Title: A Simple Purpose
Author: @Choi_Anne6298
Genre: Teen Fiction
Words Count: 3533
We can't never judge a writer by their stories. We can't never blame a writer when they can't update their next chapter.
They're not perfect. Just like us, we are not perfect. We can't do everythimg we wanted.
They're having some weaknesses and struggles in their lives.
Just like us, we are working for ourselves but compare to them? We are nothing.
Sabi nila ang pagsusulat daw ay maihahalintulad sa isang pag-ibig na kailangan mong pag-ingatan, pangalagaan, mahalin at unawain. Mayroon din itong mga bagay na nararanasan mo sa pag-ibig tulad nang kung paano ka masasaktan, iiyak, susuko at muling babangon.
Tulad ng isang pagmamahal, madalas kang masaktan kung hindi mo kayang panindigan ang iyong nasimulan. Mahihirapan kang mag-move on dahil sa sobrang minahal mo nang higit pa sa mga bagay na nagpapasaya sa'yo. Makakaramdam ka nang inggit at selos sa tuwing may makikita kang mas maganda pa sa gawa mo at mas kaakit-akit sa mata ng tao.
Tulad ng isang pagmamahal. May bagay kang isusuko para sa kaligayahan mo at may mga bagay kang kailangan ibangon tungo sa tunay na pagbabago para sa iyong sarili.
I am Green Villamorine and i'm one of them. Isa ako sa mga nangangarap maging isang tanyag na manunulat o kahit hindi maging tanyag basta't mapasama ang aking pangalan sa listahan ng may mga na-published ng libro. O kahit wala na no'n basta't alam kong may tumatangkilik ng aking obra.
Isa lang naman ang hangarin ko kaya ako nagsusulat ng mga kwentong kapupulutan ng aral, Iyon ay dahil gustong maging proud ang magulang ko sa'kin maging ang mga kaibigan kong sumusuporta sa'kin.
Sa katunayan ay isa akong manunulat sa iba't-ibang Genre. But humor genre is my favorite. Ewan ko kung bakit ngunit napapagaan ang loob ko sa tuwing ako'y nagsusulat ng kwentong may buhay pag-ibig na hinaluan ng katatawanan.
Suki rin ako sa mga istoryang aksyon ang senaryo. Feeling ko ay ako ang nasa lugar ng bida sa kwento kaya nama'y hanggang sa panaginip ko ay mistulan akong nakikipagsuntukan at nakikipagbarilan sa mga kontrabida't kaaway. Minsan pa nga'y nahuhulog ako sa aking hindi kataasan na kama kaya nama'y nagkakaroon ako ng pasa sa ilang parte ng aking katawan.
September 2013 nang magsimula ako sa pagsusulat. Hindi ko alintana ang dami ng followers nang ibang manunulat basta't makapagsulat ako. Minsan nga'y napapasilip ako sa profile nang ibang sikat na manunulat kaya nama'y hindi ko maiwasang mainggit sa kanila nang makita ko kung gaano karami ang sumusubaybay sa kanila at sa kanilang kwento. Minsan pa nga'y napapaisip ako. Kung ako kaya ang magsulat, may magbabasa't may tatangkilik ba kaya?
Nakapagsulat ako noon ng isang istorya na alam kong papatok at alam kong may magbabasa. Ngunit sa halip na readers ang makuha ko, basher nagmulat sa'kin sa katotohanang hindi ako magaling na manunulat.
Tatlo laban sa isa. Tatlo sila at ako'y nag-iisa lamang. Syempre dahil baguhan lamang ako, lumaban ako ngunit natalo ako. Nilait nila ang aking obra at sinasabi nilang burahin ko na raw dahil hindi raw maganda. At ako'y sumunod sa kung ano ang tinuran nila sa'kin. Binura ko ang istoryang labis kong pinag-isipan maging ang buong plot nito. That was a romance-comedy story.
Isang gabi akong umiyak ng dahil do'n at nang tatangkain ko nang alisin ang kaugnayan ko sa pagsusulat, sa huling sandali ay nagbukas ako ng aking account.
@Afhhskjxhsj message you.
: Ate! Sobrang ganda po ng story mo. Bakit mo po dinelete? Nabasa ko din po ang mga komento ng mga naiinggit sa istorya mo pero dapat po hindi ka nagpatalo. Para sa'kin maganda ang ginawa mo. Sa bawat update mo ay nabubuhayan ang loob ko sa buong araw na siyang nagiging inspirasyon ko kung bakit ako patulog na nagsusulat.
