Squad Life 💪👏
PROLOGUE
Kaibigan. Sila yung mga taong laging nandiyan para sa'yo maliban sa pamilya mo. Sila yung mga taong kapatid na yung turing mo dahil halos buong buhay mo sila na ang kasama mo. Sila yung tatawagin mo para masabi yung mga problema na hindi mo maishare sa pamilya mo. Sila lang naman ang kasama mo at nakakaalam lahat ng kalokohan mo. Sila yung karaniwang iniiyakan mo sa mga failures mo sa buhay "shoulder to cry on" ika nga. Minsan nga sila pa yung mas galit sa ex mo kaysa sa'yo na halos patayin na nila sa mga salita nila. Sila rin yung kasa-kasama mo sa tawanan at asaran na to the point na nagkakapikunan na kayo bandang huli. Pero dahil nga kaibigan mo , kahit na gaano kabigat yung problema n'yo, sa huli, mag kakabati rin naman kaya. A friendship without bullying is absolutely boring. Wala naman sigurong magkakaibigan na hindi naglolokohan 'di ba? Hindi kasi kumpleto ang squad o barkada kapag walang tumpulan ng tukso sa inyo eh. Pero pag nag-aaway kami parang hindi nga tumatagal ng isa o dalawang araw yung tampuhan namin. 'Di ko kasi talaga kaya na mawalan ng communication sa kanila , lalo na kung sa araw na nag-away kami e, quiz pala namin sa Math tapos sila lang yung tanging mahihingian mo ng papel. Takteng wala! Dobleng pasakit 'yun . Wala ka ng masagot sa quiz, magkaaway pa kayo ng kaibigan mo.
Hayy.. pero nga dahil kaibigan mo, 'Di mo kayang tiisin
At dahil nga kaibigan mo, tatanggapin mo sila kahit ganon sila.
Parang yung mga kaibigan ko. Yung Squad kong tinatawag. Sila lang naman ang mga taong malalapitan mo kahit anong oras, hindi lang sa problema kundi sa halakhakan at tawanan. Kaya madalas kami napapagalitan kasi ang iingay namin, parang 'di kami nauubusan ng pagkekwentuhan. Tas pagkatapos ng sermon, gagayahin namin kung paano nagalit samin yung teacher namin tapos magtatawanan na naman. Para kaming mga baliw no? Teacher's enemy no.1 yata kami. Hahaha. Baliw kasi talaga kami. At isa sa kinababaliwan namin ay pagkain, masarap kaya kumain. Lalo na 'yang si Ivy, grabe kumain yan. Mahahalata mo 'yun kapag hinawakan mo 'yung tiyan niya. Dami niyang kargada eh. Hahaha.
Hayyy.. wait ipakikilala ko nga pala sa inyo yung mga kaibigan kong mga baliw.
Ivan Jerome Arevalo- siya lang naman yung kaibigan namin na pinagkakatilian ng mga babae at pati mga kabaklaan sa school namin. Ang lakas kasi ng appeal eh. Sabi nga ng iba , makalaglag panty daw. Lalo na pag sumasayaw, dancer kasi siya ng school namin.
John Andrey Montefalco- siya naman yung kaibigan namin na gala. Yung tipong sa isang araw siguro mapupuntahan niya lahat ng bahay namin. Marami namang nacucutan sa kanya dahil sa dimples niyang napakalalim. Meron naman siyang kaisa-isang babaeng minahal ng sobra pero sinira 'yun ng layo nila sa isa't isa. Pero masasabi kong isa siya sa mga cute size sa Squad kahit na medyo may pagkabitter yan. Pandakekong eh. Ehem! Ehem!
Limuel John Guevarra- siya naman yung Journalist ng school , na ipinanlalaban sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. Kulang na lang ay mapuntahan niya na ang Batanes hanggang Tawi-tawi. Madami rin siyang ECA. Grade conscious eh. Maglalabasan 'yang mga sandamukal na certificate na 'yan kapag bilangan na ng ECA. Isa rin siyang Grammar Corrector. Madalas niya kaming nababara kasi nga kapag nag-eenglishan na kami, may nagwro-wrong grammar. Kaya kapag nandyan siya, hindi na kami nag-i-english.
Ivy Loraine Salcedo- isa rin siyang journalist. Kasa-kasama siya ni Limuel sa pagsabak sa iba't ibang parte ng bansa, pero magkaiba sila, english yung kay Limuel tapos sa kanya tagalog. Matakaw yan. SOBRAA.. 'pag may pagkain sa harap niyan, bigla-bigla niya nalang dadakmain 'yun. Tas tatawa ng malakas may kasama pang palakpak. Masaya siya kasama kasi isa siya sa mga madalas na nagpapatawa samin. Hindi kami kumpleto kapag wala siya.
