Commutative Property of Addition:
a+b = b+a
Kahit gaano mo bali-baliktarin, kayo pa din. Sa Math, may forever, e ikaw? HAHAHA!
Move on na. Kung kayo, kayo talaga. Hindi man natin masabi sa ngayon, pero darating din 'yung tamang panahon.Sabi nga nila, na kung ang pag-ibig ay tunay, nakapaghihintay.
Madalas, hindi naman natin maipaliwanag agad ang pangyayari, we will be soon to realize na may gagampanan palang malaking bagay ito sa magiging takbo ng buhay mo. Bakit merong tao, na ang galing, ang galing manakit ng damdamin. Magpapakilala, kakaibiganin ka, maging close kayo sa isa't-isa, manliligaw, magiging kayo, sa sandaling panahon, wala na. Hindi na naman kayo magkakilala. Hay buhay. (huminga ng malalim)
Matuto tayong tanggapin na may mga tao talagang darating sa buhay natin, may mga mananatili, at mayroon namang dadaan lang. Mga taong madalas ay mag-iiwan ng sugat sa ating puso. Dadaan lang sila upang bigyan tayo ng aral sa buhay, na magagamit natin sa darating pang mga panahon.
Alright! Diyan lamang po kayo, sa ating mga tagapakinig, heto po ang kantang ipe-play ko para sa inyo... Ang kantang...
On the Wings of Love
YOU ARE READING
MathLove101
Teen FictionKung gaano mo kadaling matandaan ang lesson sa Math, ganuon naman kahirap na tanggalin siya sa isip mo. Para kayong Asymptote, laging malapit sa isa't-isa, pero hindi pweding magsama. Akala mo ikaw lang ka-meet niya, meron din pala siyang ka-pair sa...
