UNTIL I REALIZED
Everyone’s Dream : How it feels to be with someone you LOVE for a Lifetime.
Kahit ako tinanong ko sa sarili ko ‘yan . Oo nga ano nga bang pakiramdam makasama ang mahal mo sa panghabambuhay.
Lahat ng babae humihiling na sana maganda at perpekto ang kanilang kasal, humiling na sana yung gown na susuotin nila ay yung dream wedding gown na sila mismo ang dumisensyo. Pero, para sakin mas gusto ko magpakasal kahit simple lang, yung hindi masyadong bongga, yung mga kakilala lang namin yung saksi basta ba mapakasalan ko yung taong mahal ko na handang maghintay sa akin sa Altar.
But, I realized something.
“Anak. Ang ganda mo ngayon. Maganda ka pero lalo kang
gumanda sa suot mong damit..bagay na bagay sa’yo yung wedding gown mo”
Naiiyak na sabi ni Momsy. I tried my best to wear my sincere smile but it’s just a simple and hurting smile who comes out.
Ang saya-saya dahil magpapakasal na ako sa taong mahal ko. Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko magpakasal sa taong hindi ko naman mahal. Sarado at pusong bato ako, wala akong pakialam sa mundo basta ang alam ko buhay ako. Until someone Rock my World.
“Momsy, are you happy for me?” I asked my Mom with my tearing eyes.
“Yes and it’ll be more yes if you wear asmile and tell me that you’ll be happy too” my tears fell down instantly “Hey! Don’t cry, sayang make-up”
“Mom. Promise me that no matter what I’ll do, please.. Support my decisions. I want you to be happy and I want him to be happy"
Alam kong naguguluhan si Momsy sa pinagsasabi ko pero kailangan kong gawin kung ano ang tumatakbo sa utak ko.
“Yes of course. But, what do you mean?” My mom asked.
I smiled full of bitterness, “I realized something.”
***
Sabi nila ang paglalakad sa Aisle ng simbahan ang pinakamasayang mangyayari at nangyari sa buhay ng isang tao. Everyone is smiling from ear to ear. Everyone is excited to the wedding vows, lahat ay naluluha.
Friends, bestfriends, co-workers, relatives and my family are the most supportive ever about the day..the WEDDING DAY. I, listening to the song, My Wedding Song.
Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon
Ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang
Sa buhay kong ito
Pangarap ko
Ang ibigin ka
Hindi ko maiwasang umiyak habang bumabaybay sa gitna ng simbahan. Hindi ito luha ng kasayahan. Alam ko ang kasal ang pinakamasayang event sa buhay, kaso ang lahat ay napalitan ng...sakit.
Sakit na hindi ko alam kung paano ko matatapos.
Sa bawat pagyapak ko bumibigat ang nararamdam ko. Nakikita ko ang kasiyahan sa mga taong imbitado at saksi sa pagmamahal ko sa taong pakakasalan ko.Tinignan ko siya, ang gwapo niya sa suot niya. Lalo lang ako mahihirapan sa kasalang ito.
Kahit na masakit, bahala na.
Hinawakan niya ang kamay ko pagkatapos namin magtitigan ng sandaling oras. Ang saya dahil kasama at hawak ko ang kamay niya. Masakit dahil alam kong hindi dapat.
Ikaw na lang ang siyang kulang
Sa buhay kong ito
Pangarap ko,
Ang Ibigin ka
Nagsalita ang Pari para sa Opening at pagkatapos nun sasabihin niya na ang pinakahinihintay kong linya ng mga Pari. Hindi siya “You may now kiss the bride” hindi rin ang “ Changing of Vows” kundi ang :
“Sino ang tumututol sa kasalang ito?”
Bumuhos ang luha ko ng sobra-sobra.
Humarap ako sa nakakarami. Tinignan ko ang mga mukha nilang masaya at expected na nila na walang tututol. Pero, may isang babae na nasa dulo, umiiyak. Nakikita ko ang sarili ko sakanya habang nasasaktan.
Unti-unting tumaas ang...aking mga kamay. Yung mukha nilang masaya napalitan ng pagkagulat, napatingin sakin yung babae pero ngumiti lang ako sakanya. Tumingin ako sa taong pakakasalan ko, yung mga mata niyang tinitigan ko kanina na puro sakit ay napalitan ng pagtataka.
Nagsalita si Father,”Iha? Tumututol ka?”
Tumango-tango ako, habang patuloy parin ang buhos ng aking mga luha.
