Tips to Attract Boys

Magsimula sa umpisa
                                    

"Nakakatawa naman 'to! Parang ewan!" Sabi ko pagkatapos basahin. Napabangon na ako sa pagkakahiga ko.

"Nakakatawa daw pero gagawin niya yan." Sagot sa'ken ng kapatid ko at halos mabilaukan ako sa sinabi niya kahit wala naman akong kinakain. She really knows me too well.

"Pake mo ba." Sabi ko at tumawa.

Bakit? Masama bang magtry? 18 years na akong naghihintay eh. Nakakapagod manahimik. Nakakapagod maghintay.

Sorry, excited.

***

Monday ngayon. Ang pinakahihintay kong araw dahil ayoko talaga ng weekends. Wala akong magawa. Hindi ko magawa yung plano ko sanang paggawa nung tips to attract boys.

Nakakatakot gawin eh. Pano kung di umepekto? Di ba? Sayang effort at baka mapahiya ako.

Mapapahiya ako sa sarili ko. Nakakahiya. Baka pagtawanan ako ng sarili ko. Baka wala nakong mukhang maiharap sa sarili ko.

Andito ako sa lagi kong tambayan sa school: sa garden. Dito kasi walang masyadong pumupunta. Kaya dito di ako mahihiya mag-isa. Walang makakita sakin na mag-isa ako. Pero ngayon, imbis na mag-isa ay nasa tabi ko na naman si Fernando. Bata pa, matanda lang pangalan.

Honestly, parang never na akong naging mag-isa dahil sa lalaking to. Ngayong sem ko lang siya naging kaklase pero never na akong naging mag-isa mula nung unang araw na naging magkaklase kami.

Hindi ko alam kung magkaibigan na ba kami o ano. Pero minsan, bigla na lang siya lalapit sa'ken tapos magkekwento tungkol sa girlfriend niya. He'll always find me wherever I am and when he does, ang gagawin niya lang naman ay ikekwento kung gaano niya kagusto girlfriend niya. Pero kadalasan, problema.

I fing him feeling close at first. But because of him, I never felt lonely. Despite of his obsession to his girlfriend, I find him funny and really likeable. Naiinggit ako sa girlfriend niya dahil sobrang proud si Fernando dito. And Fernando is so damn loyal that kahit lagi kaming magkasama, he never fell for me. Unlike me for him. I fell so damn hard that I loved how he's feeling close to me. 

Wala eh. Siya lang rin kasi andyan. No choice lang ako kumbaga.

Sa bawat kwento niya tungkol sa girlfriend niyang di ko pa kilala dahil nga di kami close, sinasagot ko na lang siya lagi ng kwento ko tungkol sa crush ko. Tungkol sa crush ko na siya mismo, pero tinago ko sa pangalang Kenjie dahil ayokong malaman niya. Ayokong magtapat dahil para saan pa? May iba na siya.

Basically, close na ata kami dahil nagpapalitan na kami ng kwento. Nagshe-share rin ng secrets. Siya nagkekwento tungkol sa bwiset na girlfriend niya at ako nagkekwento ng kahibangan ko sa kanya. Na akala niya si Kenjie.

Aaminin ko na. Tingin ko, friends kami. I am really antisocial at ilang ako sa mga tao pero sakanya, sobrang kumportable ko na. And I'm thankful, kasi sobrang sunget daw ng mukha ko at nakakatakot daw pero tignan niyo, nangahas siyang kaibiganin ako. I don't even know why.

Nak ng tinapa di ba? Sinong hindi maiinlove dito?

"Psst." Biglang sutsot niya kaya napatingin ako sa kanya. Ganyan siya tuwing magsisimula ng usapan.

"Bukod sa pangalan mo, ano na namang problema mo, Nando?" Tanong kong nagsusungit sungitan habang naiilang. Ang lapit kasi ng mukha niya sa mukha ko. May pagkamaharot talaga to eh, tuwing nakikipagusap ay lumalapit ang mukha, gusto atang halikan ko siya.

Konting lapit pa, susunggaban ko na labi niya. Inaakit talaga ako eh.

Inamoy na naman niya yung buhok ko. Lagi na lang. Kaya medyo nasanay na din ako sa paglapit niya. Pero nakakailang pa din. Kitang may gusto ako sakanya eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tips to Attract BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon