Prologue

270 22 5
                                        

Takot na takot na tumatakbo ang isang studyante papuntang rooftop ng paaralan nila, ito na lang ang natatanging lugar na sa tingin nya ay ligtas para sa isang tulad nya. kahit saang sulok ng unibersidad ay pakiramdam nya'y may nagmamasid sa kanya at sa kahit na anong oras ay handa itong saktan sya.

Pero nagkakamali sya.

Ang akala nya'y ligtas na lugar para sa kanya ay sya palang pinaka-delikado.

"I warned you already, Ashley girl" Bungad sa kanya ni Denise, ang taong ilang araw na nyang tinatakbuhan at tinataguan. Wala na syang kawala kaya napaupo na lamang sya sa sahig dahil sa matinding takot na nararamdaman nya.

"Para mo nang awa Denise, I swear hindi ko alam na nililigawan ka ni Thomas. Wala akong alam, den. Biktima rin ako." Pagmamakaawa ni Ashley kay Denise. Halos lumuhod na ito sa harapan nya pero tinawanan lang ito ni Denise na kasama ang mga barkada nyang sina Mika at Jessey na parehong hindi nagugustuhan ang takbo ng pangyayari.

"Wag mo kong matawag-tawag na Den, we're not even on the same level for you to call me by my nickname, you're just a piece of shit, girl." Matigas na sabi sa kanya ni Denise.

"Denise, nagmamakaawa ako sa'yo. Please, let me live in peace" mangiyak-ngiyak na sabi ni Ashley.

"Let you live in peace? After what you've done? Baka nakakalimutan mong ako si Denise Lazaro and wala sa bokabularyo ko ang forgive and forget. You've got to pay the price of being a bitch!" Sabi naman ni Denise sa kanya.

"Denise, biktima rin ako ni Thomas dito! Alam mo namang isa syang playbo—" Hindi na natapos sa sasabihin nya si Ashley dahil agad itong nakatanggap ng malakas na sampal kay Denise.

"At balak mo pang siraan si Thomas ngayon sa akin!?" galit na galit na sabi nito at akmang sasabunutan pa nito ang walang kalaban-labang studyante kaso ay pinigilan sya nina Mika at Jessey.

"Den, Chill out" Bulong ni Jessey sa kanya.

"Ashley, we've warned you already. Sana nag-drop ka na lang sa university na'to pero talagang matigas ang ulo mo" Si Mika naman ang humarap kay Ashley ngayon.

"H-hindi ko alam ang sasabihin ko sa parents ko kapag nagdrop ako dito" Nanginginig na sagot ni Ashley.

"That's a petty excuse girl, I won't buy that! Listen here you dumbass! Hindi mo kami maloloko! We know na ayaw mong mag-drop dito dahil umaasa kang may patutunguhan kayo ni Thomas! But surprise bitch, maling-mali ang timing ng pag-atake ng kalandian mo!" Singhal ni Denise na lalong nagpaiyak kay Ashley.

"I'm sorry, Denise. I'm really sorry" Wika ni Ashley pagkatapos ay lumuhod ito sa harapan ng mga taong kausap nya.

"That's a very nice gesture from you. Buti't alam mo kung ano ang dapat gawin. But the answer is still no! I can't let you get away ng ganun-ganun na lang! You flirted with my man you expect me to forgive you? Bitch you're damn wrong!" Matigas na sabi ni Denise saka sinipa si Ashley. Malakas ang pagkakasipa ni Denise kaya dumugo ang ilong ng dalaga pero hindi pa rin ito nanlaban dahil kahit anong laban nya, alam nyang hinding-hindi pa rin sya mananalo lalo na kapag si Denise ang kalaban.

"Den, please calm down. Let us handle this okay? Kalma ka muna!" Pagpipigil ni Mika kay Denise.

Kahit papano ay naaawa rin si Mika sa studyanteng kaharap nila ngayon. Wala naman itong ginawang masama. Totoo ang sinabi nyang nabiktima lang din sya ni Thomas at ang mali nya ay bumigay sya.

Wala nang nagawa si Denise kundi ang umirap at ipagkatiwala kay Mika ang usaping ito. Alam nya rin kasi nya ang katotohanang isa't kalahating gago si Thomas.

Regal EliteStories to obsess over. Discover now