Napatingin siya sakin bigla. At tinignan ko din siya.

"Eh anong sinabi mo?"

"Sabi ko baka nag jojoke lang siya. Hindi kona nga alam ang totoo eh. Ang tanga ko kasi."

"Hindi ka naman tanga eh. Naguguluhan ka lang."

Binalik ko ang tingin ko sa malayo. At ganun din siya.

"Sa tingin mo totoo ang sinabi niyang mahal niya ko?"

"Pwede."

"Pero hindi kami bagay para sa isa t isa."

"Sino naman ang nag sabi niyan sayo?"

"Sabi ng mga tao at mga estudyante dito."

"Dapat hindi ka nakikinig sa kanila kasi naiinggit lang sila sayo."

"Ewan ko. Gulong gulo nako."

"Tara pasok na tayo. Late na tayo eh." Sabi ni Rina.

"Sige."

- - - - - - - - - - - - -

Natapos na ang morning class ko.
Kaya papunta ngayon ako sa canteen. Ni wala man akong naintindihan sa mga tinuro ng prof namin. Dahil puro si Mara ang nasa isip ko.

Nag lalakad ako hallway ng makita ko si Mara.

Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib. Dahil nakita ko siya na may nakasandal na babae at hinahalikan niya ito.

Gusto ko silang lapitan at sapakin. Mga walang hiya!! Dito pa nag landian. Arrrgh.

Tumakbo ako at nilagpasan ko sila baka kasi makita pako ni Mara.

Bakit niya ginagawa yun?

- - - - - - - - - - -

Mara's POV

Ang sakit!!! Ang sakit pala sa pakiramdam ng na rereject.

Halos wala akong tulog kakaisip at halos mawala na ang mga mata kakaiyak kagabi.

Bakit mas iniisip niya pa ang sinasabi ng ibang tao? Bakit ba ayaw niyang maniwalang mahal ko siya?

Paano Erin?

Binayaran ko ang babae kanina. Sabi ko ay kunware nag hahalikan kami.

Gusto kong makita ni Erin yun.

Gusto ko siyang pagselosan.

Parang siya si Cheska. Mas pinapaniwalaan ang sinasabi ng ibang tao. Kaya nga mas pinili ni Cheska na mag hanap ng lalaki kesa sakin.

"Mara gusto mong mag bar bukas?" Si Agean.

Nandito kami sa bench. Naka akbay ako sa kanya.

"Bakit hindi nalang mamaya?" Tanong ko.

"May gagawin ako mamaya. Ano ng balak mo kay Erin?"

"Kailangan mapa amin ko siya na mahal niya din ako."

"Paano ka makaka siguro na mahal ka niya?"

"Malalaman mo din." At ngumiti ako sa kanya.

Hindi ako susuko sa kanya.

- - - - - - - - - - - - - -

Erin's POV

"Hi Erin. Malungkot ka ata?" Si Neil. Bigla niya kong nilapitan. Nandito kasi ako sa canteen at kumakain.

Ngumiti lang ako sa kanya dahil wala talaga ko sa mood makipag usap.

Umupo siya sa aking tabi.

"Samahan mo naman ako mamaya sa mall."

Napatingin ako sa kanya.

"Ha? Anong gagawin mo?" Tanong ko.

"Bibili ako ng bagong sapatos."

"Sige." At tumango ako.

Gusto ko din mag punta sa mall. Para pampawala ng stress.

Baka mawalan ako ng bait kakaisip kay Mara.

"Sige hintayin kita mamaya sa gate ha."

- - - - - - - - - - -

Naglalakad na kami ni Neil sa mall. Bibili na siya ng sapatos. Sa second floor ng mall ang nike store.

Pumasok na kami sa Nike store.

"Erin ano kayang bagay sakin?" Tanong ni Neil sakin habang sinusukat ang mga sapatos.

"Hmm ung black or blue." Sabi ko.

"Oonga no? Sige etong blue nalang." At nilapitan niya ang sales lady.

Habang nag babayad si Neil ng binili niyang sapatos ay lumabas muna ko sa nike store.

M-mara? Si Mara ba yun?!

Nakita ko si Mara na paakyat ng escalator. May kasama siyang babae. Sa tingin ko eto ung kahalikan niya kanina.

Kaya pumasok ulit ako sa nike store para mag tago.

Arrgghh bwisit!!!! Bakit ba nag seselos ako?!

"Ui Erin. Okay ka lang?" Si Neil na palapit sa akin.

"O-oo."

"Tara labas na tayo. Nagugutom nako eh."

Nang lumabas na kami ng nike store ay nakasalubong namin si Mara. Kasama ang babae niyang palaka!!!!!! Bwisiiiiittt.

Sinamaan ko ng tingin si Mara.

"Oh. Andito pala kayo Erin? Pakilala mo naman ang kasama mo sakin?" Si Mara.

Nakikita ko din sa mukha ni Mara ang pagka inis. Pero parang  tinatago niya ito.

"Ahm. Neil si Mara nga pala."

"Hi Mara."

"Nice to meet you Neil. Mauna na kami. Ingat kayo."  At nag fake smile si Mara. Nag lakad na sila palayo.

arrggh mag ka holding hands pa sila ng babae niyang mukhang tuhod na palaka!!!!!

Well maganda naman ung babae pero PALAKA PADIN SIYA LETCHE!!!

Nakakaramdam ako ng durog sa puso ko.

Pakiramdam ko ay babagsak ako.

"Erin. Okay ka lang ba talaga?"

"Oo. Tara baka gutom lang to."

Nang matapos na kaming kumain ay umuwi na kami. Pero hinatid muna ako ni Neil sa apartment ko.

Nang makarating na kami sa apartment ko ay nag paalam muna ko.

"Neil salamat ulit." Ngumiti ako sa kanya.

"Thank you din dahil sinamahan moko. Ingat ka."

"Sige ikaw din mag ingat ka sa pag dr drive." 

Bababa na sana ako ng kotse pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"B-bakit?"

"Uhm. Sa susunod ulit ha?" At binitawan na niya ang aking kamay.

"Sige." At bumaba na ako ng kotse.

Habang paaykat ako sa apartment ko ay napaisip ako bigla.

Bakit simula ng lumipat ako sa university na yon ay naging magulo ang mundo ko?

O naging magulo lang dahil pumasok si Mara sa buhay at puso ko?

Bwisit naman oh.

- - - - - - - - - - - -

Hanggang dito muna po!!! :) salamat sa pag babasa. :D sorry po sa errors. :(

Vote?? Comment? Thank you!! :)

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Where stories live. Discover now