Hindi ko man eksaktong naipaliwanag sa kaniya ang dahilan kung bakit ko binura ang aking kauna'unahang istorya ay alam kong naintindihan niya ako. Siya ang kauna-unahan at kahuli-hulihan kong naging reader na nagawa pang mag-mensahe sa akin. Lubos ang pagpapasalamat ko sa kaniya ngunit kailangan kong lisanin ang mundo ng pagsusulat. Hindi dahil sa gusto ko, kundi dahil sa gusto ng ibang tao.

Labis akong nasaktan sa ginawa kong paglisan. Binura ko ang lahat ng aking obra sa aking account maging sa aking mga notebook. Akin itong pinagtatapon at sinunog. Bumuhos ang malalaking patak ng luha sa aking mga mata nang ginagawa ko ito.

Hindi ko naisip na magiging ganito ang mangyayari sa pagsunod ko sa aking pangarap. Hindi ko napaghandaan ang ganitong sitwasyon. Marahil sapagkat ako'y bata pa't wala pang maipagmamalaki kaya tinapos ko ang dapat tapusin.

Makaraan ang ilang linggo, nag-focus naman ako sa pagtatrabaho sa isang gulayan sa palengke ng aming baranggay. Summer naman kaya't ang buong oras ko ay ginugol ko sa pag-aayos ng mga gulay at pag-gawa ng yelong ipatitigas sa freezer upang gawing sangkap sa pagpapalamig ng aming shake.

"Late ka na naman Green!." Saad ng anak ng aking amo na hindi bababa sa 23 ang edad. Mistulan ngang mas matanda ako sa kaniya dahil sa matured daw ang mukha ko.

"Pasensya na, kuya Ryan. Nahuli kasi akong naligo." Wika ko sa kan'ya saka dumiretso sa aking lagayan ng bag. Sinimulan ko nang ayusin ang mga talong at sitaw nang tanungin ako ng aking kasamahan sa trabaho na si Jean.

"Boy! Hindi kana ba nagsusulat sa wattpad?" Nalungkot ako sa tanong ni Jean sa'kin kaya nama'y napatahimik ako sandali saka siya sinagot. "Hindi na."

"Nako! Kalimutan mo nang nagtanong ako sa'yo. Maluluha kana eh! Hahaha." Napangiti nalang ako sa kaniya at pinagpatuloy ang aking ginagawa. "Saka nga pala, nagpunta dito si Balles."

Ang tinutukoy niya ay ang masugid kong manliligaw na nagtatrabaho sa kabilang gulayan. Ngunit, hindi ako easy-to-get kaya nama'y hindi ko gaano pinapansin. Oo! Nagpaligaw ako, pero ang desisyon ko ay depende sa mga kinikilos niya.

"Sup, Girls?" Speaking of the devil. Heto na pala siya.

"Oh, Heto na pala ang iyong iniirog eh! Sige. Maiwan ko muna kayo't mag-aasikaso pa ako ng mga display." Sambit ni Jean sa'min saka iniwan kaming dalawa ni Balles.

Hindi ko siya pinansin bagkos ay tinuon ko ang atensyon ko sa pagbabasa ng mga talbos upang hindi ito malanta.

"Hi Green!" Bati niya sa'kin. Hindi ko pa rin siya pinapansin.

"Snobbers ka ah!" Pangungulit niya.

"Bakit? Bibili ka ba?" Tanong ko sa kaniya. Sa halip na sumagot ay umiling-iling ito.

"Hindi naman pala eh." Tinapos ko na ang ginagawa ko saka pumasok sa loob at naiwan siyang nakatayo roon.

Bakit ko nga pala tinanong si Balles kung bibili siya, eh may sarili naman pala silang gulayan. Aish! Ang gulo ko talaga!

Napakamot nalang ako sa ulo ko saka padabog na umupo sa swivel chair kaharap ng kaha namin. Wala naman ang amo ko kaya pwedeng-pwede ako umupo rito. And besides, bukod sa tindera ako, cashier din ako 'no.

"Green, bakit hindi mo ituloy ang sinimulan mo?" Naguluhan ako sa tanong sa'kin ni Jean? Anong itutuloy ko? Anong sinimulan ko?

"Hindi ko gets!" Daing ko.

"What i mean is 'yong pagsusulat mo ng kwento. Alam kong pangarap mo 'yon at alam kong gusto mong magkaroon ng sarili mong libro. Alam ko rin na may talento ka. Bakit mo sinasayang?." Paninimula niya. Hindi na ako kumibo ngunit nagpatuloy siya sa pagsasalita.

Random ChoiWhere stories live. Discover now