[1] One Year.

203K 2K 142
                                    

[1] One Year


   Lumabas ako ng kwarto at bumaba agad ng hagdan dahil sa kapatid kong walang tigil sa pagtawag sa akin. Kamuntik pa kong madulas dahil sa 3 inches na heels na ipinasuot sa akin.

   "Ate!"inalalayan ako ng kapatid kong bumaba ng hagdan nang makita niya ko. Tinanong koi to kung nasaan ang date ko.

   "Nasa labas na, Ate. Naiinip na nga ata maghintay sa'yo. Iiwan ka na daw niya."

   "As if he can, kidding. Ano, maiwan ka na namin?"tumango ang kapatid ko at niyakap ako.

   "Nasabi ko na bang ang ganda mo ngayon?"I smiled.

   "Thank you, bunso. Gwapo ng kapatid ko. Sige na, see you later. Puntahan ko na 'yung halimaw baka iwan ako."kinindatan ko ang kapatid ko at lumabas na ng bahay.

   Napansin ko kaagad ang kulay asul niyang sasakyan. Nakasandal siya doon at nakapamulsa ang isang kamay. Tumayo ito ng mabuti nang makita ako. Agad itong ngumiti at ganoon din naman ako.

   "Pinaghintay mo ko."sabi nito habang pinagbubuksan ako ng pintuan ng sasakyan. Hinintay ko siyang makapasok bago ako sumagot.

   "I'm sorry. Pinag-isipan ko pa kasi kung itutuloy ko pa ang pagsusuot nitong dress na gusto nilang suotin ko."tumingin ako sa kanya pero nakita ko lang na giliw na giliw siyang mag-text.

   "KL, who are you texting?"I asked him.

   "A girl I've just met."sagot nito. Hahampasin ko sana siya kaso biglang nag-vibrate ang phone ko. Nakasimangot kong tinignan ang phone ko.

From: KL

   Hi JL, nice to meet you my beautiful date for tonight. ;)

   Hinampas ko pa din siya kahit hindi mawala ang ngiti ko sa nabasa ko.

   "Para saan iyon?"sabi nito habang nakahawak sa brasong hinampas ko.

   "For making me jealous."

   "Para namang kaya kong gawin sa iyo ang naiisip mo."hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito.

   Pagkadating namin sa Morgan ay nakita agad namin ang barkada.

   Morgan College is celebrating its 23rd founding anniversary. Kaninang umaga, we had an outreach program pero ngayong gabi, parang mini ball para sa mga students dahil sa pag-participate sa program.

   "So you are with Kiejan again huh?"rinig kong sabi ni Zac. Ngumiti na lang ako. Lagi namang si Kiejan ang kasama ko, di pa ba sila sanay?

   Almost one year na kaming magkasama hindi pa din ba sila makapaniwala?

*MCB2* Chasing my Contract GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon