Annyeong

35 1 0
                                        

Hindi ko pinangarap maging prinsesa. Hindi ko pinangarap tumira sa mansyon. Hindi ko pinangarap magkaroon ng yaya o body guards. At higit sa lahat hindi ko pinangarap magkaroon ng Prince Charming.

For 21 years of living in this world, marami na kong gustong maabot. Gusto kong maging writer, maging singer, dancer, chef, artista, JPop at KPop artist, tennis player, volleyball player, basketball player, boxer, beauty queen, professor, graphic artist, animator, witch, banshee, anime, japanese, korean, maging isda, ibon, halaman, bato,  minsan naisip ko ring maging computer, alikabok, kambyo ng sasakyan, tubig, hangin, atom, at kung anu-ano pa. Gusto kong maging lahat. Ni na hinagap hindi ko pinangarap kung anuman ang natapos ko. 

I got my Bachelor's Degree in Computer Science this year, 2016. At kapag graduate ka ng ganitong kurso, ang title mo dapat ay Software Engineer. Ibig sabihin, magpo-program ka. Codes everywhere. Dapat alam mo yung language ng computer, dapat alam mo yung binary codes, yung ascii codes, etc etc. Tanong, Bakit ka nag ComSci? Sagot, Sabi ng pinsan, ginusto ko. Hindi naman ako nagsisisi na ito yung natapos ko. Unang-una sa lahat, marami akong naging kaibigan, naging mahirap man pero nakaya ko. Kaya akala ko pag dumating yung time na kelangan ko ng magtrabaho, makakaya ko rin. kaso hindi. Alam kong hindi ko pa nasusubukan pero alam ko ring hindi ko kaya. Iba talaga yung gusto ko sa kung anuman yung natapos ko. Siguro, pinakamalapit na dun yung graphic artist at animator. Ang sama sa pakiramdam yung tapos ka nga, pero hanggang ngayon hindi mo parin alam kung san ka pupulutin. Iniisip ko rin minsan na pabigat na ko sa mga magulang ko. Dapat ngayon, nakakatulong na ko sakanila or kung hindi man eh kahit papano sana tanggap na ko sa trabaho, kaso hindi. Ang bigat sa pakiramdam. Ok lang sana kung bunso ako, kaso hindi. Ako yung panganay kaya lalong mahirap. <sigh>  

So.. Enough with those career sh*ts. Feeling ko isa akong malaking failure. But this is all about the Best Worst of Me,  anyway

Year 2008, nung unang beses akong magka-"boyfriend". June 1, 2008. That is one of the happiest day in my life. Second year high school palang ako noon. Hindi siya yung first crush ko kasi grade 4 palang may crush na talaga ako nun. Ke bata-bata ang landi landi nu? Haha Anyways, Itong si first boyfriend ay nakilala ko lang online. Nung mag highschool kasi ako, natuto na kong maglaro sa mga computer shop at isa nga sa mga larong kinaadikan ko ay yung Dance Battle Audition. Laro, exchange cellphone numbers, text messages, calls, hanggang sa naging kami. Yes, naging kami ng hindi kami nagkikita. Naging kami lang. Cheap? Well, hindi rin naman nagtagal yun. 1 month lang, pero aaminin ko na hanggang ngayon, may space parin sya sa puso ko. Ang hirap ko mag move-on. Magpa-5 years na simula nung mawala siya, pero hanggang ngayon hindi parin ako naniniwala. Parang lahat nga naka move-on na sa nangyari tapos ako hanggang ngayon hindi parin. Namimiss ko sya. September 7, 2011 when he committed suicide at hanggang ngayon masakit parin para sakin.

Year 2008 parin nung nagkaroon ako ng relationship sa pinsan ni first boyfriend. Cheap? That lasted for about 7 months if I'm not mistaken. Meron kaming 4-year age gap at masasabi kong matured na sya that time. He can handle relationship, he can handle me. I'm happy with him. Pero dahil nga bata pa ako nun, nung nalaman ni mama na may boyfriend ako, syempre nagalit sya. Imbis na mag away kami ni mama, si boyfriend na yung nakipaghiwalay. After months of our break up, I had a relationship with their another cousin. Cheap? Yes. I am that cheap! I flirt! After a week, he broke up with me. Sila yung unang tatlong taong minahal ko ng totoo, tapos sila lang din yung sumira sa tiwala ko. Simula nun kung sinu-sino nalang ang naging boyfriend ko. 3 days, 3 weeks, 1 hour, a month. Ganyan nalang ang itinatanggal ng relationship sakin. Pumatol din ako sa may girlfriend na. But don't me wrong, I may be flirt but never kong ibinigay ang Vcard ko sa kahit na sino. NEVER. 

