Prologue

1.3K 25 1
                                    

"Karen, alalaayan mo si Eden." utos ni Mama kay ate, naramdaman ko ring huminto na yung kotse. Nandito na siguro kami.

Hinawakan ni ate yung kamay ko at inalalayan sa pag baba sa kotse,

"Ate, kamusta yung bahay? anong itsura nya?" Tanong ko kay ate, binitawan na nya yung kamay ko. Tinutulungan nya siguro sila Mama na magbaba nang mga gamit, gusto ko rin sana silang tulungan.. Kung hindi lang sana ako na aksidente, hindi ako mabubulag.

"Ah, okay lang? Muka namang bahay. May pinto sya at mga bintana." Sarcastic na sagot nya,

"Karen." Suway ni Mama. Psh. Nung una medyo naninibago pa ako kay ate, nung nakakakita pa naman ako close kami pero simula nung na-aksidente ako bigla nalang syang nag bago.

"Ah, Ma pwede na po ba akong pumasok?" Tanong ko kay mama, may narinig akong tumawa. Si ate.

"Sige, pasok ka magisa. Tignan natin kung hindi ka magkanda bungo-bungo, mamaya makasira ka pa nang mga gamit sa loob. Paalala lang ah, bulag ka po, wag kang feeling norma---"

"Karen! Tumigil ka na ha," suway ulit ni mama,  ouch lang ate. Oo bulag ako, paulit-ulit? Bulag lang ako, bulag! Hindi ako bingi.

"Ma, sasamahan ko nalang po si ate sa loob." Biglang singit ni Kat-kat, bunso namin. 

"Sure ka nak?" Tanong ni mama,

"Opo, Ma. Ihahatid ko lang naman po si Ate sa kwarto nya diba?" Sagot ni kat-kat,

"Eh, alam mo naman ba kung saan ang kwarto ni Ate?" Tanong ko naman,

"Opo, Ate. Sinama ako ni Daddy nung pumunta sya dito dati eh, ipinakita nya lahat nang kwarto. Ang pagkakatanda ko, dun yung malapit sa may piano room." Napangiti ako sa sagot nya. Hay, buti nalang nandito si Kat, at buti nalang hindi sya naging cold sakin gaya ni Ate. First year high school na sya this school year.

"Sige buti panga pumasok na kayo nang ate Eden mo, alalayan mo ang ate ha?" Paalala ni mama,

"Opo Mama," sagot ni kat, hinawakan nya yung kamay ko at inalalawan ako papasok hanggang sa makarating kami sa loob nang kwarto ko. Inupo nya ako sa kama bago nagpaalam na tutulong sya sa pagaayos nang mga gamit sa labas.

Ganito ka boring ang buhay at magiging buhay ko, pakiramdam ko habang buhay na akong mabubuhay sa dilim. Kahit saan ko ibaling ang paningin ko, at kahit ilang beses pa akong kumurap, hindi mababago non ang katotohanan na dilim nalang din ang makikita ko.

Lumipat kami nang bahay dahil saaken, mas malapit kase ang ospital at school dito sa nilipatan namin kaysa dun sa dati naming bahay. Next week naka-schedule yung operation ko 50-50, ibig sabihin walang kasiguraduhan kung makakakita pa ba ako. Psh. Ang drama naman nang buhay ko!

Naibaling ko ang ulo ka pa kanan nang may narinig akong parang nahulog, as if naman makikita ko.

"Sino yan?" Tanong ko pero walang sumagot. Wala naman akong narinig na nagbukas o nagsara nang pinto kaya imposibleng may pumasok, baka hinangin lang? Pero wala rin akong naramdamang humangin eh, weird.

Bakit ganon, pakiramdam ko may nakatitig saakin. Hangang sa may naramdaman akong paglubog nang kama, yung parang may umupo sa tabi ko.

"S-sino ka? P-paano ka nakapasok dito?' Kinakabahang tanong ko. Bagong lipat palang kami, mananakawan na agad kami?

"Wag kang matakot, hindi naman kita sasaktan eh."  Medyo nagulat pa ako ng konti nang may sumagot, So may tao nga? At ang malala lalake pa talaga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 29, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Boyfriend is GHOST!Where stories live. Discover now