I'm Married ♡: Chapter 10

Start from the beginning
                                    

Napalingon naman ako kina Ianne at Aaron. Para din naman silang nagulat sa inorder namin ni bestfriend. Nginitian na naman nila kami. Nginitian din naman namin sila at duamting na din ang order nila. Si Aaron, parehas pala kami ng inorder. Si Ianne naman ay yung Hero Classic lang. Diet siguro. Sa bagay, ang sexy nya. Sana ganun nalang ang katawan ko. Tas, ang hinhin pa nya kumain. Kaya sya siguro gusto ni Ivan. Halos perfect na din kasi sya. Hayy. Ianne, ang swerte mo.

Habang inaantay namin ni bestfriend ang order namin. Nagkwentuhan muna kami ng kung ano-ano. Pero, mahina lang. Baka marinig nila Aaron eh.

“Woah! What a coincidence!” Sabi naman ni Vince kay bestfriend. Nagulat kaming dalawa ni bestfriend. Syempre, hinanap ng dalawa kung mata si Ivanbabes at yun nga kasunod sya ni Vince. Nilibot ko din ang mata ko, at napansin kong wala na din palang bakanting seats, pwera nalang sa likod nila Ianne.

Si Josh naman, umapir pa kay Aaron. Napatingin din sya sa akin at nginitian ako. Syempre, nginitian ko din sya. Si Ivan naman? Nakasimangot. Tss. Pahirapan pa bago sya mapaupo nila Vince sa likod nila Ianne. Alam kong medyo awkward sila.

Umorder na din sila. At sa wakas, eto na ang mga pagkain namin! Waaaah. *o*

Una ko syempreng kinain ang Salad Super Platter Meal. Sinubo ko na yung pizza. Kasunod naman ang chicken. Sunod naman yung spaghetti. Sunod naman yung fresh-salad. Waaah! Ang sarap! *o*

Subo lang ako ng subo. Gutom na gutom kasi talaga ako. =_=

“Anong cute dyan? Tingnan mo nga. Sobrang takaw. Kaya ang taba eh.” Napatingin ako sa boses na yun. Dahil hindi ako nagkakamali, si Ivan yun.

“Cute kaya! Di ba Aaron? Hahaha.” Sabi naman ni Josh.

Ano raw? =_=

“Ha? Ano? Cute? Oo eh. Haha.” Sabi naman nito.

Tss. Ayaw ba ni Ivanbabes sa matakaw? At ayaw din ba nya sa mataba? Excuse me, hindi ako mataba!!! Chubby lang ng kaunti. Onti lang. =__=

“Ma’am, here’s your Peach Banana Split.” Sabi naman nung waiter. Dinahan-dahan ko na din ang pagkain ko. Dumating na din ang order nila Ivanbabes. Bakit ganun, ang unti naman ng pagkain nya? Samantalang ako, doble nung inorder nya. =_=

Wala akong ganang kumain nung dessert. Tsss.

“Oh bestfriend anong problema mo?” Tanong sa akin ni bestfriend.

“Wala. Sayo nalang yan.” Sabi ko sa kanya, “Ladies room lang ako.” Sabi ko naman at tumayo na. Naiinis ako! =_= Di ko alam kung bakit. Pero, bakit parang nakaramdam ako ng tampo or inis?

Tsss. Hindi na nga ako kakain ng madami. Kainis eh.

“Hi.” Nakangiting sabi sa akin ni…. Ianne. Naghuhugas kasi kami pareho ng kamay.

“Hello.” Nginitian ko din naman sya.

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now