Simula

7 0 0
                                        

Simula

"Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nagkaganito, Em!"

Gigil na sigaw ni Sam. Napairap na lamang ako. Kanina pa siya iyak ng iyak dahil tinuldukan na ng tuluyan ng ex niya ang relasyon nila nang ibalandra nito ang bagong girlfriend sa campus. Hindi ko tuloy maintindihan ang ibinubugnot niya; I mean, para sa lalaki, magkakaganiyan siya? Pathetic.

"Hay nako, Sam. Itigil mo na nga iyan, kahit maglupasay ka pa sa daan ay hinding-hindi ka na babalikan pa ni Topher. Wala na. Alam mo kung bakit?" Natigilan si Sam sa tanong ko. Nagtatanong ang mga matang nag-aabang sa sa sagot sabay singhot. Tiningnan ko siya ng pailalim, ipinararating ang punto ko. Tumikhim ako bago muling nagsalita. "Dahil, hindi ka na niya mahal. Ayaw na niya sa iyo. At higit sa lahatttt, may IBA na siya. Gets mo?"

Alam kong harsh ako. Pero ewan ko ba, minsan kasi nakakabobo e. Yung tipong nandoon na yung rason pero pilit nilang hindi iniintindi? Para bang pag inabutan ka ng papel ng kaklase mong di mo gusto at kaklase mong crush mo ay, di mo papansinin iyong nauna pagkat mas gusto mo iyong galing sa crush mo? Tipong ganon?

Bagsak ang balikat ni Sam nang lingunin niya ang field na siyang dinaraanan namin ngayon patungo sa gate. Kaka-dismiss lang ng Prof ay nagdrama agad ang mag-ex bago tuluyang magwalk out si Sam.

"Malay ko bang may katapusan iyong forever na sinasabi niya! Hayop na iyon." Gigil na sigaw nito habang tila inaalala ang nangyari kanina. Nilingon niya akong muli at saka nagsalita. "Pero gaga ka talaga sa hard, Em! Pag sa iyo ito nangyari ay tatawanan kita ng isang milyong beses! Peste ka!" Naiinis ngunit natatawang sabi ni Sam habang patuloy sa pag-agos ang mga luha. Such a pitiful little creature.

Napailing na lamang ako. Mukhang imposible e. Wala akong love life. At ang mas malaking problema, wala akong matipuhan. Oo, AKO ang walang matipuhan, kiber?

"Sige. Iharap mo sakin si Song Joong Ki at ieembrace ko ang tema ng mga broken." Sagot ko sabay ngisi sa kanya. Ngumuso lamang ito at nagpunas ng uhog at luha niya. Kadiri talaga itong babaeng ito.

"Pasalamat ka't di mo nararamdaman ito, Em! Ewan ko na lang kung makangiti ka pa!"

Hay, ang OA talaga ng mga broken! Pero aaminin ko, nabother ako sa huling sinabi ni Sam dahil sa seryosong tono niya.

Ngunit kung mayroon talaga, pwede bang 'yong guwapo na? Para naman hindi sayang effort, di ba?


***

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Meaning:Stories to obsess over. Discover now