Na para bang gusto kong tanggalin ang suot suot ko na contact lense para hindi ko maaninag ng malinaw ang mukha nya.

Bakit ba tuwing nakikita nya ako ay parang galit na galit siya sa akin?

Is it because he thinks that I am a maid e diba janitor din siya?

“Easy boys” narinig kong sabi ni Kuya.

“This is our photographer for today Phoebe Athena Zy and I don’t remember that YOU is included in her name” sabi ni Kuya na pinaringgan ang lalaking tumawag sa akin na may halong galitv sa boses nya.

“Why her?” sabi nung janitor.

“Why not?” duet na sabi ni Keith at Mikee.

“They’re right why not me?” nakataas ang kilay ko na sabi na nakatingin sa lalaki.

“Do you have any problem with that?”  dagdag ko pang tanong at tinitigan siya na matiim.

Wala akong balak na pagsungitan siya pero masyado akong affected at nasasaktan sa klase ng tingin nya sa akin.

“She will be our photographer and that’s final” untag ni Kuya ng mapansin siguro ang tension na namamagitan sa aming dalawa ng lalaki.

“Okay gentlemen we will do  your individual shoots so you can standby outside when you will not be the one na kinukuhanan ko okay?” sabi ko sa kanila. It’s my protocol kasi naman may ibang tao na nacoconscious kung may nakatingin sa kanila habang kunikuhanan.

“Okay” sagot naman ng iba. Saka ko lang kinuha ang files nila para matawag ang unang kukunan ko ng larawan.

“Anthony Keith Alas” tawag ko sa unang file na nabasa ko at nakita ko sa gilid ng mata ko ang nakangiting si Keith na inaayos ang sarili habang ang iba naman ay naglakad na palabas except for the guy with piercing look in his eyes.

I just shrugged my shoulders baka kasi ne request siya ni Kuya na maging alalay ko.

Nang pumwesto na Keith ay sinimulan ko na siyang kuhanan.

After 30 minutes ay nakita ko na tatlong files na lang ang natitira at ang nasa harapan ko ngayon ay ang nakangiting hitsura ni Mikee.

Yes I’ve done 9 varsities and yet nandito pa rin yung lalaking ang sama kung tumingin and worst of all ay nakaupo lang siya sa sulok at hindi nya ginagawa ang supposed to be trabaho nya.

Mantakin bang ng utusan ko siyang e-move nya ng kaunti ang ilaw dahil isa sa mga teammates ni Kuya ay hindi naman katangkaran kagaya ng iba, he just gave me a blank stare at tiningnan nya ang nasabing player saka ito ang nagkukumhog na nagbago ng posisyon ng ilaw.

Antipatikong janitor talaga. Hindi naman siguro excuse ang hitsura nya para hindi nya tuparin ang trabaho.

My job was easy since marunong silang lahat magproject at alam din nila ang kani-kanilang mga anggulo.

Si Introvert at ExtrovertWhere stories live. Discover now