Months passed,kung ganu katagal na kaming wala eh ganun katagal narin akong nagmamakaawa.My friends told me na ang tanga tanga ko.Pero matatawag mo ba akong tanga kung nag mamahal lang naman ako?
I know ako ang may kasalanan kung bakit kami umabot sa ganito.
"Bhie..it's just a kiss.Kung mahal ka ng tao mapapatawad ka niya and besides hindi mo naman sinasadya yun ha?"one of my bhies,Tin.
"Bhie...sadya man o hindi ako parin ang may mali."I replied.
"Best in tanga tangahan ka talaga Bhie...Haiiii..."sabi niya at inirapan ako.
"Support mo nalang ako.Ok?
"Che...pag ikaw nasaktan dahil sa katangahan mo..Naku naku talaga!"
Ngumiti lang ako sa sinabi niya.
Hindi pa ba ako nasasaktan ngayon?Sa totoo lang ang sakit sakit na eh.Pero anong karapatan ko para magreklamo eh ako naman ang puno't dulo kung bakit nangyayari to.
To: babe
Hi babe.Lunch kana?I love you.
Hindi ko na hinintay na magreply siya dahil alam ko namang hindi niya gagawin yun.Pero laking gulat ko ng nag reply siya
From: babe
Don't txt me I'm with Aly.
Sana pala hindi nalang siya nagreply.
"Oh..."Tin handed me a tissue.
"Thanks bhie."
"Hindi kapa ba napapagod b?"Tin asked me.
"Kung mahal mo diba dapat hindi ka marunong mapagod?"Balik tanong ko rin sa kanya.
"Alam mo Bhie,kung mahal ka nung tao.Hindi niya makakayang nakikita kang ganyan.Pero sa nangyayari ngayon parang ang saya pa niyang nakikita kang ganyan eh."
Hindi ko sinagot ang sinabi ni Tin dahil kahit ako ay nakakaramdam din ng ganun.
Pasado alas kuwatro ng hapon ng naisipan kung umuwi.At naisipan kung itext na naman siya.
To: babe
I miss you.
Halos isang oras ko nang text yan.Ngunit hindi parin siya nagrereply.
"Nak...malapit na season niyo ha.Buti pinapayagan pa kayo ni coach Ramil umuwi."my mom.
"Parang ayaw niyo yatang nandito ako ma ah."
"Naku...kung pwedi nga lang dito kana umuwi araw araw eh."
"Naks...last season ko na ma.Magsasawa karin sakin."
"Sus...Diyan ka na nga.Kain ka na."
"Tapos na kayo ma?"
"Oo.Tagal mo kasi eh.Hugasan mo pinagkainan mo ha?"Hinalikan niya ako sa pisngi bago umakyot sa kwarto nila.
"Yes ma."
Pagkatapos kung kumain ay umakyat narin ako sa kwarto ko.Still,no reply from him.
Bhie: Nice
Bhie nagpost na naman ang EX BOYFRIEND mo, nagpost nanaman ng picture nila ni New Girl kuno niya.
Hindi ko na nireplyan si Nice at hindi ko na rin tiningnan ang post na sinasabi niya pero may nagnotify na nagmention ng name ko sa sinasabing post ni Nice.
"Ano ka ngayon @mikareyesss?Sweet nila no?Haha."
Wala ba talagang magawa ang mga taong to?Haiii.
Tiningnan ko ang picture na pinost ni Kiefer.It is him with Aly who's leaning on his shoulder while his left hand is wrapped on Aly's waist.
Tumulo na naman ang luha ko.
Hanggang kailan ba ako magkakaganito?
Hanggang kailan ako magpapakatanga?
Hanggang kailan ako magbubulag-bulagan?
Hanggan kailan ako iiyak?
Hanggang kailan ako masasaktan?
May pag-asa pa ba kami?
Aasa pa ba ako?
...
Sorry for the errors. ✌✌✌
#stillMiefer
#Fanfic
