Weeks passed and I tried so hard to avoid her. But it seemed like she was everywhere I go. Mapag-laro talaga ang tadhana namin dahil kung kailan ako iwas nang iwas ay duon naman kami pilit na pinag-lalapit.

“Paul, sigurado ka na ba talaga?” asked Ate Camille, not trying to hide the gloom on her face. “You are one of our best writers in fact, gusting-gusto ng mga estudyante ang mga sinusulat mong articles.”

“Thank you, Ate Camille. Pero may iba pa kasi akong kailangang mas i-prioritize. Sana maintindihan mo.”

She nodded, frustrated. “Okay. Pero may isang hiling lang sana ako sa’yo.”

“Ano ‘yon?”

“Ikaw pa rin ang sasama kay Aaliyah sa Convention sa Singapore. Names niyo nang dalawa ang kasali doon sa official list ng committee. December pa naman ‘yon. Baka hindi ka na masyadong busy noon.”

Gusto ko mang tumanggi ay wala na akong choice. Hindi naman required na maging malapit kaming muli sa isa’t-isa kapag nag-punta kami ng Singapore. Three days lang naman iyon.

Oo, Paul. Three days. Three days of seeing her, of avoiding her, of ignoring your feelings for her… Three days of unending torture. Madali lang ‘yon, Paul. Sobrang dali.

“Ano, Paul? You have no choice na rin naman, eh.” Malaki ang ngiti sa mga labi ni Ate Camille noong mga oras na iyon.

I nodded in resignation.

“Ma-mimiss ka namin dito sa HA kahit na ikaw ang pinaka-tahimik na member namin. Kahit na isang sem ka lang namin nakasama.”

I returned her kind words with a genuine smile.

“Thank you, Ate Camille,” I said, then left the office immediately.

Nang makalabas ako ng office ay hindi ko inaasahang makikita ko siyang nakasandal sa pader na malapit sa pinto.

I ignored her presence and walked straight until she called my name. I stopped but didn’t turn to look at her.

“P-pwede ba tayong mag-usap?” tanong niya nang makalapit sa akin.

“Tungkol saan?” tanong ko pabalik nang hindi tumitingin sa kanya.

“K-kahit saan.”

“Marami akong kailangang gawin. Wala akong time para pag-usapan ang kahit saan.”

“Fine. Gusto ko lang malaman kung bakit mo ako iniiwasan.”

Her question escalated quickly and I wasn’t able to contain the shock look on my face. “Iniiwasan kita?” wari’y inosenteng tanong ko pa.

Tumango-tango siya bilang sagot.

“I’m not.”

“Yes, you are,” she said with an accusing tone.

“Paano mo naman nasabi?”

“B-basta. Iniiwasan mo ako.”

“How can you state something you can’t actually explain?”

“Urgh. Fine,” she said, annoyed. “I’ll explain.”

I waited for her to speak.

She took a deep breath before speaking non-stop. “Hindi mo ako tinitignan sa tuwing magkakasalubong tayo sa corridor. Kahit na maluwag pa ang space sa elevator ay hindi ka sumasakay once na makita mo akong nasa loob. Umaalis ka agad sa canteen kapag nakikita mo akong paparating kahit na hindi mo pa nababawasan ang pagkain mo,” she paused for a while and again took another deep breath. “Isa pa… h-hindi na kita nakikitang tumatambay sa MS,” dagdag pa niya.

Hindi ko alam na bawat pag-iwas ko sa kanya ay napapansin niya pala. At lalung-lalo na… hindi ko alam na nakikita niya akong tumatambay sa MS.

Tumatambay lang naman ako doon dati para makita siya. Parang iyon kasi ang pinaka-magandang lugar para tignan ko siya from afar.

Pero iba na ngayon. That place was already a curse for me. That place was where all my hopes got wrecked.

She was waiting for me to speak.

“Busy ako.”

She looked baffled. “Ang dami kong sinabi tapos iyan lang ang sasabihin mo?”

“What do you want me to say, then?”

“Bakit ba kasi hindi mo na lang sabihin na iniiwasan mo ako kasi ayaw mong sagutin ang mga tanong ko? Kasi ayaw mo akong tulungan na maka-alala? Gano’n ka ba katakot na maalala ko lahat ng pananakit na ginawa mo sa akin?!”

Medyo napalakas na ang boses niya kaya may pailan-ilang mga estudyante na ang tumitingin sa amin.

Hindi rin nakaligtas ang damdamin ko sa pag-sakit nang marinig ang mga salitang iyon mula sa kanya. Akala ba niya ay ayaw ko siyang tulungan na maka-alala? Akala ba niya ay gusto kong ganito na lang siya? Gusto ko na makalimutan niya ako?

Dahil sa sakit na naramdaman ko ay pinili kong talikuran siya at umalis na lang. Para namang nakaramdam siya na nasaktan niya ako sa mga sinabi niya dahil hindi na niya binalak pang habulin o sundan man lang ako.

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Where stories live. Discover now