Iginala ko ang paningin sa medyo madilim na looban. May mga ilaw naman sa mga pwesto kaya kahit papano ay katamtaman ang liwanag roon.

Tila maze ang estilo ng public market. May daan pakanan, may pakaliwa at diretso. Bawat sulok ay may nakaabang na daan.

Napadpad ako sa mga pwesto ng mga damit, tsinelas, sandalyas at mga accessories. Mayroon pa lang ganito rito?

Inisa-isa kong pinasok ang bawat pwesto upang tumingin ng pwedeng gawing regalo. Nakailang pwesto rin ako na pinasukan bago nakakita ng pwedeng ibigay.

Tagaktak ang pawis ko paglabas ng public market. Mainit sa loob at iilan lang ang ceiling fan. Hinanap ko ang daan palabas upang bumalik sa pwesto ni Mang Carding.

Nang tuluyan ko itong makita sa 'di kalayuan ay inayos ko ang buhok ko at nagpasyang bumili ng maiinom. Wala naman akong ibang makita roon kundi ang mga nagtitinda ng palamig. Hindi ko pa sigurado kung safe bang inumin iyon ngunit sa uhaw ay napilitan na akong bumili.

"Sampung piso Miss," sabi ng nagtitinda pagkatapos ibigay sa akin ang dalawang supot ng pineapple flavored na palamig. Binilhan ko na rin si Mang Carding dahil nakakahiya namang naghintay siya sa akin. Nag abot ako ng twenty pesos at hinayaan na ang sukli.

"Mang Carding," tawag ko rito at inabot ang palamig.

"Nako, nag abala ka pa hija. Salamat."

Tiniis kong muli ang bawat pagtalbog sa mga bitak ng kalsada. Ayaw ko na sanang sumakay ulit ng tricycle ngunit wala akong ibang mapagpipilian dahil ganoon lang ang maaaring masakyan sa Arnedo. Tanghalian na nang makarating ako sa bahay.

"Mang Carding, magkano ho?" Tanong ko rito at inilabas ang aking wallet. Umiling ito.

"Hindi na hija. Tutal ay ito ang unang sakay mo. Pakonsuelo ko na lamang sayo," nakangiting sabi nito at umiling. Ipipilit ko pa sana ang fifty pesos pero sabi niya ay sampung piso lang naman ang pamasahe. Kaya nahihiya akong nagpasalamat bago tuluyang pumasok sa bakuran ng bahay.

Naroon na ang aming Toyota Innova kaya tingin ko'y nasa loob na ang aking nga magulang. Pagpasok ko ay nahimigan ko ang mga ito sa kusina.

"Empress, kain na," anyaya sa akin ni papa. Naroon na't nakaupo si mama, Toffy at Aling Mayang. Nakahain sa hapag ang adobong manok.

"Alas dos tayo pupunta kila Miguel," anunsyo ni papa sa kalagitnaan ng pagkain.

Dumating ang hapon at suot ang isang dilaw na sleeveless body hugging dress at black strapped wedge sandals ay pumasok kami sa bakuran nila Michiko. Maluwang ito at sa harap ko ay isang malaking bahay na moderno ang disenyo. Napipinturahan ito ng puti at pula.

Bitbit ang isang pulang paper bag ay sinalubong ko ng yakap si Michiko at iniabot ito.

"Happy birthday Michiko!"

"Wow, thanks sa gift, Empress!" Mabilis nitong ginagap ang laman ng paper bag at inilabas ang regalo kong puting lacy dress.

"I'm sorry. I can't find anything better. Walang mall rito eh," paliwanag ko kahit tingin ko'y hindi naman kailangan.

"Ano ka ba? Okay lang, ano. Ganito naman dito." Ngumiti siya sa akin at niyakap pa akong muli.

"Empress!"

Nilingon ko si Kuya Jasper at King na nakaupo sa sofa. Lumapit ako sa mga ito kasama si Michiko. Nagsilapit din si Monette at Mabel.

"Maliligo tayo bukas sa batis!" Excited na sabi ni King. "Maganda sa Carayan. Masarap ang tubig roon."

Sumang ayon silang lahat at nakapagplano pa ng isang picnic. Gusto raw nilang ipakita sa amin ni Toffy ang kagandahan ng Arnedo sa kabila ng pagiging probinsya nito.

In His Paradise (Completed)Where stories live. Discover now