Mas dumilim ang mukha ni Gabriel...

"Tapos ano? Magmumukha akong pulubi?! Ako ang mamamalimos??? Ako ang anak, kaya dapat na saakin mapunta lahat!!! Kung hindi ko lang naman mapapakinabangan, sisiguraduhin kong walang ibang dapat makinabang pa!!! I work too hard for this tapos ito lang mapapala ko??! No! Hindi ako papayag!" At tuluyan nang kumawala ang galit ng lalaki

"The game is not yet over... Not until I still breath."

...



..


.


"Oopppss! Dahan dahan... Ok isang step pa... Ayan..."

Glaiza insisted na magpadischarge na sya dahil ok naman daw sya. Well, she hates the hospital kasi kaya kating kati na ito umuwi...

Sa bahay na lang sya magpapalakas at magpapahilom ng mga sugat.

Paakyat sila ngayon sa kwarto ni Glaiza at si Rhian ang umaalalay dito dahil sa hindi pa gaanong malakas ang kalamnan nito. Mabuti na lamang at wala syang bali, yun nga lang e parang binugbog ng isang platoon ang katawan nya.

"Ano ba yan, nakakasagabal na ako sayo..." Tila nahiya ito dahil mula nang magising sya, si Rhian ang laging nandyan para sa kanya, todo asikaso at 101% pa sa galing mag alaga.

"Anong sagabal? Hello? Im your girlfriend, for your information... And what do you expect? Pababayaan kita??? Maliban sa family mo, I should be the one who will take care of you saka, ako din naman ang dahilan kung bakit yan ang nangyari sayo kaya wag mong iisipin na sagabal ka sakin... Ok?" Para namang nanay na pinagsasabihan ni Rhian si Glaiza

"But..."

"No more buts" hindi na natapos ni Glaiza ang sasabihin ng hinarang ni Rhian ng daliri nito ang bibig nya.

"Halika na sa kwarto mo nang makapagpahinga ka na...who want something to eat?"


"Sana, kaso hindi pa pwede..." Saka ngumisi si Glaiza sa sinabi

Agad namang inirapan ni Rhian ang babae sa kalokohang pinagsasabi nito

"Hmmmm, ano yan?"

"Alin?"

"Yang iniisip mo.."

"Oy wala ah..." Depensa ni Glaiza

"Huh! Anong wala,.. Nako lab, kilala kita... Yang nga ngiting yan at mga pamumungay nang mata na yan, yan yung mga looks mo na may kababalaghang nagaganap"

"Grabe! Anong pinagsasasabi nito... Wala kaya akong iniisip na masama...ano ka?!" Giit nito

"Asus... Lokohin mong lelang mo... Ikaw talaga, injured ka na at lahat lahat, umaandar pa din yan naughtiness mo" saway naman ni Rhian

"Well, can you blame me?! Ang hot e"

"Hay nako, tumigil ka Glaiza... Halika na nga" saka tuluyan na ding pumasok ang dalawa sa kwarto ni Glaiza

Tinutungan ni Rhian na makahiga ng maayos ang girlfriend habang puro naman 'aray' ang iniinda nito...

"O kita mo na, puro ka nga aray jan, may pa "hot-hot" ka pang nalalaman." Asar nito sa kaharap

"Aba... At iniismall mo ako ha... Hmmm, pag ako lumakas, maniningil ako... Humanda ka"

"Tsee!!! Dami mong alam, ano nga ang gusto mo kainin? Seriously"
Then umupo si Rhian sa tabi ni Glaiza at sinuklay suklay ang buhok nito

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Where stories live. Discover now