw tutuloy." Nagulat ako sa sinabi niya. Noooo ayokooooo!

"Hindi!" Sigaw ko kaya naman napatingin sila sakin.

"Pardon?" Nakataas ang isang kilay na sabi ni Izzie.

"I-I mean. Ayoko. Magkasama nalang kaming tatlo sa kwarto." Nagulat sila sa sinabi ko. Pero nagulat ako nang tumawa si Izzie.

"Okay! Sabi mo ehh. Wala namang problema. May isa pa namang kwarto na tatlo yung kama dun sa may dorm ng boys. Alam ko namang kaya mo na yang sarili mo kaya okay lang." Nakahinga naman ako ng maluwag.

The Ability UserWhere stories live. Discover now