PROLOGUE

15.8K 169 0
                                    


Sa love kailangan mo din magpaubaya. Hindi dahil ayaw mo na kung di dahil alam mo na sa iba sya sasaya. Wala ka namang magagawa kasi mahal nya ay iba. Alangan namang ipagsiksikan mo sarili mo sa taong di ka naman mahal diba?. Ang magagawa mo lang naman ay magparaya. Ayaw nya sayo kaya wag mo nang ipagpilitan pasarili mo. Masakit? Oo syempre. Ikaw ba naman na yung taong mahal mo iba ang mahal. Edi wag ka ng magmahal. Correction. Wag mo na syang mahalin. Aba aba matuto ka ngang magayos! Magmahal ka ng mahal ka. Advice lang beh! Kaya magisip ka. HAHAHA. Kung di mo magawang sabihin sa kanya na mahal mo sya dahil alam mo na masasaktan ka dahil iba ang mahal nya wag mo namang hayaan na nasasaktan ka na patuloy mo pa din itong itinatago. Try mo ilabas pag may time. Iiyak mo kung gusto mo. Wag mo lang itago. May nagmamahal sayo, tandaan mo.

Situation of Jho!

May condition ka. Alalanin mo. Wag kang magpakastress. Chill ka lang. Pero kung di mo kaya na pigilan ang pagmamahal mo sa tao. Ituloy mo. Wala namang masama sa pagmamahal. Kung alam mong di ka mahal tanggapin mo na lang. At kung sa huli ikaw lang yung pinupuntahan nya pag may problema sya. In short, naaalala ka lang nya pag may kailangan sya sayo, wag magpakamanhid. Subukan mong tumanggi sa kanya. Hayaan mong mamiss ka naman nya. Jho? Oo. Kaibigan mo sya pero naaalala ka pa ba nya? Oo, pag may kailangan, yun lang! Kaya please? Wag na munang magpakamanhid. Siguro mamahalin ka din nya. Pero what if sa oras na mahal ka na nya di mo na sya naaalala? Paano kung hindi mo alam kung ano mo sya noon? PAANO!?!?!

Situation of Bea!

May mahal ka. Mahal ka din. Pero bakit sa bawat pagaaway nyo nadadamay yung kaibigan mo? At bakit dahil nun, iniwasan mo sya? Bea! Hindi sya ginawa para maging takbuhan mo pag may problema ka. Paano kung wala? Edi di mo na sya kilala? Paano kung sya naman itong tumanggi sayo? Paano kung wala sya pag may problema ka? Paano kung di ka na nya kilala? Tandaan mo nasa huli ang pagsisi. Masyado syang matangkad okay? Tandaan mo yan. At isa pang tanong paano kung narealize mo na mahal mo na yung tao pero di ka na nya Kilala? Di ka na nya kaibigan? Paano kung wala ka na lang sa buhay nya? Anong magagawa mo pa? Edi magsisi ka? Isip isip din Bey :) Ano!?!?!

Malaking PAANO!?! AT ANO!?!? ang nakahara ngayon sa buhay nilang dalawa. Parehas lang yan ang mga tanong sa buhay nila. BestAdvice: Hangga't di pa huli, wag mo nang palampasin. Baka abot pa yan sya WHO YOU!?

 HIDING ALL THE PAIN (JhoBea ft. BeaDdie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon