Realization

400 24 6
                                    

Someone asked me “Paano ka lulugar sa isang sitwasyon, kung saan yung taong gusto mo, may gusto ng iba?” And with that question, I thoroughly asked myself, kung paano, and I realized I’ve been in that situation before. This isn’t a story, but more of a sharing. So, if you’re looking for a story-like format, then I suggest you better stop reading this. LOL

There comes in our life, na kahit anong meron ka, gaano ka kagaling, gaano ka kaperpekto, darating sa punto na magiging ‘option’ ka lang, yung tipong ‘reserve’ para sa ibang tao. Siguro tama nga sila, you can’t have everything you want in life. I don’t know kung lahat nakaranas na, pero ako, OO. I usually have this scenario na lahat ng nagugustuhan ko, taken na. Well, that only means na yung standards ko, is gustuhin din ng ibang tao. Kaya taken na at may nauuna sakin. And with that situation, ayun yung masaklap. Kasi dun na papasok yung word na ‘friendzoned’.

So, back to the question, paano mo ilulugar yung sarili mo sa ganyang sitwasyon. I wouldn’t highly recommend yung bagay na ginawa ko, but I just want to share. Kasi kahit mukhang engot lang ako dun, the memories and feeling habang ginagawa mo yun, is something indistinct-able, ang hirap i-explain. Masaya na malungkot na ewan. So, there this girl, nothing special.

She’s not tall, and she’s not the artist-look like but she’s simple and warm. Maybe those are the traits that I like about her. Yung ngiti niyang feeling mo, ayos lang lahat, yung mga hard niyang jokes na hindi ka ma-ooffend, yung pagiging iyakin niya at tense sa simpleng bagay. I found it cute. Honestly speaking, that’s too far from my ideal one, though there’s something about her na makukuha attention mo.

At first, hindi kami magkakilala, we’re not friends, we belong to separate set of group. Pero hindi ko na maalala, basta. Nagulat ako kasi kilala niya ako. Well, kilala ko siya, pero hindi kasi ako yung tipo na lalapit, kaya nagulat nalang ako nung nilapitan niya ako. And siguro yun na yung starting point, yung simula ng lahat. After that simpleng, kaway at ngiti ngiti, napunta na sa ‘getting to know’ hindi yung ligaw but something, na ginagawa ng magkaibigan. Though ako, gusto ko na siya that time. And I’m not taking advantage of the situation.

Until to the point that she opened things up, yung past niya. Alam mo yung sa simula nakangiti ka, kasi alam mong nagtitiwala na siya sayo, pero yung ngiting yun unti unting nawawala hanggang maging isang pilit na ngiti nalang. Nakakatawa siguro yung itsura ko nun, pero nung nagkwento na siya. Dun ako pinanghinaan ng loob.

Ano nga bang laban ko sa isang relasyon na sinubok na ng panahon? Mas matagal pa sa course ko nung college. LOL Alam ko, walang commitment, pero ramdam ko yung hinayang niya at yung bigat sa pakiramdam habang nagkkwento siya, alam ko naranasan niyo na yun. Yung malaman yung sinasabi.

Kaya imbis na lumayo ako at umiwas dahil sa nangyari, lalo pa ata akong napalapit. And that answers the question above, kung san ako lulugar. Nagsimula naman kami sa pagiging magkaibigan at nanatili akong kaibigan, friendzoned.

Natatawa nga ako sa sarili ko, kasi tuwing recess, breaks, lunch at free time, nakikita ko siyang laging may kausap sa phone. And I’m pretty sure alam niyo na kung sino yun, samantalang ako, ako yung magtetext, ako din yung puputol sa usapan. Siguro sasabihin niyo tanga, bobo. Na may pagkakataon na ako, hindi ako kumilos. Pero alam niyo kasi may sagot ako diyan.

Nirerespeto ko siya. Alam kong alam niyang gusto ko siya, sa mga barkada ko ba naman na mahilig manlaglag. Pero kakaiba siya e, hindi niya pinaramdam sakin yung awkwardness, kung sa iba yun, iiwasan niyo na yung lalaki diba? Pero siya hindi, yung treatment, parang wala lang, magkaibigan lang. That’s when I decided, na hindi ko na ipipilit yung sarili ko sa kanya. And makukuntento nalang ako sa kung anong meron saming dalawa.

So that’s it. Wala lang. Napahaba lang sagot ko sa simpleng tanong. Salamat sa pagbasa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RealizationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon