CHAPTER 13

337 20 9
                                    


Aya's POV

Sa dinami ba naman ng inikot namin dito sa mall, ngayon pa kami nakarating sa Grocery Store!

Eh pa'no ba kasi, 'tong kasama kong bakulaw naglaro pa dun sa World of Fun! Tsk. Laki laki ng katawan pero mukhang bata.

Buti na lang binigay niya sakin 'yong nakuha niyang Stuff toy. Ang Cute! Kaya hindi ko na lang siya sinungitan. Hehe

Kung itatanong niyo kung anong nangyari samin dun sa Photo booth. Naku wag na. Basta wag na. (Anyare Aya? :D)

So eto nga, nasa Super Market na kami.

"Teka, ang dami naman nyan Jeremy! 10pcs. lang kunin mo."

Pa'no ba naman, kumuha siya ng 20pcs. ng Cup noodles! Kumusta naman 'yon? Baka magmukha na kaming pansit nito.

"Pero, i love noodles eh." Pout niyang sabi.

"Eh hindi naman kami mahilig ng mga Kuya ko niyan eh. Ikaw lang din ang kakain. Kaya wag mong dadamihan, aabutin lang yan ng expiration. Masasasayang lang."

(A/N: Parang love lang din yan eh. Wag mong sosobrahan dahil kapag siya nagsawa na, lahat ng binigay mo masasayang lang.)

"Huh? Malakas kaya kumain nito si Kylu." Eh? Di ko alam na kumakain na pala si Kuya ng noodles.

"Totoo? Hate kaya yan ni Kuya dati." Sabi ko.

"Talaga? Yan kaya lagi namin kinakain. Tamad kasi 'yon magluto pag wala si manager." I guess, di ko na nga masyado kilala si Kuya. Tagal din kasi niyang nawala eh.

"Sige na nga."

"Yes!" Masayang sabi niya.

Nag ikot-ikot pa kami hanggang sa naisipan kong bumili ng Face powder. Naubos na pala yung sakin sa bahay.

"Jeremy, may kukunin lang ako saglit dun banda ha? Wag kang lalayo masyado." Paalam ko.

"Okeydoonkey!" Sagot naman niya.

Pumunta na'ko sa may Beauty Products.

"No. No. Not this. Asan na ba 'yon?" Laki laki ng Super market na'to pero bakit parang wala sila nung powder na ginagamit ko? Tsk.

Umikot ako sa kabila ng may bigla akong makabangga.

"Aray!" Rinig kong sabi niya.

"Naku, i'm so sorry. I didn't mean to-- Miss Kim?" Gulat kong tanong.

Naku naman Aya! Sa lahat ba naman ng makakabangga mo, yung Kapatid pa ni Kirby.

"Aya?" Gulat rin niyang tanong.

Huhu. Baka pagalitan ako nito.

"Miss Kim. Sorry po. Di ko po sinasadya, sorry po talaga." Paulit-ulit kong sabi at tinulungan siyang tumayo.

"Don't be sorry. It's my fault, sa phone ko kasi ako nakatingin eh. Hindi sa daan." Nakangiti na siya ngayon.

"Okay lang po 'yon. Di rin naman po ako tumitingin sa dinadaanan ko eh."

"Hmp, so what brought you here?"

"May binili lang po. Kayo po? Sinong kasama niyo?" Tanong ko.

"I'm wi--"

"What's happening here?" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Kirby.

Waaaah! Nandito siya. Wrong timing! Di pa'ko nakakaligo. Nakakahiya ka Aya!

"Who's that?" Tanong niya. Nakayuko lang kasi ako kaya di niya ko agad nakilala.

"It's Aya."

Naku naman. Ba't ngayon pa? Anong gagawin ko? Kailangan ko ng makaalis agad dito. Feeling ko kasi namamaho na'ko. Pinagpapawisan na'ko kanina pa. Umisip ka ng paraan Aya. Umisip ka.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 08, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm His StalkerWhere stories live. Discover now