Hindi niya maiwasang obserbahan ang mga kapwa niya pasahero. Hindi niya rin maitatanggi na mag-isa lamang siyang maglalakbay pabalik sa kanyang bayang sinilangan. Napailing na lamang siya. Matagal na panahon na rin mula ng umalis siya at ngayon ay naisipan niya ng bumalik muli.
Sa wakas.
"Reminding all the passengers of RS Shipping lines that this ship will board to Abra de Ilog, Occidental Mindoro. I repeat, to Abra de Ilog, Occidental Mindoro only."
Bakit hindi nalang siya nag-eroplano, eh may pera naman siya? Bakit nga ba? Tinanong niya rin 'yan sa kan'yang sarili pero isa lang ang naging sagot niya.
Kasi, dito siya sanay.
"Tara na!"
Sinundan niya ang alon ng mga taong nagmamadali para makakuha ng magandang pwesto. Sinukbit niya sa kan'yang balikat ang dalang shoulder bag at isang back pack. Mas kakaunti ang dala, mas madali. Bumaba na siya sa bus at nagsimulang maglakad paakyat ng hagdan.
Isinaksak niya ang headphones sa magkabila niyang tenga at sinamyo ang lamig ng hanging buhat sa dagat kasabay nang paglunod ng musika sa kan'yang isipan.
Sa lahat ng barkong sinakyan ko, ang barko kung saan kita nakasabay na sumakay ang hindi ko kayang kalimutan. Ang ating amistad.
***
BINABASA MO ANG
Amistad
RomanceSa lahat ng barkong sinakyan ko, ang barko kung saan kita nakasabay na sumakay ang hindi ko kayang kalimutan. Ang ating amistad. This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination...
