Chapter I

143 6 22
                                    

This whole story is dedicated to chaotic-empathy. I hope you like it, Ate Ning <3

Chapter 1

"Angel," nakangiting sambit ng lalaking may hawak-hawak ng painting. The guys standing in front of him chuckled and shook their heads.

"Angel Without Love is the name of this painting. As you can see, the woman with broken wings looks vulnerable sitting on a rock beside a body of water. The reason? Well, once upon a time, there was an angel who badly wanted to be a human. That angel wanted to fall in love like real humans do, but obviously she couldn't dahil anghel siya. So she did almost everything to get what she wanted, until she broke a rule. As a punishment, she was sent to the mortal's land. She was also given a chance to fall in love. To experience the sensation of being in love. The beautiful angel thought that it was more of a gift than a punishment, kaya masaya siyang naglakabay sa mundo ng mga mortal." Ngumiti ang lalaki sa larawan na hawak-hawak niya bago pinagpatuloy ang kwento.

"But to love is to get hurt, hindi ba? Kaakibat ng pagmamahal ang sakit. Kaya naman nang masaktan ng paulit-ulit ang magandang anghel, nagtaka ito nang makita ang pakpak niyang nalalagas. Pinabayaan niya lamang iyon because all she wanted was to give love another shot, kahit masaktan ulit siya." Umiling-iling ang lalaki

"Nang masaktan na siya ng lubusan, tsaka niya lang napagtanto na ang anghel na katulad niya ay hindi dapat nararanasan iyon. She wouldn't be hurt if she stayed in heaven. She wanted to go back."

"But how could she go back if her wings are already broken? She wondered. Little did she know, may isang kondisyon ang pag-punta niya sa lupa ng mga tao. Ito ay kapag nagmahal siya at t'wing masasaktan siya, unti-unting malalagas ang pakpak niya. Unti-unti hanggang sa maubos, para kapag lubos na siyang masaktan, wala ng matitira sa kaniya. Her broken wings won't bring her home anymore. That's the price she had to pay for wanting to fall in love like we do." The man paused at matagal na tinitigan ang painting ng isang malungkot na anghel.

Ang mga lalaking nakapaligid sa kaniya ay nagpalakpakan at sumipol pa.

"Lesson learned: tanungin muna ang kondisyon nang sa ganun ay hindi ka pa bumababa sa lupa ay nakabalik ka na kaagad sa langit," humagalpak sa tawa ang lalaking medyo chinito.

"You could write a sappy romance novel, Brazil." Naiiling na sinabi ng lalaking may tattoo sa braso.

"Shit, did you just make the story on the spot, man?" manghang tanong ng lalaking medyo gulo-gulo ang buhok.

Nagtaka ako kung sino sila. At nakakapagtaka dahil parang may plot hole ang kwento niya. I mean, kung nalalagas ang pakpak ng anghel t'wing nasasaktan yun, ibig bang sabihin nakikita ng mga mortal ang pakpak niya?

Lahat sila ay napalingon sa entrance kung saan may security guard ang nakatingin ng masama sa kanila. The man who was holding the canvas immediately placed the painting on the wall. Pagkatapos ay nagmadali siyang tumakbo sa exit kasama ang mga lalaking nakasunod sa kaniya. They were laughing so hard na muntik pa silang makabasag ng statue na nakatayo sa gilid.

Napakamot na lang sa ulo si Manong guard.

"Kanina ka pa nakatulala diyan, Angel. Ayos ka lang ba?" tanong ni Papa. Hindi ako sumagot. Hindi ko din siya magawang tignan, kaya finocus ko na lang ang atensyon ko sa mga kakaibang paintings sa harap ko.

"Tatapusin ko lang itong trabaho ko at ihahatid na kita, okay?"

"Ayoko pang umuwi, Pa. I want to stay for a couple more hours." Hindi pa akong handang umuwi. I'm too tired to go home.

Kahit nagda-dalawang isip siya ay pumayag siyang manaitili muna ako dito sa gallery. Nakaupo lang naman ako sa labas ng opisina niya at inaaliw ang sarili ko habang pinapanuod si Manong guard na ubusin ang baon niyang Skyflakes. Minsan ay palihim niya pa itong sinasawsaw iyon sa kapeng nasa thermos niya.

To the Hearts We BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon