Chapter 1

6 0 0
                                    


Journal entry

So today was really boring. Nakipag kwentuhan lang ako kay Gia. Wala naman pagbabago sa school kung hindi ay wala kaming assignment ngayon which is mas madami akong oras sa harap ng aking notebook para lang magsulat. Ano kaya ang pwede kong isulat ngayon? Poem? Essay about something? Hmmm? Should I write a story? Sige Journal pagiisipan ko muna ng mabuti pero ngayon magshoshopping lang kami ni Gia. So this is my entry for today.

"Gia, tara na. Tapos na ako" sabi ko sa kanya habang nililigpit ang gamit ko. Dahil wala naman kaming assignment ay napagplanuhan naming na gumala.

Tinawagan ko muna si mommy para makapag paalam.

"Zaylee may problem ba? Bakit ka napatawag?" sabi ni mommy at halatang nagulat siya sa pagtawag ko. Hindi kasi ako natawag kay mommy unless na may kailangan lang talaga ako.

"Wala naman po mommy. Pupunta lang po kaming mall ni Gia, magpapaalam lang po ako and Mommy we don't any homeworks for today. Papasundo nalang po ako paguwi"

Hindi lang ito ang unang beses na nagpaalam ako na lumabas pero madalas hindi nila ako pinapayagan kasi masyado silang tutok sa grades ko kasi Top 1 ako sa klase namin at gusto nila ni daddy na i-maintain ko yon.

"Are you sure about that ha, Zay? Sige na sumama ka na but be sure na kasama niyo si Gray at ihatid ka niya kasi hindi ka masusundo ni kuya Nelson kasi day off niya ngayon." Sabi ni mommy

"Thank you mommy. Sige po, ingat po kayo pauwi. Love you, my." at pinindot na ang end button.

"Gia, pwede raw tayo pumuntang mall pero kailangan kasama daw natin si Gray" sabi ko habang natatawa.

Si Gray ay bestfriend ko simula kinder pa ata ako. Our moms is really close kaya nagkakilala kaming dalawa. Minsan napagkakamalan kami dahil sa pagiging comfortable naming sa isa't isa. Si Gia naman nakilala ko ngayong high school.

I will formally introduce myself first before we continue in my story. The name is Zaylee Xael Q. Syden. To be honest, I really love my name so much. My friend there was Gianna Fey Almoro and my bestfriend is Graysen Troy Perez. Speaking of Gray, papalapit na siya samin ni Gia ngayon.

"Gray!" takbo ko sa kanya sabay yakap. Dating gawi.

"Zay, tinawagan ako ni tita kanina at sinabing pupunta raw kayong mall. Tara samahan ko na kayo." Sabi niya sakin

"Tara na Zay at Gray." Ani ni Gia at sumakay na kami sa kotse nila.

Pagdating namin sa mall ay agad kaming pumunta sa paborito naming kainan tatlo sa Babibobee House. Pagpasok palang naming ay napatingin na agad sila na para bang may artistang dumating. Sanay na kami sa tingin na yan. Dumeretso nalang kami sa counter para umorder, my favorite is their Spaghetti and Chicken. It is really tasty unlike the other fastfood chain out there.

"Parang ang third wheel ko na naman sa inyong dalawa." Daing ni Gia. I can't blame her. Mas close kasi talaga kami ni Gray. Pero close rin kami ni Gia.

"Sorry Gia. Kasi si mo-" pinutol niya agad sasabihin ko

"No it's fine Zay, no worries. Sanay na ako sa inyo. Teka lang, punta lang ako sa washroom." Sabi niya at tumango na lamang ako.

"Hey! How was school today?" Gray asked

"Boring as usual." Tipid na sagot ko

"English Lit lang naman hindi boring sayo." Sabi niya sabay tawa niya.

I rest my head in his shoulders and he plays with my hair. He loves doing that. Ang tagal ng order namin kaya medyo inantok lang ako.

"Hey Zaylee, kamusta nga pala si Nixon mo?" biglang tanong sakin ni Gray. I looked at him straight in the eyes to see the reason why he asked that but there's nothing in it.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 02, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNREALWhere stories live. Discover now