"Anong ginagawa mo dito sa bahay namin?" lakas loob na tanong ko, sabi naman nya hindi nya ako sasaktan diba?

""Hindi ko rin alam eh.." ano? Bulag lang ako, hindi naman ibigsabihin non bobo ako at tatanga-tanga.

"Liloloko mo ba ako?' Pagtataray ko,

"Magtatanong tapos hindi maniniwala pag sinagot, mga babae talaga oh.." pagpaparinig nya, aba!!

"Loko ka ah, nagtatanong nang maayos yung tao. Sumagot ka nang maayos, tsaka paanong hindi mo alam? Pwede ba yon?" Sagot ko naman,

"Maayos naman yung sagot ko ah, eh sa hindi ko naman talaga alam. Tsaka tinatanong pa ba kung pwede yon eh nangyari nanga." Napipikon na ako sa isang to,

"Eh, bakit ka nga kase nandito sa bahay namin? Magnanakaw ka noh? Sige, sisigaw ako dito na may magnanaka---"

"Alam mo, ang daldal mo." Ewan pero natahimik ako sa sinabi nya, oo nga bakit parang ang daldal ko sakanya? Hindi nalang ako ulit kumibo.

"Oh, ba't na tahimik ka ngayon?" Sita nya, napansin nya sigurong hindi na ako nagsasalita.

"Hindi kase ako nakikipag usap sa mga taong hindi ko kilala," Simpleng sagot ko.

"Bakit, sino bang nag sabing tao ako? BTW, I'm Kenneth. Oh, hindi na ako stranger ah. Pwede ka nang makausap?"

"Nag-uusap naman na tayo ah? Teka nga.. anong hindi ka tao? Ano ka, alien? Wag mong sabihing multo ka! Hahaha" Natatawang sabi ko, hindi daw sya tao? Edi alien sya? May sapak ata tong isang toh eh,

"Paano kung sabihin ko sayong, Oo?"  Ako lang ba o talagang may kakaiba sa boses nya? Kanina ko pa kase yun napapansin eh,

"Oo, ka dyan. Hindi naman ako nag pro-propose sayo ah, wag ka ngang feeling!" Pagbibiro ko, ah hello. Paano naman daw kaya ako mag re-react,

Oo daw? Na ano, na Alien sya?

"Nak, sinong kausap mo?" Narinig kong bukas ang pinto. Si Mama. Teka hindi ba nya nakikita yung lalakeng kausap ko? Ramdam kong nandito parin naman sya sa tabi ko, ang weird naman.

"Ah.. wala po ma, nag pra-practice lang po ako nang tula." Palusot ko, baka mamaya hindi lang ako sa eye center ipasok nang parents ko at next time sa mental hospital na pag sinabi kong may kausap ako. Isipin pa nila nag sasalita ako magisa, asan na kaya yun go kausap ko? Baka nagtago na?

"Mamaya ka na mag practice, mag di-dinner na tayo." Sabi ni mama, tsaka lumapit saakin para alalayan ako hangang sa dining.

After nang dinner, hinatid ako ulit ni kat-kat sa kwarto ko. Napabangon ako mula sa pagkakahiga at na paupo, di ako makatulog.

"Pwede ka bang lumabas? Alam kong nandyan ka pa.." tawag ko dun sa kausap ko kanina, although hindi ako sigurado kung nandito pa talaga sya..

Desperada na kung desperada, pero ikaw ba naman ang walang makausap at mabulag sa loob nang almost 3 months at posibleng habang buhay..

"Oh, bakit?" sabi na nandito pa sya, buti nalang. Bahagya akong napangiti,

"Wala lang, uhm..wala kase akong makausap. Ako pala si  Eden Kaye Soriano, hindi kita isusumbong sa parents ko promise." Paninigurado ko, ang weird palang makipag kaibigan sa weird.

"Gusto mo bang makakita ulit?" Biglang tanong nya,

"Ano ba namang klaseng tanong yan? Syempre naman." Sagot ko, sino bang bulag ang ayaw maka kita diba?

"Paano kung sabihin ko sayong pwede kitang matulungang makakita ulit, pero.."

"May kapalit? Teka, doctor ka ba?" Baka mamaya mas mahal ang singil nito,

"Hindi," sagot nya.

"Eh paano mo ako matutulungan? Wag mong sabihing albolaryo ka?!"

"Alam mo ang daldal mo. Akala ko ba gusto mong makakita?" Ayan nanaman po sya, madaldal ba talaga ako?

"Oo nga, gusto ko naman talaga eh. Paano mo ba kase ako matutulungan?"

"Makinig kang mabuti, isa akong multo--mali, kaluluwa. Kaya kong ibalik ang paningin mo, pero kailangan mo akong tulungang mahanap ang katawan ko." Hindi ko maiwasang mapa-halgalpak nang tawa sa sinabi nya,

"Hoy, I mean Kenneth, hindi ako nakikipag lokohan sayo ha."

"Ganito nalang, pag naibalik ko ang paningin mo, maniniwala ka na at tutulungan mo na ako. Deal?" Nababaliw ba sya? Pero paano kung totoo nga? Teka, na ano? Na multo sya? No way!

"Deal."

May naramdaman akong palad na dumapo sa mga mata ko kaya napapikit ako nang bahagya dahil sa gulat, medyo nag alangan pa ako nung una pero alam ko naman na si Kenneth lang yun.

Kasabay nang dahan dahang pagalis nang palad nya, ang unti-unting pagmulat ko nang mga mata ko.

Nagulat ako dahil may nakikita na akong liwanag, hindi kaya dati na purong dilim lang kahit saan ko ibaling ang paningin ko.

Mula sa liwanag na yon, uti-unting nagkaroon ng mga malalabong kulay, may naaninag akong parang bulto sa harap ko. Medyo madilim ang paligid, siguro dahil gabi na..

Ang galing nakakaaninag na ako, ipinikit ko ulit ang mata ko mara mai-adjust nang konte. Pag dilat ko, halos maiiyak ako.

"Nakakakita na ako..."

----

A/N:

Yiepieee! Nakaraos din ako ng isang Chapter, naiiyak ako shet! 😂😂😂

Prologue palang yan pero ang haba na, wag kayong mag alala.. Sa mga susunod na chapter maiksi na yan.. dejoke. ✌😂

---

May 21, 2016

4:46 PM

Angeles City Pampanga
-

-
[Partially edited]
July 22, 2022

korni ko pala dati 😭😆

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Boyfriend is GHOST!Where stories live. Discover now