Hindi ba't masarap matulog kapag umuulan?
Sabay subsob at iyak sa iyong paboritong unan.
Hindi ba't ang sayang magbilang ng patak ng ulan?
Hanggang sa puso'y mapagod nang masaktan.
Sino nga ba ang may gustong umiyak nang walang dahilan,
habang nakabalot sa kumot ang katawan?
Nakakaaliw bang yakapin ang unan,
habang pilit na iwinawaksi ang nakaraan?
E, ang magpagulong-gulong sa kama at gunitain ang alaala niyang 'di mo mapakawalan?
Masaya bang balik-balikan?
Bigla ka na lang mapapatingin sa kawalan,
sa simpleng pagkarinig ng kanyang pangalan.
Paboritong kanta niya'y paulit-ulit na pinapakinggan,
Inaalala siyang bumaon sa iyong kaibuturan.
Bakit 'di mo mapigilan?
Gayong alam mong sa alaala niya'y ika'y nasasaktan?
Bakit 'di mo matuldukan?
At paulit-ulit mo pa rin siyang sinusundan?
Kailan mo siya bibitiwan?
Hanggang sa tuluyan mo na siyang makalimutan?
Ilang ulan pa ba ang kailangan?
Hanggang kailan mo siya iiyakan?
©NixieYume
2/15/16
YOU ARE READING
ULAN Atbp.
PoetryMga tula ng damdamin tungkol sa tag-ulan at iba pa. ©NixieYume, 2016 Cover credits to CollieYala
