Romey and Jilliet 1

389 7 2
                                        

"Jilliet anak , mas muka ka pa atang nanay kesa saatin" Sermon saakin mommy

"Mie naman eh Ang hard mo saakin " sabi ko kay mommy

Andito ako ngayon sa kwarto at masyado kong dinadamdam yung sinabi ni mommy , hindi naman kasi ako ganon well Ahm , parang ganon lang naman , hindi kasi ako kagaya ng iba alam mo yun ? Manang na kung manang , kesa naman yung ibang babae dyan na labas na yung kaluluwa saka talaga nakakainis lang yung mga tao ! Oo alam ko naman na low tempered ako eh tanggap ko yun eh basta nakakainis eh !

Saka yung Yung Ronn Romey na yun ? Psh !!! Nakakainis talaga wala na syang ginawa kundi ang pagtripan ako ! Ano kayang nagawa ko sa kanya ? Mas lalo lang akong naiinis ! Palagi nya kasi akong trip porket ba ganito ako manamit ? Hindi kagaya ng iba sa school ? Eh ganito yung gusto kong style eh , sana naman walang pakialaman! If iniisip nyo yung look ko sige ididiscribe ko nalang . Alam nyo yung last friday night ni Katy ? Ganon exactly yung look ko , hindi yung gumanda na sya ah , yung pamget pa sya yun na yun :( haysss alam ko maman na matatawa lang yung ibang tao saakin . Bat ba kasi naisip ko pa yung lalakeng yun !

Inopen ko yung laptop ko and habang nag susurf ako ng net biglang may nag pop up na website.

"Ano to ? Tatlong bibe Club? Matry nga" inopen ko naman yung and natuwa ako sa color nya kasi pink and yellow yung color nung website , pero teka ? Ano to lahat sila bibe yung profile ?

"Ay palaka!" Sigaw ko kasi biglang may nag pop up message pala .

'Hello mga bibe ! Goodmorning !" Sabi nung message wala din naman profile ? Teka ano to ?

I-eex ko na sana kaso lang biglang may ag message ulit .

"Meron tayong bagong part ng bibe club ! Say hi naman" wait ?! Ako ba yung tinutukoy nila ?!

"Hello po" chat ko naman

"Hello , welcome dito sa bibe Club hmmm kung hindi mo pa alam , ipapaalam namin sayo na open to sa lahat ng babae lang na medyo may pinag dadaanan or may kinaiinisan sa buhay , dito sa club natin lahat welcome at dadamayan ka namin dito at wag kang mag alala hindi ka makikilala . .." bigla naman akong napangiti sa nabasa ko ibig sabihin kasi nun lahat ng galit ko kay Ronn malalabas ko dito hayssss salamaaaaaat !

"Ganon ba ? Hmm sa totoo lang meron eh , isang lalake lang naman " sabi ko sa chat box namin "hmmm kasi may isa akong kinaiinisan na lalake sa totoo lang lastyear lang to nagsimula lagi nya akong inaasar dahil sa laging ipit ng hair ko . hay ! Nakakainis talaga iniirapan ko nalang sya lagi wala naman akong magagawa eh :/"

"Naku ! Madami kang kagaya na kaso dito , yung lalake na yan ? Iwasan mo nalang saka kung may time ka sampalin mo narin" medyo natawa naman ako sa advice ng isang babae hahahahaha sarap naman sa chat box na to , hindi ko na fifeel na

"Hahahahahahah salamaaat sa inyo na feel ko na may kakampi ako"

After ng ilang oras na pag chachat sa kanila ? Nabuhayan na,an ako ng loob na hindi lang ako yung nag iisang babae sa mundo na ganito yu g problem

"Babye na muna ah may pasok pa kasi ako eh" sabi ko at pinatay ko na yung laptop ko baka malate pa ako eh ,

**********

Nasa school na ako ang as always ! Ako nanaman yung mga tinitignan nung mga tao ! Psh ! Ano pa nga bang bago !

"Andito na pala si Manang" sabi saakin ni Ronn tapos kinuha yung kamay ko at ang walang hiya nag bless !!!? Leche talaga !