I can fight for love. Nagawa kong ipagpalit ang magulang ko para sa lalaking mahal ko. Tanga? Bobo? OO. Nabulag ako sa pag-ibig na hindi naman totoo. Hindi ko alam kung paano ko nakayanang mabuhay mag-isa sa loob ng isang taon na wala ang mga magulang ko. Sa loob ng isang taon, nagbulag bulagan ako kahit na alam kong niloloko na lang ako, wag niya lang akong iwan. Kahit paulit ulit na, kinaya ko. 

I can give anything you want, love, care, support, attention, time, material things, except my vcard. Naka-reserve 'to for someone who's worth it.  No further explanations. Ito rin yung reason kung bat mas pinipili kong makipag break sa mga naging boyfriend kong hindi mapigil ang kakatihan sa katawan.

Hindi ko pinangarap magkaroon ng Prince Charming. Naniniwala ako sa happily ever after, na mayroong happy ending. Kasi nga, hindi pa end kung hindi ka pa happy. Pero kahit kailan, hindi ko pinangarap magkaroon ng lalaking ititira ako sa isang palasyo. Isang lalaking ibibigay ang lahat ng luho ko. Isang lalaking ipagtatanggol at poprotektahan ako. Hindi ko rin alam kung bakit pero mas gusto ko yung ako ang mag aalaga. Hindi ako sanay ng pinagsisilbihan. Ayokong may gumagawa ng kahit na anong bagay para sakin. Ayokong itinuturing akong isang prinsesa. Hindi ako sanay, at ayokong sanayin yung sarili ko. Ayokong dumating yung panahon na mayroon isusumbat sakin.

Mahal ko o mahal ako? Mahal ko.  Hindi ko kayang pilitin ang sarili kong piliin yung taong mahal ako dahil alam ko sa sarili ko na kahit kailangan, hindi ko sya matututunang mahalin. Hindi ko kayang ibalik yung pagmamahal na kaya nyang ibigay sakin. Ayokong manloko. Ayokong makasakit. Paasa ako pero hanggat maaari, ayokong may nasasaktan ako. Nagiging paasa narin siguro yung tingin ng tao sakin kasi ineentertain ko parin kahit na wala naman talagang chance. Ayoko lang maging masama. Friends lang, yun lang talaga.

Mahilig ako sa taong may personality problem. Mga taong mahirap basahin, misteryoso. Mga malalalim na tao. Marunong maggitara, mahilig magbasa ng libro. Maraming alam. Bonus nalang kung maganda yung boses o magaling sumayaw.

Simple lang naman ako eh...

Hindi ako nagsusuklay pag nasa loob ng bahay.

Minsan hindi naliligo.

Hindi rin selfie lord.

Tamad.

Mas gusto kong maghugas ng pinagkainan kesa maglaba.

Mas gusto kong tumira sa maliit na bahay basta magkakasama.

Madaldal.

Green-minded.

Makapal ang mukha.

Mahilig sa KPop. Anime. Manga.

Madalas tambay sa Youtube.

Fan of Mysteries. Book lover.

Collector ng Sparkling Magazines.

Talent ang cooking. Charing!

Gusto ko matutong mag bake.

Mahilig sa RED. MUFFINS. CUPCAKES. ICE CREAM.

Mahilig sa PEPSI. JUICE na apple flavor. COKE FLOAT ng McDo.

Ukay-ukay girl. 

Adik sa twitter. Facebook. IG.

Nag-dodota.

Ayoko sa talbos ng kamote.

Takot ako sa CLOWN.

4'11" ang height. OO na! Ako na ang hindi umabot man lang sa 5.

Mas marami akong kaibigang lalaki kesa babae.

Childish.

Iyakin.  

Random.  

Insecure.

The Best Worst of MeCerita yang bikin terobses. Temukan sekarang