Meet Stephen Montenegro

22.7K 177 0
                                    

Chapter [2]

“anak talaga bang byabyahe kana?” tanung ni mama sakin

“opo mama” sagot ko naman habang nag eempake ako ng mga damit ko at mga personal na gamit.

“ate kelan ka babalik?” tanung ni Jay sakin

“ate ang bilis naman ng vacation mo?” tanung na sunod ni joy sakin.

“jay pauwi palang ako ang pagbabalik ko na naman ang tinatanung mo hehehe, at joy syempre para may kasama ang ate eris natin sa davao, para sa negosyo natin.” Paliwanag ko sa kambal

“ate mamimiss ka namin” sabi ng kambal at sabay na yumakap sakin.

“anak mag-iingat ka. Sigurado ka bang ayaw mong magpahatid sa kapatid mo baka—“ sabi ni mama at yumakap nadin sakin.

“mama okay lang po ako, wag kayong mag-aalala sakin” pampalakas loob kung sabi kina mama at sa sarili ko.

“ate mag-iingat ka sa byahe ha” sabi ni Justine sakin

“anak mag-iingat kayo ng ate eris mo doon ha” sabi naman ni papa, nagnod nalang ako bilang sagot ko sa kanila at yumakap nadin sila sakin.

Gusto kung umiyak pero ayaw kung ipakita sa kanila, gusto ko matapang ako lagi sa paningin nila.

oh sya tama na ang darama hehehehe pupunta na po ako. Mag-iingat kayo dito ha kambal, ma. Pa Justine yung sinabi ko sa inyo kahapon” paalala ko kina papa at Justine. At mukha namang naiintindihan nila ang ibig kung sabihin doon.

“babay ate ingat sa byahe” kambal

ate mag-iingat ka” Justine

“anak ingat ka ha” mama at papa

“ingat po sa byahe maam sam” mga tauhan naming nakangiti lang ako sa kanila.

“salamat sa inyong lahat at mag-iingat din sana kayong lahat dito” sigaw ko bago ako sumakay ng traysikle.

“mam nandito na po tayo sa terminal” kuya driver

“ah kuya pakidala na muna ako sa **** restaurant please”

“pero mam malalate na po kayo—“

“kuya ayos lang kaya sige na, pagkadala mo sakin pwede ka ng umuwi. Kakain lang naman ako”

okay po ma ingat po sa byahe”

“salamat” sabi ko sa kanya pagkalabas ko sa traysikle.

Dito ako nagpahatid dahil alam kung katapat nito ang building kung saan ang opisina ni Stephen Montenegro. Pagpasok ko sa building pinagtitinginan nila ako.

 

“diba sya si Samantha Sanduval?”

“anong ginagawa nya dito?”

“baka mapahamak lang yan dito”

Yan ang ilan sa mga naririnig ko pero ayokong magmukhang tanga dito at ayokong ipakita sa kanila na maski ako natatakot sa pagpunta ko dito. Para akung isang daga na nagpapakain na sa kaaway kung pusa.

“excuse maam sino po sila” tanung nung babaeng mukhang secretarya ata.

“ah gusto kung makausap si Stephen Montenegro”

“pero maam nasa mee---“

“I’m Smantha Sanduval at gusto kung makausap si Stephen Montenegro”

Pagkasabi ko sa pangalan ko agad syang nag dial sa telepono.

“ah maam pwede na daw pong pumasok”

“Thank you” sagot ko nalang sa secretarya.

She's My Sexy Slave [Away Pamilya]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon