"Dugtungan tayo!" Yaya ni Billy at mabilis na ipinasa kay Luke ang gitara. Umusli ang bawat hubog ng braso ni Luke nang abutin nito ang gitara mula kay Billy. "Umpisahan mo pareng Luke!"

Humalakhak muna si Luke bago kiniskis ang gitara sa saliw ng tono na madaling sabayan at gawan ng liriko. Tila nang-aakit ang bawat kumpas ng kanyang mga daliri sa string ng gitara. Mabilis at masigla.

"Sa probinsya ng Arnedo, may Manilenang nadayo," paawit na umpisa niya sa tono na nililikha ng gitara.

Nakangiti ito sa akin at tila nanghahamon ng titigan. Ang baritono ngunit swabeng boses niya ay umalingangaw sa bakuran. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang mapagtanto na ako ang kanyang tinutukoy sa nilikhang liriko.

"Maputi, marikit, magandang dilag. Nakasuot ng dilaw at nakaupo sa hapag~"

Nagsitawanan ang lahat nang mapagtanto ang tinutukoy nito na walang iba kundi ako.

"Next!" Sigaw ni Rafael at siya ang sumunod na nagtuloy ng kanta.

"Kaibigan ko'y tila naaliw, paningin sa magandang binibini'y di na nabitiw~ Mata niya'y tuluyang nadikit, sa mukha ni Empress na marikit~!"

Nagsitawanang muli ang mga ito dahil sa nagawang impromptu lyrics ni Rafael. Inulan siya ng tukso at idinamay pa ako.

Dumapo ang tingin ko kay Luke na siyang kumikiskis sa gitara. Bakas ang tuwa sa kumikinang nitong mga mata at nakangiting mga labi. May bakas rin ng pamumula sa leeg nito. Hindi ko alam kung tanda ng pagkakalasing o kung ano. Then i wondered, how could someone be so adorable like he is?

"Ako ulit!" Sabi ni Luke at muling umawit. "Tunay nga ang sinabi ni Rafael~ Tinamaan nga sa isang anghel~ Ngunit tila ayaw ng probinsyano, nais yata'y kapwa Manileno~?"

Tiyak kong pumula ng husto ang aking pisngi dahil sa kanta nito. Ang boses niya'y tuluyan nang nagbigay ng kiliti sa kalooban ko at lalo pa itong dinagdagan ng kanyang kanta. Goodness, what the hell is happening to me? Ganito ba kahirap magpangalan ng isang pakiramdam na kailanma'y hindi mo pa naranasan? 'Coz hell, it's driving me crazy!

"Teka teka! Dapat may sagot riyan si Empress!" Tukso ni Katy na sinamahan pa ni King at Michiko.

Damn. Anong sagot ang tinutukoy nila?

"Paano?" Tanong ko kahit hindi ko rin maintindihan kung ano bang itinatanong ko.

Seriously? I was never this kind of stupid. Pupwede bang magtanong ng hindi alam kung ano ang itinatanong? I'm so impossible!

"Dugtungan mo din," excited na tugon ni Myth na nakikitawa rin. "Sagutin mo iyong mga pinagsasabi ni Luke."

"Hindi ako marunong," nahihiya kong rason.

Totoo namang hindi ako marunong sa pinapagawa nila. At isa pa, hindi ko alam ang isasagot ko. Really, Empress? Usal ko sa sarili ko.

"Kahit ano! Sige na! Basta kung anong masabi mo," pangungumbinsi pa nila.

Geez, am I really going to do this? Marunong naman akong kumanta pero hindi ang gumawa ng partikular na lyrics! Do I look like a freaking composer? Duh?

"Kahit ano?" Paninigurado ko. Nagsitanguan sila at napadpad ang mata ko sa adonis na kumakaskas sa gitara. God, he looks good with the guitar. Oh man, nababaliw na yata ako. "Don't laugh at me, please."

Ilang sandali akong natahimik upang mag isip. He can flirt, huh? Then let's do some flirting. Tumikhim ako bago nagsimulang kantahin ang gusto kong sabihin. Tuloy-tuloy lang ang kaskas ng gitara.

"Hindi inaasahang makita, makisig na binata~ Sa Arnedo lang pala matatagpuan, lalaking hinubog sa diyos ang katawan~ Tila Adonis na nanirahan sa lupa, taglay ang tikas at kisig ng mukha~ Pero sorry ka hindi ako tanga, hindi mo madadaan sa ganda ng itsura at matamis na salita~!"

In His Paradise (Completed)Where stories live. Discover now