"Anong gusto ninyo? Treat ko." Tanong ni Tim. Himala! Manglilibre ulit 'to. Yes! Hindi masyadong mababawasan ang pera ko (abuso lang?!). Lunch time kasi ngayon kaya as usual, sabay-sabay kaming pumunta dito sa canteen. Para na kaming kambal tuko nito haha. Kung nasaan ang isa, nandun din kaming lahat,

"Anything, basta walang lason." Sabi ni Leigh

"Kailan ba ako nanglibre ng pagkain na may lason? Gusto mo yata eh! Sige bibili ako ng fried chicken with muriatic acid para sayo." Sagot ni Tim sabay kaming tumawa.

"Wala namang ganyanan. Joke lang yun. Eto, hindi makatanggap ng joke." Sabi ni Leigh.

"Ayyiiieeeee." Kantyaw namin kina Tim at Leigh.

"Tim! Paano na si Christel?" Sigaw ni Cha habang si Tim tatawa-tawa lang. Baliw lang? Kung si Tim natatawa, sa akin, wala lang yun.

"Heh! Tumahimik nga kayo." Saway ko sa kanila.

"Sus! Kunwari ka pa." Sabi ni Steph.

Pagkatapos naming maglunch, agad kaming dumiretso sa library. Bumukod lang kami ni Tim sa isang table habang sina Cha, Steph at Leigh ay nasa kabilang table lang. Sanay na kami ni Tim nang ganito, yung kaming dalawa lang. 

"Christel, may itatanong ako sayo?" Tanong ni Tim sa akin habang nakaakbay siya sa balikat ko. Oh? Ang mag-react sasapakin ko mamaya after class. Haha.

"Ano naman yun Tim?" 

"Paano kung may isang lalaking nagkakagusto sayo, anong magiging reaksyon mo?" Seryosong tanong niya. Bakit kaya niya naitanong ang ganitong mga bagay? Dati naman hindi siya ganito.

"Maiilang ako at first lalo na kung close ko ang isang lalaki." Sagot ko sa kanya.

"Ganun?" Sabi niya sabay simangot.

"Bakit ka naman nakasimangot diyan Tim? Anong masama sa sinabi ko? Tanong ko sa kanya.

"Ah eh wala. May naaalala lang ako." Sagot niya sa akin sabay ngiti na halatang pilit lang. "Bakit hindi mo subukang magka-boyfriend kahit minsan? Maganda ka naman. Mabait at matalino pa." Dagdag niya. Teka, bakit ganito ang itinatanong nitong baklang 'to ay este lalaki pala? Ano kaya ang nakain nito at ganito siya? 

"Simple lang ang sagot. May pangako akong binitawan sa mga magulang ko na magtatapos ako ng pag-aaral bago ako pumasok sa isang relasyon at tsaka, para sa akin, ang PAG-IBIG ay hindi nasusukat sa PANLABAS na ANYO ng isang tao, kundi nasusukat ito kung paano ninyo MAUUNAWAAN at MAKIKILALA ang isa't-isa at hindi rin ito isang COMPUTER GAME na pwede mong paglaruan. Isa itong seryosong bagay na dapat pinag-iisipang mabuti bago mo ito pasukin." 'Yan ang sinabi ko sa kanya para maintindihan niya na ang PAKIKIPAGRELASYON ay hindi basta-basta kagaya ng inaakala natin. Ano? Pwede na ba akong maging Guidance Counselor? Ang magsabi ng HINDI, aabangan ko mamaya sa labas ng school. 'De joke lang.

"Wooo! Ang talino mo talaga Christel. Ikaw na!" Puri sa akin ni Tim na mukhang na-realize na niya ang mga sinabi ko.

"Hindi ako matalino Tim. Sadyang nakaka-relate lang ako sa mga bagay bagay sa mundo."

"Ganun? Kung sabagay tama ka nga." Sagot ni Tim.

Krrrriiiiiiiinnnnggggggggggggggggggg.... Krrrrriiiiiiiinnnnnnnggggggggg.... Tunog yun ng bell ah. Tapos na pala ang lunch break. Ang bilis ng oras.

"Ooopss! Time is up! Tama na ang pagde-date. Pasok na tayo sa classroom." Yaya ni Leigh. Sus! Selos ka lang. Kwentuhan na nga lang namin yun ng mag-bestfriend, ipinagkakait mo pa. Haha. 

Ang High School LifeWhere stories live. Discover now