"Na-ikwento mo sa'kin noon na dahil sa mga masasamang komento kaya ka huminto. Hindi mo ba naisip na dahil do'n kaya ka napaguusapan? Gusto mo sumikat diba?." Napatingin ako sa kaniya kasabay nang marahan kong pagtango. Oo! Gusto kong sumikat. Pero alam kong wala namang patutunguhan ang pagsusulat ko kung ipipilit ko ang gusto ko.
"Hindi kasi gano'n kadali 'yon, Jean! Nasasaktan ako sa tuwing may manglalait ng gawa ko. No'ng una ay hinayaan ko pero habang hinahayaan ko, patindi nang patindi ang pang-ookray nila sa gawa ko. Sa tingin mo ba'y gaganahan kang magsulat kung gano'n ang tingin ng ibang tao sa'yo? Sa tingin mo ba'y magiging maganda ang epekto no'n sa isang baguhang manunulat? Hindi eh. Hindi. Hindi kailanman, Jean!"
Pagkatapos no'n ay umalis na ako sa aking lugar saka nagtungo sa Comfort Room ng stall namin. Doon ko iniyak nang iniyak ang lahat.
Totoo naman 'diba? Paano ka gaganahang magsulat kung sa umpisa pa nga lang ay may naninira na sa'yo? Paano mo ipagmamalaki ang isang bagay na wala ka namang maipagmamalaki? Marahil para sa kanila ay isa pa lamang akong musmos na kailangan pang kumain ng maraming bigas upang umunlad.
Pinunasan ko ang luha ko at inayos ang aking mukha. Ayokong malaman nila na nasasaktan ako dahil para sa kanila ay bata pa ako. Alam ko ang iisipin nila, bata pa ako para sa buhay pag-ibig. Si Jean lang kasi ang nasasabihan ko patungkol sa pagsusulat ko.
Masakit? Oo! Mistulan akong na-broken hearted nang dahil sa pag-ibig. Siguro nga'y mas grabe pa ang nararamdaman kong sakit kaysa sa mga taong nagmamahal at kailangang mag-move on.
"Oh. Natauhan ka ba sa ka-iiyak mo?." Nagulantang ako sa boses ni Sir Melvin--ang amo ko nang makita niyang sariwa pa ang mata ko sa pag-iyak.
"Tinalo mo pa ang hiladong isda sa sobrang pula niyang mata mo." Sabat naman ni Kuya Ryan.
"Alam ko na ang iniiyak mo, Green. Bakit ba kasing ayaw mong makinig sa sinasabi ni Jean sa'yo?" Ma-ingat nila akong tinatanong lalo na't alam nilang maramdamin ako.
"Natatakot po kasi ako sa feedbacks ng mga tao sa'kin." Paliwanag ko sa kanila. Wala pa namang bumibili kaya lahat sila ay nandito sa harapan ko ngayon. Pinapakinggan ang bawat salitang bibigkasin ko.
"Bakit ka natatakot? Papatayin ka ba nila?" Pilosopong tanong sa'kin ni Kuya Ryan. Pilosopo pero alam ko ang gusto niyang ipahiwatig. Medyo natauhan ako ng kaunti ngunit may pag-aalinlangan pa sa aking kaisipan.
"Green.. huwag kang matakot sa sasabihin ng iba tungkol sa'yo. Tandaan mo, audience lang sila. Ikaw ang ang bida. Bakit ka magpapatalo sa sasabihin ng iba kung alam mo sa sarili mo na may mararating ka sa pangarap mo? Bakit ka magpapatalo sa mga taong malayo sa'yo? Hanggang salita lang sila. Bakit hindi mo nalang gawing inspirasyon ang hindi magandang komento upang sa susunod na kabanata ay magawan mo nang maayos."
Saglit akong napa-isip sa sinabi ni Kuya sa'kin. Ang huling sinabi niya ang tumagos sa isipan ko nang todo. Bakit nga ba hindi ko nalang gawing inspirasyon ang lahat? Bakit nga ba hindi ko naisip na kaya sila nagkakagano'n ay dahil may mali na kailangan kong itama? Bakit ngayon ko pa na-realize ito kung kailan huli na ang lahat?
"Huwag mong iisiping huli na ang lahat Green. Lahat tayo binigyan ng second chance. Pwede mo pag baguhin ang lahat at simulan ang dapat simulan."
Mula noon ay napagtanto ko na hindi dapat ako naaapektuhan sa iisipin at sasabihin ng iba. Napag-isip-isip ko na rin na kailangan kong tuparin ang pangarap ko at ang pangarap sa'kin ng magulang ko maging ang mga kaibigan ko.
Lubos ang aking pasasalamat sa mga taong nagpa-realize sa'kin na kailangan kong sundin ang gusto ko at hindi ang gusto ng tao para sa'kin.
Masaya ako na habang nagtatrabaho ako ay gumagawa ako ng mga kwentong nais ko. Altough, may mga tao pa ring nagbabash ng gawa ko kung bakit daw ako bumalik sa mundo ng pagsusulat, eh hindi naman daw ako nababagay doon. Ngumiti lang ako sa harap ng screen ng aking computer.
A Simple Purpose
Mulai dari awal