Nagsalita na ako,“Father...Can I borrow your mic please? Just for this time”
Tahimik ang lahat. Tumigil ang tugtog para sa kasal ko. Nakakabinging katahimikan ang maririnig sa buong simbahan. Binigay na rin ni Father yung mic kahit na nag-aalanganin siyang ibigay ‘yun.
“Pasensya na sa anunsyong ito pero ako na mismong ikakasal ay tutol sa kasalang ito”
Ang sakit sa pakiramdam ‘tong ginagawa ko pero bahala na. Gusto ko mapatunayan sa lahat na tama ang desisyon ko, na tama ang gagawin ko. Mapatunayan na kaya ko kahit sobrang hirap ng desisyon ko.
Pinagpatuloy ko ang sasabihin ko, “ Sabi nila ang kasal ang pinakasagrado, pinakamaganda at makapangyarihang salita lalo na kapag kasama mo ang taong mahal mo. Isa ‘tong sumpaan. A long time commitment with someone you love for life and forever. Sa harap mismo ng Diyos, babasbasan kayo. Kanina habang naglalakad ako sa gitna ng simbahan akala ko magiging masaya ako dahil finally..I’m getting married.”
“..nagdadasal ako na sana kayanin ko ang desisyon kong ito. Sobrang sakit sa pakiramdam na lahat nga masaya maliban nga lang sa tatlong tao.. Ako, na naglalakad papuntang altar. Siya, na naghihitay sakin sa Altar, at sa babaeng sumusubaybay ng kasalang ito. Hindi ako magsisinungaling sa Diyos dahil kasalanan yun...ayaw kong madagdagan.”
Huminga ako ng malalim.”Tutol ako hindi dahil hindi ko siya mahal, tutol ako dahil sa sobrang mahal ko siya. When my Mom crying infront of me I realized something, I dont want them to be happy because they just thought that i’m happy even if its not. Narealized ko na hindi ko dapat pakasalan yung taong hindi naman ako..mahal. Na kahit siya sa mismong hinihiling ko na makasama sa habambuhay mapunta sa iba gagawin ko maging masaya lang siya, kasama naman niya ang taong nagmamahal sakanya na mahal din niya. Bahala na kahit masaktan. Ayokong makulong sa kasalan na isa namang kasalanan.”
Pakiramdam ko hindi mauubos ang luhang lumalabas sa mata ko. Pakiramdam ko nauubusan na ako ng hininga dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko na gusto ko ng bitawan.
Tumingin ako sakanya at hinawakan ko ang kanyang kamay. Madiin at puno ng sensiridad.
“ Hindi mo na ako mahal” sabi ko sakanya, humagulhol na ako. “--pero kahit ganito ang nangyayari ngayon, kahit tutol ako... Mahal na mahal na mahal pa rin kita sa gagawin ko ang lahat, maging masaya ka lang”
Ngumiti ka.
“Salamat” Finally. Nakita ko na yung kanina ko pang hinihintay. Masaya ka, kitang-kita sa sigla ng mga mata mo.
Hindi ko na kaya gustong-gusto ko ng tumakbo. Tumakbo hindi dahil tatakasan ko yung taong pakakasalan ko. Gusto kong tumakbo dahil gusto ko ng maalis ang sakit na ito. Kahit ayokong bitawan ang mga kamay mo kinakailangan.
Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ko sayo.
“Mahal kita...malaya ka na”
Kasabay ng pagpatak luha at huling ngiti ko. Tumakbo na ako sa lugar na kung saan na may mga taong masaya, sumusuporta at nalungkot sa desisyon ko. Masaya ako sa desisyon ko dahil alam ko na kahit ganito ang kinalabasan naging totoo ako sa sarili ko, na kahit masakit atleast naging totoo ako sa nakikita ko na kahit kailan hindi ko na mararamdaman ang pagmamahal na naramdamn ko..dati.
Sa sakit na naramdam ko nakalimutan kong daanan pala ng mga sasakyan ang dead end nitong simbahan..
“ AAAADDDDD! “
Sigaw mo sa pangalan kong dati ko pang gustong marinig mula sa’yo. Tumulo nanaman ang luha ko ngunit kasabay nun ang pang ngiti ko at pagpikit ng mga mata ko.
Tapos na ang misyon ko. Masaya na ako.
YOU ARE READING
Until I Realized
Short StoryUntil she realized that the guy she love is no longer in love with her. Until she decided to marry him but...
