Chapter 1

4 0 0
                                    

Unedited
***************

Present day

"Lola! Hahaha! lola si kuya ayaw ako tigilan nikiliti! Hahahahaha!" dirediretsong sabi ng babaeng apo ko habang tumatawa sabay tago sa likod ko. kahit kailan talaga ang kukulit nitong magkapatid na ito, napapatawa narin lang ako sa kakulitan nila, naalala ko rin ang kabataan ko sakanila. Magsasalita na sana ako kaso biglang may bumusina na sasakyan.

"Lolo's back! yehey! Lolo's back!" excited na nagtatakbo sila palabas para salubungin ang kanilang lolo. di ko din mapigilan ang tuwa ko, bumalik na ang lalaking nagpapatibok sa abnormal kong puso. dali dali din akong naghugas ng kamay at lumabas para salubungin siya. nagtama ang tingin namin at ngumiti siya ng pagkalawak lawak, di ko maitatanggi na hanggang ngayon kahit matatanda na kami ganon parin ang kilig na nararadaman ko sa tuwing makikita ko siya, pakiramdam ko bumabalik ako sa pagkabata. Sandaling naghiwalay ang tingin namin dahil sa dalawang apo namin na kinukulit siya ngayon, napapatawa narin lang kami. lumapit ako sakanila at kinausap ang mga bata.

"Nikki and Nikko, pumasok muna kayo sa bahay, pagod ang lolo ninyo naku! wag niyo muna siya kulitin, oh siya, mag kiss na kayo tsaka maligo na, tuyo na ang pawis ninyo." agad naman nakinig ang dalawang bata, dali dali silang pumasok sa bahay at naguunahan pa sa banyo, napailing nalang ako at napatawa, mga bata talaga.

may narinig ako na tumikhim sa likod ko kaya agad ko ito nilingon. ang asawa ko, ang lapad ng kanyang ngiti habang may hawak na asul na rosas, agad ko namang itong kinuha at niyakap siya ng mahigpit. tumawa siya ng pagkalakas at niyakap din ako ng mahigpit. Madalas kasi siya wala dito sa bahay, lagi siyang nakaduty at bilang sundalo, kelangan lagi siya nasa trabaho kaya bihira lang siya makauwi at makasama namin.

" ang asawa ko talaga miss na miss ako!" tumatawa parin siya habang kumakalas sa yakap namin. hinalikan niya ako sa noo at ngumiti ng pagkatamis tamis.

"syempre naman noh! minsan ka nalang namin makasama at makita eh. salamat din dito sa asul na rosas, naku nag abala ka pa! alam mo namang ikaw lang sapat na! hahaha" tumawa ulit siya at ginulo ang buhok ko, kahit matatanda na kami di parin nagbabago ang pakikitungo niya saakin, kung gaano siya kasweet dati, mas lalo ngayon.

" nakabalik na nga ako. nakabalik na ako sa baliw kong asawa! ahahahahaha!" hinampas ko lang siya sa braso at napanguso, namiss ko talaga tong mokong na to. hinawakan ko ang kamay niya at hinila papasok ng bahay.

"tama na nga yan! halika nagluto ako ng paborito mong paksiw." parang napantig naman ang kanyang tenga kaya di na siya nagpahila saakin at mas nauna pa dumiretso sa kusina, napailing nalang ako, basta paksiw talaga eh noh! hahaha!

Kompleto na kami sa hapag kasama ang buo kong pamilya. Nakakatuwa at pag katapos ng ilang buwan kompleto nanaman ulit kami. Pinaghainan ko ang asawa ko, kulang na nga lang daw sabi niya subuan ko pa siya kaya ang labas, inaasar na kami ng mga anak namin at yung mga nasa tamang edad na na apo, mas lalo kaming natawa ng sumali din sa asaran ang dalawa kong makulit na kambal na apo. Kahit kailan talaga, manang mana nga sila saamin ng lolo nila.

God knows how much I miss my family kaya sobrang tuwa ang nararamdaman ko ngayon at pati natin si trey. Pinisil niya ang kamay ko saka ngumiti, ngumiti rin ako pabalik at nagsimula nang kumain.

Nagaayos ako nun ng pinggan nang biglang lumapit saakin ang una kong apo na si megan. Sa lahat ng apo ko siya ang una kong naalagaan kaya ganon narin ang pagkaclose namin.

" lola, im curious about you and lolo's love story. Can you tell me? I asked mamma pero she said it's better if you're the one na you know po, magshare." Nagulat ako pero syempre mas nangingibabaw ang saya. Di ko inaakala na magiging interesado din siya sa lovestory namin ng lolo niya, gaya ng mamma niya. Ngumiti ako at sumenyas na sundan niya ako, agad naman siyang sumunod saakin. Kinuha ko ang maliit na box na naglalaman ng kaunaunahing bagay na binigay saakin ni trey. Buti nalang naisipan ko itong itago nuon kaya hanggang ngayon andito parin siya.

Napangiti ako habang hinahaplos ang frame. Maya maya pa, feeling ko nagiiba ang paligid, parang flashbacks na nagiging totoo. Ang balat ko unti unting bumabalik sa pagkabata. Pinagmasdan ko ang paligid hanggang sa pamilyar na mga lugar na ang nakikita ko. Ang mga palayan, yung paborito kong simbahan, playground kung saan ako madalas tumambay at ang bahay namin. Bumalik ako sa pagkabata, eto ang lagi kong nararamdaman sa tuwing babalikan ko ang memorya nang kahapon ko. Tuwa at pagkasabik ang aking nararamdaman. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko at ngumiti.






Handa na ako.....







Handa na akong ikwento ang sarili kong karanasan sa pag-ibig.






**************************

A/n: sa next chapter na po magsisimula ang totoong istorya kaya please comment and vote natin po.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: May 25, 2016 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

We'll Be A DreamDonde viven las historias. Descúbrelo ahora