"Debs! Long time no see ah!"
Eh, ikaw lang naman ang di nakakakita sakin eh, ni di mo nga lang pansin na nadadaanan mo na pala ako.
"Hehehe. Oo nga"
Alam ko lahat makakarelate nito. Yung pinakitaan ka ng intensyon, tapos ikaw naman tong assuming nag-isip agad ng kahit ano, kaya sa huli, ikaw yung nasasaktan kasi yung action na yun, wala lang pala sa kanya.
Nagsimula ang lahat ng to nung nagkaklase kami ni Jaco sa isang major subject. Dun kami unang nagkakilala, sa totoo lang galit ako dito eh, pano naman kasi, nakakairita, unang beses kasi kaming nagkita, magkatabi kami tapos, napatingin ako ng matagal sa kanya kasi akala ko nakita ko na siya tapos bigla na lang sinabing
"Miss, are you falling inlove with me?"
SO AYUN, ANG HANGIN AGAD!
Tapos kung maka-asta parang ang close namin, eh hindi naman, sa totoo lang, naiinis ako sa tuwing nakikita ko yung pagmumukha niya eh! Pero nung malapit ng matapos ang sem, ewan kung bakit hinahanap ko na siya palagi.
Tapos ng sem na yun, hindi na kami nagkaclassmate, iba na kasi yung scheds namin. Then one day, nagkita kami sa mall ayun nag-usap kami saglit then hiningi niya yung number ko. So binigay ko naman.
Nung gabi pagkatapos namin magkita sa mall, tinext niya ako.
"Debs!"
"Jaco?"
"oh yeah!"
Hindi na ako nagreply kasi busy ako kakagawa ng plates namin. So ayun, bigla na lang niya akong tinawagan.
Sinagot ko yung tawag niya,
"Oh, bakit?"
Pero wala naman sumasagot sa kabilang line, siguro nadial lang yung number ko ng di sinasadya. Binaba ko yung tawag niya kasi wala din namang sumasagot eh.
"Debs?"
"Po"
"Di ka lang pala maganda, magalang din."
"Haha, bolero!"
"Haha, sige good night"
Pagkatapos nung text namin nung gabing yun, palagi na kaming nagkikita sa school. Pagnakikita niya ako kasama ang mga kaibigan niya, pinupuntahan niya ako at tinatabihan kung ako lang mag-isa yung naka-upo tapos, nung nagkasakit ako, pinuntahan niya ako sa bahay para lang kumustahin. Sobrang caring niya, feeling ko may nararamdaman na ako para sa kanya.
Pagnagtext ako sa kanya na
"Jaco gutom ako!"
Pupunta siya ng classroom tapos maghahatid ng pagkain. Sweet naman si Jaco, kung ituring niya ako para akong prinsesa. Every morning, tetext niya ako ng good morning, tapos may good night din,
Nagpatuloy ang ganung act ni Jaco kaya naisip ko, baka the feeling is mutual. Isang gabi, tinext ko siya.
"Jaco,"
"Bakit?"
"May sasabihin sana ako."
Eto ang mahirap, kung babae ka, hindi ka makakapag-express ng feeling mo for a boy, kasi parang nakakadegrade, tapos kung torpe naman yung boy, ikaw yung kawawa.
