"A-alin?" agad kong tinago sa likod ko ang box.

"Psh." inabot niya ang box na nasa likuran ko at inagaw iyon sa'kin. "This." tinaas niya ang maliit na box sa level ng mukha ko. "Ano 'to?"

"Wala yan!" aagawin ko na sana sa kanya ang box pero bigla na lang siyang pumasok sa loob at sinara ang pinto. "Hoy! Buksan mo 'to!" kinalampag ko nga.

Maya maya bumukas din iyo. "Sorry." he was grinning at me like a kid. Kala mo napakacute ng ginawa niya. Aba! Muntik na kayang tumama yung pinto sa mukha ko. Gagong 'to! Pasalamat ka, pogi ka!

Dali dali akong pumasok sa loob ng condo niya at nakita kong hawak hawak na niya 'yung keychain na laman ng box. "Ang kapal nito! Bakit mo binuksan? Sa'yo ba yan?!"

"Uhm.. I think so?" itinaas niya ang isang sticky note na nakadikit sa loob ng box. "It says here, sorry about last night, Caleb. So, I assume it's for me?"

Napanguso ako. Bakit ba kasi nilagyan ko pa ng note sa loob? Katanga!

"Who's this dog? I think I saw it somewhere?"

Napahagikgik ako dahil si Courage the cowardly dog yung keychain na binigay ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit 'yun, natripan ko lang kasi ang cute. Kamuka niya. Tapos kulay pink pa siya.

Lumapad ang ngiti ni Caleb at lumapit saakin. "Thank you and you're forgiven." He lowered his head towards me habang ako naman ay biglang napaatras.

"H-Hoy! Ano ba?!"

"Stop moving away!" hinila niya yung braso ko.

Pumalag akong muli. "Ano ba? Caleb!!" napatili ako at pilit na nilalayo ang sarili ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa ginagawa niya! Hahalikan niya ako! Ayoko! Pilitin muna niya 'ko.

Napapangiting binitawan na lang niya 'ko. "Wag na nga, ang arte mo."

"Hrmp!!" humalukipkip ako. Loko lokong 'to! "Manyak!"

Napahalakhak siya sa inakto ko pero hindi na nagkomento pa. Tumungo siya sa coffee table at dinampot ang susi ng kotse niya. Kinabit niya du'n ang keychain na bigay ko. "Salamat dito, Natzkie." he grinned at me and that made my heart skip a beat.

"Walang anuman, sorry sa atraso ko." nakangusong sabi ko.

"Nasa Casa na ang kotse ko, don't worry about it." sagot naman niya. "So?"

"Ah! May lakad ka ba? Nakakaistorbo ba 'ko?"

"No, actually, I'm on my way to the gym. Gusto mo bang kumain muna?"

'Ngumiti ako. Basta pagkain talaga para akong inaawitan ng mga anghel. "Sige, tara, pero para makabawi ako sayo, ililibre kita!"

"Silly, I told you not to mind it. Hindi mo 'ko kailangan ilibre—"

"Tama na ang satsat! Tara na!" I grabbed him by the wrist and pulled him out of his condo.

---

"Teka!" hinablot ko ang braso ni Caleb nang nasa akto na siyang papara ng taxi. "MagFX na lang tayo papuntang Shaw tapos MRT! Mahal ng taxi eh."

"What? You think I'm gonna make you pay for it? Wag ka ngang baliw, tara na!"

Muli kong hinila pababa ang kamay niya. "Stop it! My treat, okay? May atraso 'ko sayo, babawi lang ako. Hayaan mo na 'ko para hindi ako nakokonsensya. Hindi ako makatulog sa gabi eh." hinila ko na muli siya papalapit sa sakayan ng FX.

"Will you stop dragging me? I can walk." binawi niya ang kamay niya saka niya iyon pinatong sa balikat ko. "There.. That's better."

"Ano ba? Wag mo nga 'kong akbayan!" I shrugged his arm off.

Steal thy heart (PUBLISHED BY BOOKWARE)Where stories live. Discover now