This Time To Forever

6.7K 205 16
                                    

Ano ba ang dapat niyang maramdaman? Biglaan ang mga pangyayari upang i-assess niya ang sarili at sagutin ang sariling katanungan. Sana ay naitanong niya iyon bago pa niya buksan ang pinto at matagpuan ang lulugo-lugong ex-boyfriend na si Robert sa harap niya.

"Esperanza." Mag-iisang taon mula ng huling makita niya si Robert, bakas sa mukha ang malaking pagbabago sa pisikal na anyo nito. The past seven months had withered him miserably.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" nagawa niyang itanong. Walang anumang damdamin ng pagkasabik o galit.

"I'm broke, Esperanza. Wala na kami ni-" hindi nito nagawang banggitin ang pangalan ng ex-bestfriend niyang kinalantari nito. "Nakipaghiwalay ako sa kanya nang ma-realize kung ikaw pa rin ang mahal ko."

Doon sumulak ang dugo niya. "Is that you, Robert? Sana naman hindi mo pa nakakalimutan ang mga sinabi mo sa akin nang pagtaksilan mo ako. O masyado lang makapal ang apog mo na bumalik dito at sabihing nagkamali ka lang. Hindi simpleng pagkakamali ang pagtataksil."

"Paniwalaan mo naman ako, Esperanza. Ikaw talaga ang mahal ko."

"Kung sinabi mo iyan bago n'yo pa ako lokohin, paniniwalaan kita."

Tinangka ni Robert na hawakan siya ngunit dagli niyang iniwas ang mga braso. "I want you back." Amo'y niya ang alcohol sa hininga nito. Sa pagkakalapit nila, doon niya nakitang lango nga sa alak ang lalaki.

"I have already moved on, Robert. Matagal na kitang kinalimutan. Matagal na rin kitang pinatawad." Umatras siya upang bigyang daan ang pagsara ng pinto. Ngunit maagap na hinarang ni Robert ang katawan. Mabilis iyon. In an instant, nakadama siya ng panganib. Wala pa si Tania.

If Robert appeared tamed nang pagbuksan niya ito, he was acting the opposite nang buong lakas nitong ipinasok ang sarili sa maliit na siwang ng pinto. Nakipagbuno siyang isara iyon ngunit lalaki si Robert. Wala siyang laban sa pisikal na lakas nito.

Tuluyan na itong nakapasok ng bahay habang siya naman ay hindi magkaundagaga sa pag-iisip kung saan pupunta. Patuloy siyang umaatras habang lumalapit ang lalaki. "Alam kong gusto mo pa rin ako, Esperanza. Huwag ka nang magsinungaling." He inched further. Sa pagkakataong iyon ay wala na siyang nagawa nang hawakan nito ang braso niya. Balewala ang ginawa niyang pagtatangkang makahulagpos doon.

"Lasing ka, Robert. Umalis ka na, please. Saka na lang tayo mag-usap kapag okay ka na." Iniwas niya ang mukha when the man popped his face toward her upang tangkaing halikan siya. "No, Robert. Tatawag ako ng pulis."

"Hah!" Nakangising itinigil nito ang ginawang pag-umang ng mukha sa kanya. "Walang maniniwala sa'yo, Esperanza. Pwede kong sabihing ginusto mo ang nangyayari ngayon."

"Robert, nagmamakaawa ako. Umalis ka na, please."

Bingi ang lalaki na tanggapin ang pagsusumamo niya. Muli nitong inilapit ang mukha. Habang ang isang kamay ay nakapulupot sa kanyang braso, the other one wrapped her chin. "Alam kong pinananabikan mong halikan kita ulit, Esperanza. Kasalanan mo rin naman kung bakit kita pinagtaksilan, eh. You were so freaking frigid. Kung pumayag ka lang na-"

Hindi naituloy ang lalaki ang sapilitang pagsakop sa kanyang mga labi nang buong lakas niyang itinulak ito palayo. Sa maliit na distansiyang iyon, nagawa niyang ikilos ang katawan palayo. Agad siyang tumakbo patungo sa pinto palabas ngunit maagap din ang nadedemonyong si Robert. He grabbed her by the hair at impit siyang napaiyak sa sakit ng pagkakahila ng kanyang anit.

Stand-alone ang apartment na inuupahan niya. Malabong may kapitbahay na nakarinig ng komosyon. Nanginig na hinarap niya ang lalaki na hinigit ang kanyang katawan. Nakayakap ito mula sa kanyang likuran. "Alam kong gusto mo rin ito, Esperanza." Walang patumanggang iginapang nito ang isang kamay sa pisngi niya, pababa sa kanyang leeg habang ang isa ay mahigpit na nakapulupot sa kanyang bewang.

Lovingly Yours, Mister NuknukanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon