We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Ang Payong ni Nena

39 4 2
                                        

Ako si Nena. Anak ako ng nanay ko, at apo ako ng lolo't lola ko. Pero matagal ko na silang hindi nakikita dahil ang sabi ni Mama, nagpunta na daw sila sa langit. Paano ba makakapunta sa langit? Ang sagot ng nanay ko, kailangan ko lang daw magpakabait. Hindi ko tuloy siya magets. Magpapakabait lang ako, makakapunta na ako sa langit.

Yun na ba ang bagong bayad ngayon sa mga jeep o bus? Hindi na pala pera?

Pitong taong gulang na ako. Hindi ako nag-aaral, di tulad nung ibang bata. Ang sabi ni nanay, wala daw kaming pera kaya hindi pwede. Bakit? Pera na ba ang kailangan ngayon para makapag-aral ka? Minsan tuloy napaisip ako, at inaalala ang sinabi nung nagdaang pulitiko.

Libreng edukasyon para sa kabataan!

Akala ko ba libre? Di bale. Kahit naman hindi ako nag-aaral ay magaling naman ako ng Ingles, yan ang sabi sa akin ni Ate Grasya. Minsan kasi ay tinuturuan niya ako ng mga bagay bagay.

Anyway, nasa parke ako ngayon. Kailangan kasi namin ng pera at ako ay mamamalimos na. Mahirap ang buhay. Alam ko na yun. It's not new to me, yan daw ang translation ng 'hindi na bago sa akin'. Hindi na kasi talaga bago sa akin ang kahirapan.

Minsan naman ay nakakapulot ako ng kung anu-anong bagay na pwedeng ipagbili sa junk shop. Tulad nitong kapupulot ko lang na payong. Kulay yellow na natutupi. May ganito kami, isa lang, pero nasira na. Sinira ni Ningning, yung pusa namin. Akala niya siguro pagkain kasi kulay brown. Nagmukhang chicken joy.

Hala, nawawala na tayo sa pinag-uusapan.

Yun nga, nakapulot ako ng dilaw na payong sa may monumento ng kung sinong hindi ko kilala. Tumingin-tingin ako sa paligid. Mukhang wala namang naghahanap sa payong. Siguro, pwede ko na itong dalhin sa junkshop, no?

Paalis na sana ako nang may kumalabit sa balikat ko. Pagtingin ko, si mamang pulis officer pala.

"Huy bata. San mo yan dadalhin?" Tukoy niya sa payong. Napakamot naman ako sa ulo.

"Ibebenta sa junk shop po." Sagot ko sa kanya. Nameywang naman siya sa harap ko. Matangkad si mamang pulis. Tiyan nga lang niya ang nakikita ko kung hindi pa ako titingin sa taas.

"Aba, paano naman kung may babalik dyan at hahanapin yan?" Tanong niya sa akin. Nagkibit balikat naman ako.

"Sa panahon po ngayon, officer, kapag iniwan na hindi na yan babalikan pa. Ika nga nila, things just pass then go." Sabi ko. Tinaas ko pa ang kamay ko, at ang hintuturo ko. Bigla ko kasing naalala ang turo sa akin ni Ate Grasya. Ano nga bang tawag dun? Hugot?

Napakamot sa ulo si mamang pulis at nagsalita ulit, pero may nahagip ang mga mata ko. Napatingin tuloy ako sa payong, tapos sa tirik na tirik na araw. Hindi ko naman na ito mabebenta sa junk shop kasi nakita naman na ito ni mamang pulis. At sigurado akong papasauli niya to sa akin.

"Officer! Officer!" Tawag ko kay mamang pulis. Nahinto tuloy siya sa pagsasalita. Tsaka, nagsasalita pala siya? Sinong kausap niya?

"Oh? Ano na naman?" Napataas ang kilay ko.

"Hindi pa naman po ako nagtatanong, ah?" Sabi ko.

"Ay, oo nga. Oh, bakit?" Bawi niya. Ngumisi naman ako.

"Papasauli niyo naman po 'to sa akin sa may ari, diba po?" Tanong ko. Tumango ang mamang pulis.

"Pwede ko po ba munang tulungan si Lola?" Sabay turo ko sa lola na nasa gilid ng kalsada at nagtatangkang tumawid. Kanina ko pa kasi siya nakita at hindi pa siya nakakatawid. Kahit may pedestrian lane, wala naman kasing pakialam ang mga driver. Ang sa kanila lang ay makaabot sila sa patutunguhan nila.

Ang Payong Ni Nena [One Shot]Stories to obsess over. Discover now