[1] First Time I Saw Him
First time I saw him? Akala ko tutulungan niya ako.
Nagliliparan mga papel nun kasi binato nung isang lalake. Hawak hawak nila ang bag ko, pilit kong inaabot pero di ko talaga abot.
"Akin na nga yan!" Sigaw ko sakanila
Pero tinulak lang nila ako habang hawak pa rin ang bag ko.
Hanggat sa may dumating na isang lalake. Hinawakan niya yung lalakeng may hawak ng bag ko.
Akala ko tutulungan niya ako. Pero mali pala ako. Mas worst pa yung ginawa niya. Eto ata yung lider nila. Kinuha niya yung bag ko, binaliktad niya at natapon lahat ng gamit ko.
Aaminin kong gwapo siya pero napaka-sama niya! >_<
Hindi lang yun ang ginawa niya, binato niya pa saakin yung bag ko. NAKAKAINIS!
Nag-smirk pa siya. Bwisit.
Hindi pa natapos yung kasamaan niya. May dinikit syang parang papel sa noo ko. 3rd Warning.
Tapos tumawa silang lahat. Tinaggal ko naman yung papel sa noo ko at nilukot.
Bago pa sila umalis, nag-smirk nanaman si Third tas tumuloy na.
Sa sobrang inis ko, binato ko siya nung papel na dinikit niya saakin.
Tumama naman ito at napalingon siya, mukhang seryoso siya.
YOU ARE READING
Love Warning
Fanfiction:Third Lapat Ngamchaweng and Sarina Ruttana: Inspired by: Love Warning (MV)