Ako'y Sayo

47 2 0
                                        

Heyy kuya,


Kumusta ka naman na?

Tagal na nating hindi nagkita ah! :)

Kailan na nga ba yung huli?

Ahmm ...1 ...2 ...3 ...4 ...5?

Wait! Ah oo! Tama apat na! Apat taon na rin

Four years na iyon?

I don't know, it's been so long na rin


Tagal na rin pala noh?

Ang tagal na rin noong huling kong nasulyapan ang iyong napakagandang ngiti.

Ang tagal ko na ring hindi nakikita yung mata mong kung makatingin eh napaka-killer.

Miss ko na yung tawa mong sobrang lakas pero isa itong musika sa aking tenga na laging nagpapaganda ng mood ko kahit ba inaasar mo ako.

Gusto ko na ulit kang makita, makasama, makausap o kaya naman ay makalaro ulit.

Haha. Oo nga pala nakalimutan ko, mga young adults na tayo. Kailangan na nating magmature. Bawal nang maglaro.

Bond na lang ulit tayo another time, kung available ang isang tulad mo na abala sa maraming mga bagay.

Hanggang ngayon hindi ka pa rin nauubusan ng dates, ka-date sa trabaho, ka-date na mga programs, ka-date na katrabaho at kliyente?

Hmm, I don't know...

Well, tropa naman tayo eh, diba? Tayo muna magcelebrate, pasingit naman po sa schedule mo, pahingi muna nang kaunting oras.

Uuwi na ako.

At handa na ulit akong makita ka, mga 25%, hehe


Pagbaba ko sa probinsya, ang daming sumalubong sa akin. 


Including you.


Nangumusta naman kayo,

Bumati naman ng congratulations yung iba,

Yung iba himihirit na ng pasalubong o kaya naman ay palibre.

Hay nako, hindi na talaga kayo nagbago sa mga parinig niyo.

Pero nakakamiss kayong lahat.


Especially you.


Ang laki na nang pinagbago mo.

Nagmature na lalo ang itsura mo.

Tumangkad ka pa?! Wth. Wawa naman ako halos hindi na.

At syempre yung boses mo, naging manly na.

"Yoww Bata! Yung libre ko ay? Kadaya mo naman, sabi mo pag-uwi mo?"

Narinig ko na naman ang kanyang boses, nakita ang kanyang makinang na ngiti at ang nakakaatake na titig!

Wahhhhh! Gusto kong magwala! ATM na!

"Pwede namang magpalit muna ako ng damit aneh? kasi kauuwi ko lang? wala bang kumusta diyan o ayos ka lang ba? ano nang naganap? yung ganoon? diba? hindi yung bungad mo agad yung libre mo?"

"Ay nako Bata, ang dami mong drama! sige na umuwi ka na nga! bumalik ka haaa! Kapag hindi, may libre kang tiplak sa akin! HAHAHHAHAHA..."

FallenCerita yang bikin terobses. Temukan sekarang