"Okay hanggang dito nalang muna tayo. Class Dismiss". Sigaw ni Mam bago tuluyang lumabas ng classroom. Pagkatapos nun mabilis na din akong tumakbo palabas para makauwi na dahil mag aalas diyes na din kasi ng gabi. Pano kasi si Mam ang dami pang sinasabi at kung hindi pa namin ipapaalalang time na hindi pa siya titigil.
Ito ang hirap kapag College ka. Minsan gabi kana umuuwi dahil sa schedule mo tapos minsan pa nasa matataas na floor ang classroom niyo tulad namin ngayon na nasa third floor.
Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko sa bulsa ko hudyat na may tumatawag pero hindi ko yun sinagot dahil nagmamadali na kong bumaba para makauwi na rin ako dahil alam kong si Mama na yung tumatawag. Paniguradong nag aalala na yun dahil hindi pa ko nakakauwi, ang alam niya kasi hanggang alas nuwebe lang kami ngayon. Si Mam kasi eh. Hayst!
Ng makababa naman ako ay agad kong kinuha sa bulsa ko yung cellphone ko pero hindi ko na nasagot yung tawag ni Mama kaya naman tinext ko nalang siya na pauwi na ko para naman hindi na siya mag alala pa sakin. Nagsimula na din akong maglakad papunta sa main gate ng school para makauwi na pero talaga atang minamalas ako dahil pagkarating ko doon ay siya namang buhos ng malakas na ulan.
"Bakit ngayon pa kung kailan naiwanan ko yung payong ko?!". Inis kong bulyaw sa kung saan. Paano na ko makakauwi ngayon nito? Lintik naman kasi kung kailan pa umuulan saka ko naman nakalimutang dalhin yung payong ko!
Dahil nga sa wala akong payong na dala ay wala akong nagawa kung hindi ang panuorin nalang ang ibang mga estudyante na umuwi habang dala dala ang mga payong nila. Kasi naman MJ bakit mo ba kasi kinalumutang dalhin yung payong mo?!
Lumipas pa ang isang oras pero hindi parin tumitigil yung ulan at sa halip ay parang mas lumalakas pa ito. Teka wala namang sinabing magkakabagyo ngayon ah? Paniguradong nag aalala na si Mama nito sakin dahil hindi pa ko nakakauwi. Bakit kasi ngayon pa umulan.
"Miss hindi ka pa ba uuwi?". Tanong sakin nung guwardiya na nakabantay doon sa may gate.
"Ah nagpapatila lang po".
"Nako mukang hindi na yan titila Miss. Kakasabi lang sa balita na magdamag ang pag ulang yan".
Nagulantang naman ako sa sinabi niyang yun. "Ha? Nako kuya baka naman may payong ka diyan ibabalik ko nalang bukas promise!".
"Sorry Miss pero wala din akong dalang payong dito eh".
"Ah ganun po ba sige po salamat nalang". Sabi ko dito saka bumalik sa pagtingin sa ulan habang masagana itong pumapatak. Siguro kailangan ko ng takbuhin to.
Akmang tatakbo na sana ko ng bigla nalang may humawak ng kamay ko para pigilan ako. "Hoy kuya bakit mo ko hinahawakan?".
"Mababasa ka kung magpapaulan ka". Malumanay na sagot sakin nito. May estudyante pa pala kala ko ako nalang ang estudyante na naiwan dito sa campus.
"Kesa naman abutin ako dito ng umaga. Sige na bitawan mo na ko para makaalis na ko". Pagpupumilit ko habang inaalis ko yung kamay niya na nakahawak sa braso ko.
"May payong ako dito. Sumabay kana lang".
Napalingon naman ako sa kanya saka siya tinignan mula ulo hanggang paa. Sa hitsura niya muka naman siyang mabait pero hindi niya ko malilinlang. Baka mamaya modus niya lang to tapos baka kung anong gawin niya sakin kapag malayo na kami.
"No thanks kuya. I can handle my self". Sagot ko. Akala niya siguro madali niya kong mauuto ha. Neknek niya.
Huminga muna ko ng malalim saka ako tumakbo ng mabilis habang nakapikit at malakas parin ang ulan. Takbo lang ako ng takbo pero sa pagtataka ko ay hindi ko maramdaman ang pagpatama ng ulan sa katawan ko na para bang hindi ako nababasa. Tumila na ba?
YOU ARE READING
Sa Pagtila Ng Ulan [ONE-SHOT]
SpiritualMaghihintay ako, kahit tumila pa ang ulang nagbibigay buhay sayo. Pangako ..
![Sa Pagtila Ng Ulan [ONE-SHOT]](https://img.wattpad.com/cover/73042299-64-k561561.jpg)