"Ronn ! Tigilan mo na ako hindi naman kita inaano dyan ah" sabi ko at umalis na pero hinawakan nya yung braso ko

"Kiss ko muna " sabi nya at nag pout sya ng lips , piniglas ko naman yung kamay ko at umalis na . Psh ! Hindi ba pwedeng dumaan yung isang araw na hindi nya ako pinapansin o inaasar ? Kahit isang araw lang .

Pumasok na ako ng room namin at umupo na ako sa upuan ko kung saan katabi ko si Ronn

Pero teka mag papakilala muna ako , :) Im Jilliet Sandoval and Im 17 years old , NBSB ako kasi sino ba naman mag kakagusto saakin ng ganito yung muka ko ! Pero kahit naman na ganon syempre lagi ko paring pinapangarap na dadating yung Romeo ng buhay ko , matagal man yun atleast dadating sya saka kung sakaling dumating man sya ready na ako ! Hhihihihihihi

"WAAA!" sigaw saakin sabay hampas ng table ko natapatingin naman ako ng masama sa humampas

"Hahahahahahahahaha nakakatawa yung muka mo ! Wait lang wag mo masyadong sinasara yung bibig mo ! Dudugo yan Yung braces mo wagas eh ! Sinauna , pwede naman kasi yung new braces eh ! " Sabi nya sabay toktok sa ulo ko "ate ,nasa new generations na po tayo tapos na yung Era na ganyan yung baces " sabi nya at umupo na sya sa tabi ko . Leche talaga !

"Wala kang pakialam ah , buhay mo nalang pakialaman mo !" Sabi ko sa kanya at inirapan ko sya , hindi na talaga ako natutuwa sa kanya Promise kung pwede lang eh mag papalipat nalang ako ng room para hindi ko na sya makita !

********

Natapos na yung klase namin at ngayon papunta na ako ng canteen nakakagutom din kaya hihihihihi . Habang nag lakakad ako napaisip ako kasi sa dinami dami ng tao dito sa school namin wala man lang nag kagusto saakin ? Kahit yung panget lang ? Wala talaga ! Haysss ganon ba ako kapanget ?!

"Manang , nakatunganga ka nanaman!" Kilala ko na to .

"Ronn , tama na naman ! Please pwede ba yun ? Hindi na talaga ako natutuwa sa mga ginagawa mo saakin "

"Hinihingi ko ba opinion mo ? Hhahahahaah de joke lang , pero kasi Jill sarap mong asarin promise !" Sabi nya at umalis naman agat sa harap ko whooo ! Ngayon lang to ah. Bibigyan ko kayo ng onting background tungkol kay Ronn

Actually since grade 3 palang kilala ko na sya and inaasar na rin nya ako nun . Dahil sa nakasalamin ako, eh syempre malabo mata ko anong magagawa ko ? And isa pa yung braces ko ngayon , nung grade 7 kasi ako eh magulo ngipin ko kaya ayun nag pa braces ako at ang kaso yung braces daw na naayon sa ngipin ko eg yung heavy na kasi malaki daw damage ! So wala nanaman akong choice ! Pero mabalik tayo kay Ronn so ayun nga kilala ko na sya ng matagal na panahon at hanggang ngayon wala parin sya pinag babago . Mapangasar parin sya at hanggang ngayon ako parin yung pimagtitripan nya malapit na akong masanay kaso ayokong masanay kasi ayoko naman na ginaganon ganon ako! :( pero mukang ganon na nga yung nangyayare ! :( haysssss.

******

After ng mahabang araw ! Nakauwe na ako ng bahay at direcho ako ng kwarto sabay open ng laptop ko

"Hi bibes ! Kakauwe ko lang and alam nyo ba ? Inasar nanaman ako !"

'Psh ! Mga lalaking ganyan walang kwenta , asarin nalang naten sya at laitlaitin dito sa chat box" sabi nung isa tapos pinag lalait na nga namin si Ron kaya ang saya ng gabi ko yung iba sinasabi na muka daw syang kalamares hahahhahaha tapos muka daw purukutong ! Meron din muka daw kutukot hahahhahahahaha saya talaga ng gabi ko dahil dito hahahahahah

After ng ilang oras naantok na ako

"Mga bibes , babye na antok na ako"

"Goodnight :)" mga chat nila saakin at pinatay ko na laptop ko .

Tatlong Bibe Club Des histoires addictives. Découvrez maintenant