What Kind Of Love

17 0 0
                                    

CHAPTER 1

Isang busina ng sasakyan ang gumising kay dennis ..Bumangon siya at hinawi ang kurtina nang bintana, tanaw niya ang kotseng nakaparada sa labas ng gate ng bahay niya.

"Ano kayang problema ng mokong na ito?" napakamot ng ulo, bago pa tuluyang bumaba nagtapis siya nang towel sa bewang niya.

Nang buksan niya ang gate. Agad siyang sinalubong ni Russel nang yakap tinanggal niya ang pagkakayakap nito.

"Ano bang problema mo? Ginising mo ko" sumbat nito sa nakangiti paring kaibigan.

"Ang sungit naman ng BFF ko?"

Natawa si dennis sa sinabi nito.

"oo na talo na ko...San tayo iinom?"

"Akong bahala sayo"

"Bihis lang ako"

Umorder agad nang maiinom si Russel para sa gabing iyon.

"Simulan mo na BF"panguna nito.

They know each other, pag may problema o may mahalagang pauusapan nagaaya nang inom ang isa sa kanila. Sabay silang lumaki, inampon si Russel nang parents ni Dennis. Bata palang si Russel nang mamatay ang nanay nito at ang ama naman nito ay isang OFW sa Japan, umuuwi ito pag may freetime ito. Isang entertainer sa Japan ito, tumanda na ito sa ganung trabaho kahit bakla ang ama tanggap ito ni Russel. Di rin nagtagal namatay ang tatay ni Dennis kaya ang ina nalang nito ang nag alaga sa kanila.

" BF si grace pumayag nang pakasal "

Di maipaliwanag ang nararamdaman ni Dennis sa sinabi nito kaya mahigpit ang yakap na nagawa niya.

"BF ang saya after five years"

Oa pero maluha luha pang sinabi nito.

"Ang OA mo naman, hindi kaba masaya?"

"Ako na ata ang pinakamasaya..Ako nang bahala sa gastos sa iinumin natin regalo ko sayo BF"

"promise yan ha"

"Oo"

Lasing na lasing ang dalawa pero kahit ganun nakauwi parin sila sa bahay ni dennis. Magkatabi sila sa kama nito.

"BF" tawag ni Dennis , nakapikit na sila pareho.

"Ano?"

"Promise mo di mo ko iiwan o kakalimutan pagkasal ka....na"

"pa..ra kang sira , boyfriend nga kita..di..ba" idinantay ni Russel ang mga binti niya sa katawan ng kaibigan.

"Malulungkot talaga ako"

"mas ma..hal..pa..ka...ya..kita kay..sa kay grace"

"baliw ka talaga..tu..log.ka..na nga "

PUMIPILI ng wedding coat na isusuot ni Russel si Dennis.

"Nakapili kana ba?" tanong ni Russel sa kaibigang pumipli sa mga damit na nakadisplay sa store na iyon.

"Hindi pa, sinusuri ko pang maigi, masyado ka kasing gwapo"

Binatukan siya nito"sira"

"Ginulo mo pa ang buhok ko"

"ang layo sa batok aa."

Si Grace ba mya isusuot na?"

"Nagpapatahi na sya"

"Bakit kasi madalian ang kasal ang dami nyo pa kayang dapat ayusin"

"Nagseselos ka ba?"

"loko........syempre" sabay tawanan.

"pero seryoso buntis na ba si Grace? Hndi ba nakapagantay si junjun?" tukoy sa maselang bahagi ng katawan."walang ganyang issue, ayaw nya lang akong mawala sa kanya, kahit isang beses wala pang nangyayari iginagalang ko sya"

What Kind Of LoveWhere stories live. Discover now