Paula Alrah Oleivar- siya naman yung presidente ng Student Council namin. Magaling siya sumayaw at kumanta. Isa naman siya sa mga sexy at cute size kong kaibigan pero may ipinagmamalaking kagandahan. Kaso, makapal kasi mukha niyan eh. Yung tipong sa lahat ng taong makakasalubong niya, babatiin niya kahit hindi niya kilala. Kaya maraming nakakakilala sa kanya sa School eh. Papansin kasi. Hahahaha.
Aljon Jullienne Chavez- ito naman yung kaibigan naming napakasupportive. Yung tipong siya yung taga-picture, taga-dala ng props namin at minsan taga-hawak ng mga gagamitin naming pang make-up. Kapag may contest kaming sasalihan sa school lagi siyang nandun para tumulong. Ang squad din pala namin ay mga talentado na tipong pati jingle making and jazz chants competition ay sinasalihan namin.
Gillian Jae Vargaus- simple siya manamit, pero ang galing niyang magdala non. Maganda rin 'yan. Siya naman yung pinagkakaguluhan at pinagkakabaliwan ng mga lalaki sa school namin. 'Yung tipong kapag dumaan siya biglang may sisipol ng , witwiw! Ginawa ba namang ibon yung kaibigan namin, eh baboy 'yan. Medyo chubby siya, pero 'di ganon kataba.
Noemi Malvar- siya naman 'yung madalas na tumpulan ng tukso ng grupo dahil sa malaki niyang mata at mga labi. Pero 'wag kayo may ipinagmamalaki rin yang konting kagandahan. Isa siya sa maiingay sa grupo, at siya rin 'yung madalas na nasasaway kasi sa ingay ng bibig niya. Every year nga 'pag may Choice awards 'yung section namin siya 'yung laging nakakakuha ng megaphone award laging siya 'yung 1st, ako naman 'yung pumapangalawa.
Nilda Zapico- siya naman 'yung Artista ng grupo. Ang galing niyan magdrama. Kasali siya sa club ng samahan ng magaling umarte samin. Naging best actress pa nga siya ng section eh. Makapal din 'yung mukha niyan. Wala siyang kahiya-hiyang nagdadrama sa harap ng maraming tao. Pero may ganda rin 'yang tinataglay ang kaso Pandakekang rin s'ya. Madalas ko siyang inaasar dahil sa maliliit niyang sapatos, bukod pa doon pati 'yung mga paa niya. Para bang pang Grade-one yung paa niya sa sobrang liit, tapos kapag hinubad niya 'yung sapatos parang pang-baby na. Wahaha. No offense Nilds.
At ako naman si John Vincent Lorenzo- ang pinakagwapo sa lahat . Hahahaha. DeJoke lang . Ako naman 'yung madalas na nagpapatawa sa grupo o tinatawag na Clown sa squad namin kasi bukod daw sa pagpapatawa ko, mukha daw talaga akong Clown. Ako kasi 'yung madalas na nagpapagaan ng atmosphere kapag stress kaming lahat sa school works. GC kasi kaming lahat eh. Kung 'di niyo natatanong , ang GC ay grade conscious. Star section kasi kami, kailangan talaga naming magsunog ng kilay kasi kapag di namin sineryoso ang isang bagay tiyak ang daming sasabihin ng teacher samin. Kahit na busy kami sa anumang bagay, gagawa at gagawa kami ng paraan para magkita. Anuman o kahit na sino mang humadlang samin ay hindi kami mapipigilan. Pagkain ang hilig namin. Shake lang ni Ate Baby ang tangi naming iinumin. Hehehe.
YAN KAMI. Ang squad namin. Hindi pa nga tapos diyan yung kwento ko eh. Nakakatamad kasi mag-type eh. Hintayin niyo nalang update ni Author. Marami pa talaga kaming experiences sa buhay na magkakasama. Tara? samahan mo kami, sa aming Squad Life.
︿●●︿●●︿●●︿●●︿●●︿●●︿●●︿●●︿●●︿●●︿●●︿●●︿●●︿
Author's Note:
Yow ! Guys ! Hello sainyo. Tagal kong nawala . SORRY PO! Busy sa school eh. Hayaan niyo babawi ako. Ipagpray niyo na sana matapos ko 'tong story na'to . Medyo hawig to sa story ng Squad namin. Sana subaybayan niyo to . Okay ? Mahal kayo ni VncntTgl :) 😊😊
Note: May mababasa po kayong mga bad words dito. Kaya kungayaw niyo po ng ganun, feel free po na wag na 'tong basahin.
At kung magugustuhan niyo naman po, feel free rin to Vote and Comment so we can interact, open po ako sa mga suggestions basta makakapag-paganda ng story ko.
- VncntTgl_32
