☁DELTA

60 3 2
                                    

[D E L T A] MERON BANG MAKAPAGSASABING INIIBIG KITA?

==========✿

[A.N] Thankyou sa mga bago kong readers. Ang mga susunod pang chapters ay idededicate ko sa mga idol ko :)

✿==========

✍H A N N A H

Kinabukasan nakita ko nanaman na nakatambay si Neil sa may terrace sa tapat ng classroom namin… parang may hinihintay. Dadaanan ko lang siya, papasok ako ng hindi siya kakausapin o papansinin man lang… nararamdaman ko kasing nakatingin siya sa akin at ayaw ko ng ganoong pakiramdam. Kayalang nung papalapit na ako sakanya, hindi ko na lang din napigilan mapatingin sakanya..tss tapos napangiti pa ako.

Binilisan ko na lang ang pagpasok kayalang bigla niya akong tinawag.

Isang hakbang na lang… pintuan na.

Winaksi ko yung magkahalong kaba at hiya saka pinilit binago ang emosyon ng aking mata.

Ngumiti ako ng bahagya, pero hindi na katulad nung una.

Nakakunot ang noo niya nung una tapos tumalikod siya sa akin, humarap sa may quadrangle taliwas sa aming classroom. Nilapitan ko siya… para kasing seryoso ang sasabihin niya.

Hannah: Bakit?

Pinukpok niya ng dalawang beses ang kamay niyang nakasarado, lumunok saka nagsalita.

Neil: Kagabi…

Hannah: umnn… anong meron?

Neil: Ano kasi… diba sabi ko…

Nawala ang kabang nararamdaman ko kanina, naramdaman ko kasi na mas kinakabahan siya nung pagkakataong iyon. Ngumiti ako tapos pinilit kong pasiglahin ang mata ko.

Hannah: Ahh yung kagabi ba?

Tumango siya, hindi man boo ang pangungusap ay parang nagkaintindihan na kami.

Neil: hinintay ko kasi.

Hindi ko nanaman maipaliwanag pero… may naramdaman nanaman akong kakaiba.

Tumawa na lang ako ulet… pinilit mawaksi ang kakaibang nararamdaman ko.

Hannah: Paano naman kita itetex e hindi ko naman alam yung number mo. : ))

Neil: Ay oo nga pala. <tapos nilabas niya yung cellphone niya sa bulsa>

Hannah: Teka sayo ba yan? Baka naman sa tatay mo yan : )) naalala ko kasi nung tinatanong ko yung e-mail add mo noon para sa project sabi mo wala kang ganoon tapos binibigay mo yung e-mail add ng tatay mo.

Neil: Ikaw talaga <tapos nginitian niya ako ;3 ngiting kahit palagi kong nakikita e kakaiba padin> akin to!

Hannah: Wow! Sosyal! <binaba ko saglit yung bag ko> may camera!

Neil: Tara picture tayo!

Hannah: Tayo? :3 hala nahihiya naman ako.

Neil: Bakit ka naman mahihiya? Sige na please <pinagdikit niya ang dalawang palad niya, :3 nakakatuwa siya. Ang masungit na si Neil Rivera… :”> parang bata : ))>

Hannah: Sige na nga! Teka ayusin ko lang yung buhok ko.

Umakbay siya sa akin, parehas kaming ngumiti kayalang nung pipindutin na niya yung shutter button biglang tumunog yung phone niya : ))

NOTUS CERTANUS 2: ANGEL♥HUMANTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang