Wonder Love.

170 6 3
                                    

This is not a Book of a Love story this is a Story of Love. Magulo ba? Hahahaha ^_^ Hindi kasi ito ang typical na story na ginagawa ko na may Two main Characters na nagmamahalan o eventually magmamahalan hindi siya yung mga kathang isip ko lang na story. Ang book na ito ay ginawa ko para mag kwento ng iba't-ibang karanasan o nararamdaman natin when it comes to Love. These are all my thoughts about Love pwede ring mga karanasan ko tungkol sa Love o mga Tanong ko about Love. Pwede namang mga advice ko sa mga taong nagtatanong sa pwede nilang gawin kung ma stuck man sila sa isang sitwasyon about sa Love na hindi nila alam ang gagawin basta maiintindihan niyo rin pag nasulat ko na ang book. ^_^

LOVE. 

-Ano nga ba ang Love o Pagmamahal? 

*Sa aspeto ng Love maraming pwedeng maging ibig sabihin ito sa Family Kaibigan o sa Taong nagugustuhan natin. Pero alam ko naman na ang gusto niyong malaman is pano mo nga ba talaga masasabing nagmamahal kana? Simple lang naman yan eh at alam ko rin na marami nang nagsabi sayo o narinig mo na sa maraming tao ang mga signs na nagmamahal kana.Para sakin eto ang mga Signs na nalaman ko na nagmamahal na pala ako so kung maramdaman mo man ito katulad ng naramdaman ko ibig sabihin Nagmamahal ka na. 

1.Attraction o Paghanga. Crush yan na ata ang pinaka simpleng explanation niyan pero para kasi sakin hindi naman lahat ng crush natin minamahal natin diba? Pero hindi ba't ang una nating napapansin sa isang tao ay ang Physical looks nila wag nang Plastic no judgement naman sa part na yan natural lang na ma appreciate natin o hangaan ang Kagandahan o Kagwapuhan ng isang tao. Susunod naman ay ang paghanga natin sa personality nila. Dun makikita natin ang pag-uugali nila  kung mabait ba sila sweet talented matalino lahat ng positive na characteristics nila mapapansin mo at hahangaan mo. Yun palang pwede nang maging foundation ng Love maliit man na bagay pero malaki naman ang ambag para masabi mong nagmamahal ka na nga. 

2. Smile. Napapangiti tayo ng taong nagugustuhan natin tuwing kausap natin sila. Aminin mo yan! ^_^ Sa umpisa hindi mo pa alam na  kinikilig ka na pero may konting spark sa Puso mo na kumikiliti sayo para mapa smile ka. Sa mga simpleng usapan niyo palang parang ang saya mo na agad kahit nga makita mo lang ang name niya sa Inbox mo napapa smile kana eh. 

3. Nervous o Kaba. Yung bang makita mo lang siya parang medyo hindi kana mapakali. Pero syempre dahil hindi mo pa alam na Love na pala yung nararamdaman mo though hindi pa siya ganun ka strong but still you can consider it as feelings na kahit papano ay may konti na siyang impact sayo. Kaya naman pa simple lang ang mga kilos mo at patay malisya ka lang para hindi ka mahalata pero ang mga sulyap mo daig mo pa ang Detective Hahaha ^_^ 

4. Always thinking of you. Hindi man literal na palagi siya ang laman ng utak mo pero napapadalas ang pag-iisip mo sa kanya lalo na kung palagi ka niyang napapasmile dahil lagi kayong nag-uusap parang yung nasa no.2 Minsan tatanungin natin ang saril natin kamusta na kaya siya? Kumain na kaya siya? Bakit kaya hindi yun nag te-text? Busy kaya siya? Hindi ba't yan ang mga unang tanong na pumapasok sa utak natin. So isang Sign din yan na may konting pag mamahal na ang namumuo sa puso mo kasi nag-alala kana sa kanya. 

5.Selos o Jealous. Sabi nila yung mga taong may karapatan lang daw ang  pwedeng magselos. Para sakin hati ang opinion ko sa bagay na ito. Kasi una sa lahat ang Selos ay isang pakiramdam at hindi isang Batas na kasama sa mga Karapatang Pangtao natin. Kaya yung sasabihin nila na "Wala kang kaparatang mag selos kasi hindi tayo o walang tayo!" Isa lang ang masasabi ko Wala ka ring karapatang saktan ako sa statement na yan dahil hindi ko mapipigilan ang Feeling na to parang katulad lang ng pag hinga mo! Pero dapat ilulugar natin ang pag seselos mga kapatid. Kaya rin naman kasi may mga taong nag bibitaw ng Statement na "Wala kang karapatang magselos." Kasi may  mga taong kung umasta daig pa nila ang GF/BF. Kung alam niyo naman sa sarili niyo na wala pa talagang official na "Kayo Na" please lang lumugar po tayo. Oo masakit pakinggan pero dapat alam din natin kung pano natin dadalhin ang selos. Kaya tayo nasasabihan ng walang karapatan eh kasi naman kung magselos at awayin natin sila pati na ang sasabihan ng manloloko at ng iba pang masasakit na salita eh hindi pa naman talaga kayo kaya technically wala ka pa talagang karapatan na maghurumentado sa kanya kasi walang kayo. Dapat kalmado lang kahit gaano pa siya ka sweet sayo kung walang assurance na kayo at biglang makita mo siyang may iba. Kalmahin mo parin ang sarili mo at kung i-confront mo man siya wag masyadong OA  alam kong masakit pero alam mo naman siguro ang meaning ng Wag OA diba kaya gets mo na kung papano mo siya kakausapin kung nageseselos ka man. 

Lost In My Thoughts!Where stories live. Discover now