I'm Married ♡: Chapter 13

Start from the beginning
                                    

“Sure naman ako na NAGKASABAY lang kayo. Asa namang papatulan ka ni Ivan.” Sabi nito at tumalikod na kasama ang BITCH friends nya.

Ivan’s POV

“Teka, kayo na ni Alisa? Woah! Pano nangyari yon?!” Tanong ni Josh.

“Oo nga. Ang kulit mo. Ganto kasi yon.” Tas kinuwento ko yung nangyari kagabi.

“Wag mong sabihing….pumayag sya maging rebound? Hahahaha.” Sabi naman ni Vince.

“Well….siguro. Alam naman ng buong campus si Ianne lang ang mahal ko eh. Saka, gusto ko lang din naman sya bigyan ng chance at lasing ako kagabi. Hindi ako sigurado sa mga sinasabi ko. At biruin mo yun, sya pala yung nagpapadala sa akin ng everyday lunch.” Sabi ko. Nanlaki ang mga mata ni Vince at Josh.

“Si… A-Alisa? Woahh!!! Hindi ko ine-expect yun ah! Eh di matagal na pala syang may gusto sayo!!” Sabi naman ni Vince. Tumango lang ako.

“Sayang! Type ko pa naman si Alisa. Inunahan mo na ko kaagad.” Bigla namang nag-pout si Josh.

“Pag binalikan ako ni Ianne, sayo na si Alisa.” Sabi ko naman.

“Asa namang babalikan ka ni Ianne. May Aaron na yun dre.” Sabi ni Vince.

“Mangyayari yun.” Bilib kong sabi sa kanila.

“Eh paano si Alisa?” Tanong ni Vince.

“Syempre, gagampanan ko naman ang pagiging boyfriend. At, wala naman akong balak mahalin si Alisa.” Sabi ko sa kanila.

“Saktan mo si Alisa tas ako magcocomfort sa kanya! Hahahhaha. Pero hindi nga pre, seryoso…rebound mo lang talaga sya?” Tanong naman ni Josh.

“Oo nga noh. Tsaka, wag nya kung sisihin. In the first place, pumayag sya na maging kami kagabi eh. Eh alam naman nyang si Ianne lang ang mahal ko… at ang mamahalin ko.” Sabi ko.

“Teka lang, hindi ba’t masaktan mo ng sobra si Alisa nyan?” Tanong ni Vince.

“Tangna.Wag mung sabihing may concern ka kay Alisa? Ako nga, hindi eh. Basta, ako na ang bahala.” Sabi ko.

Oo, kami na ni Alisa. Kahit pa sabihin kung LAHAT NG AYAW kong katangian ng babae nasa kanya na. Maganda naman sya eh, chubby nga lang. Kung tutuusin, mas maganda sya kay Ianne. Hindi lang talaga sya palaayos. Siguro, alam na namin sa isa’t isa na magiging rebound ko lang sya kaya wag syang masasaktan kung patuloy ko pa ding mamahalin si Ianne. Paninindigan ko na lang ang nasabi ko kagabi, lasing kasi ako kaya kung ano-ano ang lumabas sa bibig ko. Basta ang meron ako ngayon, galit….

Ang galit na gusto kong manakit ng damdamin ng mga babae. Gusto kong maranasan nila ang sakit. Ang sakit na ipagpalit sa iba. Ang sakit nung iniwan ako ni Ianne.

Dumating na si Mr. Reyes. As usual, nag-lesson. Eto ako, nakatitig lang kay Aaron. Ano bang meron sya na wala ako?

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now