PROLOGUE

22 2 0
                                        


"Parang awa mo na. Ano ba ang atraso ko sayo." pagmamakaawa ng babae habang nakaluhod.

"Marami. Kayong mga babae. Mga wala kayong kwenta. Pare-pareho lang kayo. Kaya mas mabuti pang mawala na kayong lahat sa mundo. Mga walang kwenta!" sigaw ng lalaki. Nahihintakutan na umatras ang babae dahil sa naaaninag na galit sa mga mata ng taong kaharap nya. Alam nya na mamamatay na sya. May hawak ito na kutsilyo. Papatayin sya nito. Papatayin!

Napaatras sya ng napaatras habang umaabante naman anglalaki na nakangiti habang pinagmamasdan ang takot nya na mukha. Para itong halimaw na uhaw sa dugo. Wala kang awa na mababakas sa mukha nya. Tanging galit at poot ang masasalamin mo sa kanyang anyo.

"Maawa ka. A-Ayoko pang m-mamatay."

"Ang sarap pakinggan. Parang awit sa aking pandinig." At mas lalo nitong binilisan ang paglapit. Wala nang maaatrasan pa ang babae. Wala na. Katapusan nya na. Iniangat ng lalaki ang patalim at nakita nya ang pagkislap ng talim nito ng matamaan ng liwanag.

"Sa una mo lang naman mararamdaman ang sakit kaya wag kang mag-alala." Baliw na ang lalaki, yan nalang ang nasa isip ng babae. Baliw ito sa dugo at sa pagpatay. Ipinikit na lamang nya ang mga mata. Wala na syang pagkakataon pa na humingi ng tawad sa mga taong pinagkasalaan nya. Katapusan nya na.

"Mamamatay ka na!"

Napasigaw sya sa sakit ng maramdaman ang patalim na bumaon sa kanyang katawan. Wala na. Wala nang pag-asa pa na makaligtas sya mula kay kamatayan.

The DEATH'S EYESStories to obsess over. Discover now